Chapter 40

858 32 0
                                    

Chapter Forty
Rushed

Ang laki kong tanga dahil ngayon ko lang iyon binuksan. Hindi ko alam kung bakit nga ngayon ko lang iyon hinukay at binigyan ng atensyon, bakit kailangang ngayon lang?

Naiisip ko na kung noon ko kaya iyon binuksan, may magbabago sa mga nangyari ngayon? Hindi kaya kami naging ni Luther kung nabuksan ko agad ang kahon na ito?

Dahil nauna si Charles. Nauna niyang ibinaon ang box bago ko nakilala si Luther. Siguro nga.

Siguro nga ay sobrang daming magbabago ngayon kung dati ko pa iyon binuksan. Sobrang dami siguro. Kasama na itong nangyayari ngayon, hindi sana ito mangyayari kung inuna ko na muna ang pagiging thankful kaysa sa pagkainis ko kay Charles noon.

Biglaang tumunog ang cellphone ko kaya naman mabilis kong itinago lahat ng nakuha ko sa box at inilagay iyon sa ilalim ng kama bago ko sinagot ang tawag.

"H-hello?" nauutal kong sabi habang pilit na kinakalma ang sarili dahil ultimo ang kamay ko na hawak ang aking cellphone ay nangangatog pa rin.

"Jancel! Nandiyaan na ba si tito?" tila natatarantang tanong ni Luther mula sa kabilang linya.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko bago sumagot, "W- wala pa sila, bakit?" taka kong tanong sa kanya. Luther sounds so uneasy, para bang mayroong problema.

"Just stay there, okay? Papunta na ako diyan." sabi ni Luther na para bang nagmamadali.

Kumunot ang noo ko bago tumayo, "Bakit Luther? Ano bang nangyayari?"

Biglaan akong binabaan ng tawag ni Luther dahilan para mas lalo akong kabahan. Nagpalakad- lakad ako sa kuwarto at ilang ulit na huminga ng malalim para pilit na sabihin sa sarili ko na hindi naman dapat ako nagpapa- apekto.

Napaigtad ako nang biglaan na namang tumunog ang cellphone ko. Buong akala ko ay si Luther ulit ang tumatawag pero mali ako - si daddy pala.

Kinagat ko ang pang- ibabang labi ko saka sinagot ang tawag at magsasalita pa lang sana ako pero sinigawan na agad ako ni daddy. "I've had enough of your decisions, Jancel! Ipinapahiya mo kami!" sigaw ni daddy mula sa kabilang linya.

Malakas na kumabog ang puso ko, "P-po? Ano po bang nangyayari?" Dahil kahit pati si daddy ay nagtutunog desperado at natataranta.

"Let's talk when I get home. Pauwi na kami ng mommy mo." matigas na wika ni daddy. Tatanungin ko pa sana siya at sasabihin sana na sabihin na lang sa'kin habang magkausap kami sa telepono pero hindi ko na iyon nagawa.

Patakbo akong bumaba sa hagdanan saka pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Patuloy pa din talaga sa pagkabog ng malakas at mabilis ang puso ko, pakiramdam ko tuloy ay aatakihin ako kahit anong oras ngayon.

Nang makakuha ako ng tubig ay nangangatog pa rin ang mga kamay ko. Iinom na sana ako pero biglaang may tumawag sa pangalan ko dahilan para magulat ako at mabitawan ko ang baso ng tubig.

"Ay ma'am!" sigaw ni manang sa gulat kaya naman agad niya akong nilapitan. Kumurap ako ng ilang beses saka ako tumingin sa kanya.

"M- manang..." tawag ko sa kanya. Lumuhod ako at pinulot yung mga piraso ng bubog. "P- pasensya na po..." sabi ko.

"Ma'am! H'wag niyo na pong pulutin iyan!" pigil sa akin ni manang saka hinawakan ang kamay ko at pilit akong pinatayo. "Ako ho dapat ang humingi ng pasensya at nagulat ko kayo kaya ito nangyari, pasensya na ho talaga..."

The Equation of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon