I changed the cast for this story. Americans to Koreans real quick. Blame "High society" hahaha lol joke.
---
Chapter Thirty- Six
SorryLuther:
I'm so sorry that I can't do anything.
I creased my forehead bago ikinalma ang sarili ko pati na ang paghinga ko. I don't know why I'm feeling this scared right now, pakiramdam ko ay may masamang mangyayari. Hindi ko alam pero may kutob ako, ayokong mangyari ang isang bagay na makakasakit sa'kin. Ayoko, ayokong masaktan na naman ako. Inilagay ko ang kamay ko sa parte ng dibdib kung nasaan ang puso ko, it was beating so fast - kulang na lamang ata ay magkaroon ako ng heart attack dahil rito.
"Something bad wouldn't happen..." bulong ko sa sarili ko at marahas na iniling ang aking ulo para tanggalin sa isip ko ang mga bagay na isa- isang pumapasok rito. Kanina nung kausap ko si Charles ay hindi ko alam kung bakit siya ganoon, hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay ang bigat sa loob niya habang kinakausap niya ako kanina sa may dalampasigan. Gusto ko siyang tanungin, gusto kong intindihin yung mga sinasabi niya.
It's like he's giving me mixed signals pero hindi ko magawang intindihin, nililito niya ako o nililito ko ang sarili ko. I felt like I can understand what he said pero mas pinili kong hindi intindihin dahil alam kong masasaktan ako. Nagtubig ang mga mata ko sa mga naiisip ko, pakiramdam ko kapag dumating na yung mga pangyayaring yon ay sobrang masasaktan ako at sobrang madudurog yung puso ko.
I don't wanna be hurt. I'm afraid of hurting.
Huminga na naman ako ng malalim bago itinago ang phone ko at lumabas sa kuwarto saka bumaba. Doon ako nakarinig ng malakas na tawanan at maingay na pag-uusap, pati na yung mga asaran nila Tryzer.
"Oy, gago! Hindi ko ginawa yun nung freshmen tayo ah!" tanggi ni Yuan habang iwinawagayway pa ang kanyang mga kamay sa ere at ang kanyang mukha naman ay talagang nakabusangot. Napatawa ako, ano bang pinag-uusapan nila?
"Gago! Idi- deny mo pa ba? I caught you. You were making out with some girl on the boy's locker room, akala mo ba walang makakahuli sa inyo? Tigang na tigang ka kasi non ni- break ka ni Czarina." natatawang sabi ni Tryzer habang pumapalakpak pa at tumatawa ng malakas.
Biglang sumeryoso ang mukha ni Yuan at nag-igting ang kanyang panga, "Please don't bring up Czarina's name. Ayokong marinig ang pangalan niya." kumuyom ang mga kamao ni Yuan na nasa ibabaw ng kanyang hita at nakapatong.
Napatikhim si Tryzer at nagsalita, "Pasensya na bro..." sabi nito saka tatapikin sana si Yuan sa balikat nang bigla nitong sinuntok si Tryzer sa dibdib.
"Gago, naniwala ka naman. Galing ko umarte 'noh?" natatawang sabi ni Yuan pero halata naman namin na pinepeke niya lamang yung tawa niya. They stared at each other for a while, they were like talking through their eyes at mamaya- maya pa ay nakitawa na rin sila, kahit hindi naman totoo at halatang pilit lamang.
Inilagay ko ang mga kamay ko sa likod bago ngumuso at lumapit sa kanila. "Anong pinag- uusapan ninyo?" ani ko saka umupo sa tabi ni Jessica na siyang nagbabasa ng libro kanina pero nang magsimula na silang magtawanan ay doon niya ito isinarado at ibinaba. Tinignan ako ni Amanda at ngumiti, "Wala naman. Just random things, maglalaro sana kami kaso hinihintay namin kayo." ngumuso siya at sumimangot, "Eh lahat sila tinatamad kayong tawagin, kaya ayon. Nagkuwentuhan na lang muna kami, buti bumaba ka na. Nasaan nga pala si Charles?" tanong nito.
Napatango at tipid na ngumiti, "Ah. Nasa kuwarto niya ata." Umupo na ako ng maayos at saglit na kinausap si Jess, I asked her kung ano ang pinag-usapan nila ni Calum kanina dahil nakita ko sila sa may dalampasigan at magkadikit, halos wala na ngang distansya. Hindi ata uso iyon sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Equation of Us (COMPLETED)
Teen Fiction[Written in Filipino] Elementary, high school, and until college - Jan Celine Magnetico and Charles Ivan Montero never parted ways. Jan Celine, considered as the beauty and the brains of the engineering department is also the candidate for being a c...