Chapter 13

1K 47 6
                                        

I'm Park Hyung Sik obsessed okay.


---

Chapter Thirteen
Nakarating


"Celine, kamusta na kayo ni Luther?" tanong ni Charles sa akin nang maubos niya yung kapeng kanyang iniinom. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na nakatakip na sa aking mukha saka humarap sa kanya.

"We're doing fine. Eh kayo ni Jade?" tanong ko pabalik habang kinakalikot ang bag ko dahil gusto ko ng kunin yung librong dinala ko. Napatawa siya saka umiling.

"Wala na kami, matagal tagal na rin." nakangiting wika nito at medyo naninigkit ang mga mata. Napakunot ang noo kong napatingin ako sa kanya, "Eh, bakit parang masaya ka pa ata na wala na kayo? Hindi ba dapat ay malungkot ka?" para bang nangungutya kong tanong.

He shrugged, "Wala eh. Ganito talaga ako, hindi ko pinipilit yung mga bagay na alam kong hindi na naman maibabalik pa and hindi na maayos pa tsaka it's no use kung I'll act broken and depress where in fact I'm not at all..." medyo humina na ang kanyang boses sa panghuling linya na kanyang sinabi.

My eyes narrowed while looking at him, "You're not sad at all?" taka kong tanong sa kanya. He looked at me, his mouth slightly opened. After seconds, he grinned bago isinuklay ang mga daliri niya sa kanyang buhok.

"Wala naman akong sinabing hindi ako malungkot sa break up namin ni Jade," he spoke. "Eh ano iyong narinig ko?" masungit kong pagtatanong sa kanya upang makasigurado.

"Hindi mo siguro narinig ng maayos. Ang sabi ko ay wala naman ding mangyayari kung malungkot ako tungkol sa nangyari sa aming dalawa." He shrugged his shoulders and sighed.

Tumango na lamang ako at hindi na nagsalita pa. Bakit nga ba ako nagtanong tungkol sa relasyon nila ni Jade kung sa simula pa lang ay hindi naman talaga dapat? I shook my head wildly to push away the thought, ayoko ng ma-bother dahil sa mga bagay na iyan.

Hindi naman importante.

My phone buzzed and I saw Luther's name on the screen. Agad kong binuksan ang kanyang message.

Luther:

Text me when you get there, gusto kong malaman kung safe ka at kung sino ang mga kasama mo sa bus.

I smiled and felt giddy. Pinasaya na ni Luther ang araw ko. I quickly replied to his text message.

Ako:
Nasa bus pa kami and we still have two hours, I think para makarating kami sa camp and yung lugar na pupuntahan namin. I'm with Charles, wala na kasi akong ibang kakilala dito sa bus namin and Jessica's on the other bus, kasama yung partner niya na na-ikwento ko sa iyo.

Wala pang ilang minuto ay kaagad na rin na nagreply si Luther.

Luther:
Katabi mo si Charles?

Ako:

Yep, bakit?

Luther:

Wala naman, just keep your distance. Alam ko namang magka-away kayo pero ewan ko ba kapag malayo ka sakin tapos alam kong may kasama kang lalake ay nagseselos ako. :( Sana si Jess na lang ang kasama mo diyaan.

Ako:
Wag ka na magselos, Luther. Alam mo namang walang malisya sa aming dalawa kahit ang magtitigan man lang at ang magkaron ng friendship ang huling bagay na maiisip naming gawin. Well, for this competition - kailangan muna namin atang magkasundo kahit for five weeks lang para maipanalo 'to sa final comp.

Luther:

Okay. I understand, take care okay? Text ka sa akin kapag wala kang ginagawa, magtext ka na rin sa parents mo para hindi sila nag-aalala. I miss you. :(

The Equation of Us (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon