Chapter 12

987 47 4
                                    

Good evening! Sorry for the late update.

Sorry for the typographical errors, nagtyaga lamang akong mag-update sa cellphone which is so hard dahil hindi naman ako sanay. Please bear with me, thank you.

----

Chapter Twelve
Stopover

Nakatitig lamang ako sa mga puno na mistulang sinusundan kami kagaya ng buwan habang natakbo ang sasakyan. Tahimik akong nakaupo habang nakasalpak sa aking mga tainga ang earphones at pinapatugtog ang paborito kong kanta.

Ang all we know ng the chainsmokers.

Kahit pa nga paulit- ulit ko itong pinapatugtog sa tatlong oras ay hindi ako nagsasawang pakinggan at halos masaulo ko na ang kanta dahil na rin sa pagkagusto ko dito.

Nakaramdam ako kanina ng kaunting sakit ng ulo. Hindi ko na lamang inintindi iyon dahil hindi naman ganoon kasakit, kaya ko pa namang dumilat at hindi muna matulog sa buong biyahe.

Naaalala ko kapag mga ganitong pangyayari. Noon kapag kasama ko sila mommy at daddy sa biyahe at sa oras na sumakit ang ulo ko? Ang tanging gagawin lamang nila ay kantahan ako ng paborito kong kanta noong bata ako.

Hindi man maniwala ang iba pero sa tuwinang naririnig ko ang boses ng mga magulang ko kapag nasakit ang ulo ko ay gumagaan na ang aking pakiramdam. Ganon na lamang siguro katibay ang connection namin, sila bilang magulang ko at ako bilang anak nila.

Noon namang nagpunta kami sa Disneyland at hindi sinasadyang magkasakit at sumama ang aking pakiramdam ay dinala agad nila ako sa bahay. Noong hindi bumaba ang init ng katawan ko ay doon ako dinala sa hospital.

Alalang- alala si mommy dahil sa nangyari sa akin. Ang sabi niya sa akin, hindi niya daw alam ang gagawin niya noong mga oras na iyon habang si daddy naman daw ay nandoon lamang sa kanyang tabi, pinapakalma siya ng mabuti.

Napangiti ako nang maalala ko ang mga kinukwento ni mommy noon tungkol sa relasyon nila daddy. Since high school, they were inseparable. They were high school sweethearts. Simula daw nung nagkakilala sila noon ni daddy, hindi na siya tinantanan nito.

Lagi daw siyang kinukulit, kinakausap, pinapatawa hanggang sa magawa nitong paibigin siya.

Yeah, I know. Cliche as it may sounds pero medyo hindi maganda ang relasyon nila noon bilang magkaibigan, lagi kasing naiinis si mommy kay daddy when they were in high school.

Napailing na lamang ako. I feel giddy all the time kapag naaalala ko ang mga bagay na iyon. Story of how my parents started and how they reached this now, yung kasama na nila ako.

"Hey..." untag ni Charles na nasa aking tabi. Hindi ako kumibo, kunwaring ipinikit ko ang aking mga mata at hindi na lamang siya pinansin.

Ayoko siyang kausapin. At kahit sabihin kong alam ko ang dahilan kung bakit ayaw ko siyang makasama o kausapin ay magsisinungaling na lamang ako.

Hindi lang sa kanya kung hindi pati na rin sa aking sarili.

"Celine..." tawag nito sa akin. Kunwaring gumalaw ako habang tulog para hindi naman siya magtaka kung bakit hindi ako sumasagot.

"Tss," narinig kong sambit niya bago kinurot ng bahagya ang aking braso na siya namang nagpakunot ng aking noo. "Celine, I know you're awake. Now talk to me."

The Equation of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon