Chapter Nineteen
The PossibilityNanatili akong nakatulala dahil sa kanyang sinabi. Mataman itong nakatitig sa aking mga mata na para bang pati kaluluwa ko ay gusto na niyang makita. I felt something in my throat, parang may bara, parang may kung ano. Hindi ako makahinga ng maayos. We stared at each other's eyes hanggang sa wala na akong nakita kung hindi siya.
I blinked a few times before turning away, wala akong masabi. I wanted to talk, I opened my mouth a lot of times pero bumabalik naman ito sa pagkasarado at pagkakalapat.
I sighed and put the jar aside, "What are you talking about?" pinilit kong maging kaswal ang pagsasalita ko. Basag ang boses ko, halos mangatog ako pero pilit kong itinatago, ewan ko ba pero pakiramdam ko ay hindi dapat ako makita ni Charles sa ganoong lagay.
"I'm talking about you. Why do you have to lie to me?" kunut- noo niyang tanong habang kinukuyom ang kanyang mga palad. I avoided his gaze once again, hindi ko kayang tumitig. Pakiramdam ko ay bigla- bigla na lang akong mapapaiyak at bibigay sa harapan niya kapag nakita niyang malungkot ako, kapag nalaman niyang mahina ako ngayon.
Gusto kong umiyak sa kanya pero pakiramdam ko ay hindi tama. Lalong lalo na para kay Luther.
"Hindi naman ako nagsisinungaling sa'yo..." tumayo na ako para harapin siya ng maayos. Lalong naningkit ang kanyang mga mata at sarkastikong natawa saka mas lumapit sa akin at pinakatitigan ako.
"Hindi ako ang maloloko mo, Celine. I know you better than you know yourself, hindi mo lang ako binibigyang pansin." madiing wika nito saka kinagat ang kanyang labi bago napabuga ng isang malalim na hininga. "Fuck," paulit- ulit niyang mura sa ilalim ng kanyang hininga, paulit- ulit hanggang sa 'di ko na ito marinig pero patuloy pa rin ang paghinga niya ng malalim at tila inis na inis ito sa akin.
I feigned shock and sarcastically laughed as well before staring at him, "Pwede ba, Charles? H'wag ngayon. H'wag kang umarte na parang kilalang kilala mo ako, this is not a good time to joke around dahil ako? Hindi ko kayang makipagbiruan sa'yo. Pagod na pagod na ako dahil sa totoo lang? Inis na inis ako sa'yo!" I breathed heavily and my forehead creased, pakiramdam ko ay ngayon ko mailalabas ang galit ko sa kanya.
He scratched the back of his head before furrowing his brow then he looked at me, "Tingin mo ba nakikipagbiruan ako sa'yo? Would I play around with your feelings? Ganon na lang ba kababa ang tingin mo sa akin ha, Celine? Putangina naman, I fucking care for you! Kaya nga ako nandito ngayon, I just want to know if you're okay that I came up here at inabot ko pa 'tong puntong to na hindi ko naman ginagawa para sa ibang babae." litanya ni Charles.
My heart starts beating rapidly, hindi ko alam pero parang may mga alitaptap at paru- paro ang nagsayawan sa loob ng aking tiyan. Hindi ko alam kung paano nangyari yon pero ganoon ang naramdaman ko kasabay ng sakit dahil sa nagawa ni Luther.
"Eh bakit ba gustung- gusto mong nakikisawsaw sa mga problema ko?" medyo malakas na ring sigaw ko sa kanya. Tumigil na rin ng bahagya ang ulan, palakas rin ng palakas ang boses namin. Buti na lamang at walang masyadong tao ang nadaan, ayokong makasanhi pa ng eskandalo.
He narrowed his eyes and almost yelled, "It's because I- damn it!" tumalikod siya sa akin at paulit ulit na namang nagmura. Hindi ko alam yung sasabihin niya pero parang gusto kong marinig.
"Charles, ano?" naiinis ko na rin tanong. Dahil sa totoo lang, natatakot akong maniwala kay Charles lalo na't ngayong may problema ako at biglaan na lamang siyang dumadating.
He then sighed. Lumingon siya sa akin ng bahagya bago matipid at malungkot na ngumiti, "Okay then. Hindi na ako mangengealam sa mga problema sa buhay mo, I wouldn't force you to open up to me, I wouldn't force you to trust me pero Celine sana naman alam mo kung kailan ako nagbibiro at kung kailan ako totoo pagdating sayo."
BINABASA MO ANG
The Equation of Us (COMPLETED)
Teen Fiction[Written in Filipino] Elementary, high school, and until college - Jan Celine Magnetico and Charles Ivan Montero never parted ways. Jan Celine, considered as the beauty and the brains of the engineering department is also the candidate for being a c...