Chapter 32

785 31 7
                                    

Chapter Thirty- Two
First Warning 


"Do you want to get inside?" tanong ko sa kanya habang hawak- hawak niya ang kamay ko at nakasandal siya sa kotse niya.

He bit his lip and shrugged, "I don't know. It's up to you..." biglang lumungkot ang tono niya at nahihiyang tumingin sa akin. "Hindi mo pa nasasabi sa parents mo, right?" nag-aalangang tanong niya. 

I smiled at him and playfully pinched his nose, "Kaya nga tinatanong kita kung gusto mong pumasok muna sa loob. I'm sure nasa living room sila mommy at daddy, I'll tell them about us. Come on?" 

Mabilis na lumiwanag ang ekspresyon ng kanyang mukha at isang malapad na ngiti ang biglang lumabas sa kanyang labi. "Really?" 'di makapaniwalang tanong ni Charles habang nakatitig sa akin, halos mapunit na nga ang labi niya dahil sa sobrang pagkakangiti. Hindi mo rin naman iyon maialis sa kanyang mga labi. 

I nodded, "Yeah." I held out my hand, nang hindi niya inabot ang kamay kong nakalahad ay ako na mismo ang humawak sa kamay niya at hinila siya papasok. Mabagal ang paglakad niya habang ako naman ay excited sa pagsabi sa mga magulang ko na sinagot ko na si Charles. That we're already in a relationship. 

"Wait..." hinawakan ni Charles ang palapulsuhan ko bago ako mabilis na iniharap sa kanya. I creased my forehead at him, naguguluhan ko siyang pinagmasdan, "What? Bakit, may problema ba?" sunud- sunod na tanong ko sa kanya. 

"Are you really sure? K-kinabakahan kasi ako, Celine..." wika ni Charles habang nangangatog na pinagsiklop ang kamay naming dalawa. 

I automatically smiled and kissed him on the cheeks, "You can do it, Charles. H'wag kang kabahan, parang ikaw ang babae eh. I'm by your side. Sasabihin lang naman natin plus legal naman ang panliligaw mo sa akin." He nodded and he looks convinced, sana naman kahit papaano ay nabawasan ang kabang meron siya. 

I sweetly smiled, "Let's go in?" tanong ko para makapanigurado sa kanyang sagot. 

He quietly nodded and we held hands habang papasok sa bahay namin. 

Nang makatapak kami sa loob ng bahay ay agad na nanlamig ang kamay ni Charles. I glanced at him and he looked a bit pale, I secretly smiled at his cuteness. Ang cute niya lamang tignan habang kinakabahan ng dahil sa'kin, he loves me that much huh? I pressed his hands even more and smiled at him, he smiled back at me but the nervousness was written all over his face. 

Hahanapin ko na sana sila mommy nang siya ang mapadaan sa harap ko at may hawak na folder. She stopped and looked at us for a while hanggang sa bumaba ang tingin nito sa kamay namin ni Charles na mahigpit na magkahawak. At doon ako nakaramdam ng kaba, nang nasa harapan ko na si mommy.

Pero nabawasan iyon nang ngumiti si mommy at tumingin sa aming dalawa, "You're here..." she left her sentence hanging bago ibinalika ng tingin sa kamay namin na magkahawak at binalik ulit sa amin mismo. "... nasa dining room ang daddy niyo. We were about to eat, doon tayo." Mommy instructed us to follow her kaya 'yun ang ginawa naming dalawa.

I stared at Charles for a while before finally entering the dining room, "Don't be nervous. Andito ako sa tabi  mo." sabi ko saka siya nginitian. Tanging tango lamang ang isinagot niya sa akin at kinagat ang kanyang pang-ibabang labi saka kami tuluyang pumasok roon. 

The Equation of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon