Final Chapter
Runaway
Wedding day. This isn't my wedding day, this isn't my dream wedding.
Tahimik lamang akong nakaupo sa harap ng salamin habang inaayos ng hair stylist ang aking buhok. Hindi ako makatingin sa sarili ko sa salamin, hindi ko magawa. Alam kong hindi ko magugustuhan ang itsura ko, dahil nakasuot ako ng isang puting gown at ikakasal ako sa lalaking hindi ko mahal.
Hawak- hawak ko yung bouquet of flowers at nakatungo lamang ako habang nakatingin ako sa mga bulaklak na hindi matingkad ang kulay. It was light, naandoon rin ang paborito kong bulaklak.
"Ma'am Jancel, ayos na po ang buhok ninyo..." Narinig kong sabi ni Fritzy saka sinabing tumingin ako sa salamin.
Bumuntong hininga ako saka dahan- dahang nag- angat ng tingin at nakita ko ang sarili kong may mga kolorete sa mukha at ang buhok ko ay sobrang ganda dahil sa pagkaka- ayos nito. Ilang oras din ang tinagal para ayusin ang buhok ko dahil ginusto nila itong lagyan ng extensions para daw mas kita at mas angat ang ganda.
But I don't care.
Matipid akong ngumiti saka tumingin sa baklang nag- ayos ng buhok ko. "Ang ganda niyo sa wedding day ninyo ma'am!" puri nito sa akin saka inilapag ang kanyang mga gamit sa ibabaw ng mesa.
Tumango na lamang ako at tumitig sa salamin at muling tinignan ang aking sarili. Bakit hindi ko magawang maging masaya ngayon? I loved Luther right? Minahal ko naman siya noon? Dad has a point, what's so hard about loving him again?
Hindi ko rin alam. Maybe because somebody already owns my heart o baka hindi naman talagang totoong pagmamahal ang meron ako para kay Luther noon.
Tumayo ako at tinignan yung isang babaeng naandoon lamang sa sofa at tinitignan yung mga sapatos kong nakahilera doon. Napatingin ako sa aking paa, naka- slippers pa lamang pala ako.
Napatingin ako sa orasan, may dalawang oras pa naman bago maganap ang kasal. Mapait akong napangiti, makakatakbo pa kaya ako palayo? Kaya ko bang tumakbo palayo mag- isa?
"Bakit mo tinitignan ang mga 'yan? Gusto mo bang isukat ang iba?" tanong ko sa kanya sabay tumabi ako ng upo.
Napaigtad siya mula sa kanyang pagkakaupo at gulat na napatingin sa akin, "Ma'am!"
Mahina akong natawa saka umiling, "H'wag mo na akong tawaging ma'am. Jancel na lang." nginitian ko siya saka inilapag ang bulaklak sa gilid.
Kinagat niya ang kanyang pang- ibabang labi saka umiling at nahihiyang tumingin sa akin. "No, ma'am. Nakakahiya po kasi kapag tinawag ko kaya sa pangalan niyo lang samantalang hindi naman po tayo ahm... magkaibigan?"
Nahihiya siyang nagkibit balikat at umiwas ng tingin. Tinignan ko yung name tag na nasa may gilid ng kanyang uniform. "Darlene? Hi Darlene." sabi ko saka kinuha ang kamay niya.
Hindi naman siya makapaniwalang napatingin sa akin at bahagyang napabuka ang kanyang bibig, "Then we're friends." ani ko saka siya binigyan ng isang ngiti.
"Ma'am-"
Napanguso ako, "H'wag mo na akong tawaging ma'am, ano ka ba?" I smiled. "And ang ganda ng name mo, Darlene."
Napahagikgik siya saka nahihiyang tumingin sa akin at nagsalita, "Salamat po ma'am-" nakagat niya ang kanyang pang- ibabang labi at binawi ang kanyang sinabi. "I mean Jancel..."
Tumango ako at tinitignan ang sangkaterbang sapatos ko at high heels na nasa gilid ng sofa. Napatingin ako sa kanya saka nagsalita, "You can take two or three shoes if you want, hindi ko na naman nagagamit ang iba diyaan eh."
BINABASA MO ANG
The Equation of Us (COMPLETED)
Teen Fiction[Written in Filipino] Elementary, high school, and until college - Jan Celine Magnetico and Charles Ivan Montero never parted ways. Jan Celine, considered as the beauty and the brains of the engineering department is also the candidate for being a c...
