Chapter 02

1.8K 82 35
                                    




Chapter Two
See You



High school came and I don't even know what to do specially sa clearance with all of the subjects and all of those requirements. Busy ako sa pag-aaral para sa periodical exams sa last quarter, busy rin ako sa pagho- host ng upcoming event after exams which is like the closing ceremony for all the fourth year students. Party din iyon para ma-enjoy ng mga ga- graduate which is kasama kami ni Jess ang last year namin sa school na 'yon.

Inayos 'ko ang mga yellow pad paper na nagkalat sa study table 'ko, sinalansan 'ko muna lahat ng iyon bago inilagay sa isang color green na folder at inipit iyon sa pagitan ng mga libro sa isang bookshelf na nakatayo sa aking kwarto. Pumunta ako sa harap ng salamin at inayos ang aking sarili, okay naman ang itsura 'ko - wala na akong dapat ayusin pa dito.

May kumatok sa pintuan ng aking kwarto dahilan upang mapatingin ako doon, nagtataka kung sino ang posibleng sadyain ako rito. "Come in," bahagyang sigaw 'ko upang marinig ng taong nasa labas.

Nang bumukas ang pintuan ay iniluwa non si mommy na nakangiti sa akin at may hawak- hawak na isang maliit na box.

"Bakit po, mommy?" nakangiti 'kong tanong sa kanya habang nakatago ang dalawa 'kong kamay sa bulsa ng aking pantalon.

"May pupuntahan 'ka ba, Celine?" tanong ni mommy. Si mommy at daddy lamang ang pinapayagan 'kong tumawag sa akin ng Celine because with them, I think my name becomes extra special kumpara sa ibang taong sinubukan na tawagin akong ganoon. Jancel lang ang pinapayagan 'kong itawag sa akin ng iba. Ganoon ako.

"Yes, mommy. Pupunta po ako sa student council meeting, paguusapan namin yung event for tomorrow night." sagot 'ko sa kanyang tanong bago siya hinalikan sa kanyang pisngi.

Tumango tango naman si mommy at ngumiti sa akin bago nagsalita, "I have a gift for you. Nalalapit na naman kasi ang birthday mo anak and nakakalimutan mo na naman dahil sa sobrang pag-aaral. Hindi ka na nga nagsasabi sa amin tungkol sa debut mo, you're turning eighteen darling. Dapat special iyon," lumamlam ang mga mata ni mommy bago niya kinuha ang aking mga kamay.

"Turn around, darling."

Sinunod 'ko ang sinabi sa akin ni mommy and after that, I felt something thin and cold touched my skin. Tinignan 'ko ang sarili 'ko sa salamin at doon 'ko nakita kung ano ang binigay sa akin ni mommy. It was a silver necklace na may pendant na crescent moon and a star as the half of it. Napangiti ako at hinarap si mommy.

"Thank you, mom!" yinakap 'ko siya ng napakahigpit at mistulang mapupunit na ang aking bibig dahil sa sayang nararamdaman.

"You deserve it, anak. I'm thankful na binigyan ako ng Diyos ng anak ng katulad mo. I'm very blessed." bulong nito saka hinalikan ako sa noo.

"I love you, mom!" buong pusong pagpapahayag 'ko bago 'ko siya yinakap muli and nothing compares to my happiness when my mom told me she loves me too.

Matapos ang eksenang iyon ay bumaba na kaming dalawa ni mommy sa living room. Andoon si daddy na busy namang nakikipagusap sa mga ka-negosyo niya habang may hawak- hawak na dyaryo at tasa ng kape sa ibabaw ng lamesa at upuan na kanilang inookupa.

"Mom, mamaya 'ko na lang po kakausapin si daddy about the course that I'll get when college comes, okay?" paalam 'ko at kinuha ang aking bag sabay isinuot ito. Inayos 'ko na rin ang aking relos bago itinali ang sintas ng aking sapatos.

"Sure, busy din kasi ang daddy mo. Ingat ka, anak. See you later." wika ni mommy bago tumalikod at dumiretsyo sa kusina, siguro ay ipaghahanda ng pagkain sila daddy at ang mga bisita nito.

Napaigtad ako sa biglang pagtunog ng aking cellphone, napalingon sa akin si daddy at tinaasan ako ng kilay. I mouthed sorry dahil halata namang naistorbo 'ko ang meeting nila. I grabbed my phone and answered the call.

The Equation of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon