Chapter 15

1K 43 7
                                    




Chapter Fifteen
His Eyes


Pagkatapak na pagkatapak ko pa lamang sa bus ay rinig ko na ang ingay ng mga kasama ko. Pauwi na kami, hinanap ko yung upuan ko kanina bago ako nagtungo doon saka umupo sa tapat at malapit sa may bintana. Komportable akong sumandal sa upuan bago bumuntong hininga, salamat at tapos na yung training at activity na ginawa ng ICAL para sa Math Competitors. Next month na yung competition and sana, manalo kami ni Charles. Kami ba naman kasi ang representative ng school.

I took my phone bago ito ni-unlock at hinanap ang messages ko with Jessica, I texted her.

Ako:
Buti naman at pauwi na rin tayo. I missed you Jessica, kamusta yung kinalabasan ng training camp ninyo?

Wala pang ilang minuto ay nagreply na agad si Jess.

Jessica:
It was fine. Kakasakay ko lang ng bus, nakakapagod yung huli naming activity. Medyo 'di ko kinaya, I promise not to be a representative sa next competition, ayoko na pala. Ayoko talaga. Jusko.

I chuckled while typing then sent her my message.

Ako:
Mine was fine as well, nakakapagod pero na- enjoy ko rin naman. Mababait naman yung kasama ko sa cabin and si Charles, well, minsan naman ay mapagtyatyagaan talaga siyang kasama.

Jessica:
To be honest nakakapagod yung ginawa naming amazing race. Imagine, they made us run in the woods, nasugatan pa nga ako eh. Buti na lang at naandoon siya sa tabi ko para gamutin ako, I guess he's not that bad after all :)

Ako:
Yung partner mo? :/

Jessica:
Who said I was talking about my partner? No I'm not! -_-

Ako:
Ang defensive mo naman masyado. Hahahaha.

Jessica:

Sige na Jancel, magpapahinga na ako. Ikaw rin, rest while you still can dahil pagbalik natin sa school ay grabe- grabeng pressure na naman ang kahaharapin natin. Sure ako doon.

Napatawa na lamang ako bago pinatay ang cellphone ko, hindi ko na muna itetext sila Luther and I'll surprise mom and dad. Gusto ko miss na miss nila ako. I chuckled at my own thought before I shook my head at sumandal sa bintana, time to relax for hours. Pwede na rin siguro, mababawi ko naman siguro yung lakas ko habang natutulog ako dito sa bus.

I closed my eyes for a minute, huminga ako ng malalim bago tuluyang nakatulog and the rest was dark.


Napakunot ang noo ko nang maramdamang ilang ulit na umuumpog ang ulo ko sa bintana, ang sakit na tuloy nito. Unti- unti akong dumilat at medyo malabo pa ang paningin ko pero nang kinusot ko na ang mga mata ko ay doon na naging malinaw ang lahat. I sighed and tuck some strands of my hair before sitting properly.

Napatingin naman ako sa gilid ko at napatingin kay Charles na nakatitig sa akin. I raised an eyebrow, "What?" iritado at may halong pagtatakang tanong ko sa kanya.

He smiled, "Masakit na ba ulo mo? Pansin ko, ilang beses ng umuumpog yan sa bintana eh. Ang ingay na nga paminsan, kawawa ka naman." Napatawa pa siya ng bahagya bago inalis ang earphones sa parehas na tainga niya at itinago iyon sa kanyang bag.

"Funny," I muttered under my breath saka umirap at pinagkrus ang mga braso ko sa ibabaw ng aking dibdib bago muling huminga ng malalim. Bakit ba biglang ang init na naman ng ulo ko eh nakita ko lang si Charles? Kanina naman nung ka-text ko si Jess ay maganda pa ang mood ko sa kanya.

Ugh, what's happening to me? Seriously!

"Sinumpong ka na naman, may napanaginipan ka bang masama?" tanong nito sa akin at linapit pa ang kanyang mukha ng kaunti sa akin.

The Equation of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon