Dedicated to pshychotic 💖 Belated happy birthday to you bby Zara. This chapter is for you. I love you and God bless! ✨💕
---
Chapter Twenty- Nine
Mahal KitaFour months.
Apat na buwan ko pang pinatagal ang nararamdaman ko para lamang makasigurado kung sigurado na ba ako sa nararamdaman ko o naguguluhan lamang ako at nagkamali sa pagkakaintindi ng love at comfort.
Pero I'm too old for that, syempre malalaman ko na iyon. Hindi naman ako isang fifteen year old na nagmadali sa isang relasyon at maguguluhan sa nararamdaman kapag tuluyan na talagang nagsawa.
Naisip ko lang na baka kapag inamin ko kay Charles na mahal ko siya ay biglaan siyang mag-sawa sa akin at sa pagmamahal niya.
Hindi ko naman kasi maialis sa sarili ko na matakot dahil paano kung ang totoo pala ay pagod na si Charles pero itinatago lamang sa akin? Paano kung ganon nga? Paano kung gusto niya lang na marinig na sabihing mahal ko na siya pagkatapos ay biro lang naman ang lahat pati na ng sampung taon...
Hindi ko alam ang gagawin ko kapag magkataong mangyari iyon. Ang alam ko lamang ay masasaktan ako.
Pero hindi naman siya maghihintay ng ganoon katagal kung biro lamang ang lahat hindi ba? Pwede rin naman na inimbento niya lang yung sampung taon at may masama siyang plano kaya niya ito ginagawa.
What the hell? Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko. Paunti- unti na akong kinakain ng takot dahil sa pag-ibig na ito.
Hindi ko na alam yung gagawin ko.
Napanguso ako at bumuntong hininga, "Why do I have to be like this?" pabulong kong tanong sa aking sarili.
Napasabunot na lamang ako sa sariling buhok bago marahas na nagbuga ng malalim na hininga. "What the hell, mababaliw na ata ako eh..." kunwaring iiyak kong sabi sa sarili ko.
Buhul- buhol na ang mga bagay na iniisip ko at hindi ko alam kung ano ang uunahin.
Muli na naman akong bumuntong hininga, ang bigat bigat sa pakiramdam ng mga iniisip ko. Hindi ko nga alam kung bakit simula nung inamin ko sa sarili ko na mahal ko si Charles ay nagkaganito na araw-araw.
Mahirap, buti nga at hindi pa lumalagpas ang utak ko kung hindi baka sa mental hospital lang ang bagsak ko.
Sayang naman yung talino ko kapag nagkataon. Kainis.
Napahiga akong muli sa kama bago binalot ang sarili ko sa makapal na puting kumot at yinakap ang unan na siyang nasa gilid ko.
"Charles naman kasi eh..." ngumuso ako at kinamot ang aking noo, ayokong maramdaman tong ganitong pagdududa.
Maya maya pa ay nanlaki ang mata ko nang makarinig ako ng pagbukas ng pinto at mabibigat na yabag ng paa. Napatingin ako sa may pintuan at mas lalong nanlaki ang mata ko nang makita ko si Charles sa may pintuan.
He's here!
"I heard my name..." wika nito saka may pagtatakang lumapit sa akin. Naisara niya na ang pinto pero hindi niya ito ni-lock, yun ang paalala ni daddy.
Noong una ay hindi niya pinapayagan si Charles na umakyat sa kwarto ko at kaming dalawa lamang ang maiiwan doon, kailangan na ako daw ang bababa dahil ako na naman daw ang pinuntahan. Paggalang na din daw sa binigay na effort, napagdaanan na din kasi daw ni daddy yon kay mommy. Yung tipong noon daw ay kahit isang buong araw siyang maghintay ay hindi siya bababain ni mommy.
BINABASA MO ANG
The Equation of Us (COMPLETED)
Tienerfictie[Written in Filipino] Elementary, high school, and until college - Jan Celine Magnetico and Charles Ivan Montero never parted ways. Jan Celine, considered as the beauty and the brains of the engineering department is also the candidate for being a c...