Chapter Twenty- Five
One Chance, All In
Different and beautiful.
'Yun ang naramdaman ko nang lumapat ang mga labi ni Charles sa labi ko. Of course, I was caught off guard - nanatili lamang na nakadilat ang aking mga mata at hindi makagalaw sa aking kinatatayuan. Dahan-dahan niya akong hinalikan na para bang isang maling galaw lamang niya ay masisira ako, na para bang mababasag ako.
With his kiss, I felt so loved and taken care of.
It didn't feel wrong at all, parang tama pa nga ang pakiramdam nang ginawa niyang paghalik sa akin. My breathing got heavy at mas dumoble ang bilis ng kabog ng aking dibdib, yung mga mistulang alitaptap o paru-paro sa tiyan ko ay nagpatuloy sa pagsayaw at parang kinikiliti ako.
He slowly opened his eyes bago hiniwalay ang labi niya sa labi ko. I blinked a few times para pakalmahin ang sarili ko pati na ang puso ko pero hindi ko naman magawa, hindi kumakalma at mas lalo pang tumindi yung emosyon na aking nararamdaman dahil sa ginawa ni Charles.
At dahil sa hanggang ngayon ay nasa harapan ko pa rin siya.
"Celine..." malambing na tawag niya sa aking pangalan. I just stood there, nakatitig sa kanyang mata. There was an undeniable expression of love in his eyes, a mixture of sadness and happiness. Hindi ko alam kung ano ang mas namamayaning emosyon sa puso ni Charles ngayon.
Naguguluhan din ba siya the same way na naguguluhan ako?
"Celine, I love you..." tumungo siya na para bang nahihirapan at hindi alam ang susunod na sasabihin. My eyes widened even more, sa narinig ko sa kanya ay hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba iyon o ico- consider ko na naman bilang isa sa mga hindi nakakatawa niyang biro.
"W-What?" nauutal kong tanong. Hindi ako makapaniwala, hindi ko kailanman inisip o sumagi sa isipan ko na mangyayari ito. Na may isang Charles na magtatapat sa akin, na aamin sa harapan ko. Hindi kailanman sumagi sa isipan ko na yung taong lagi kong kinaiinisan ay siya palang mayroong nararamdaman para sa akin.
"Mahal kita Celine..." bulong niya at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa mga kamay ko. He stared right through my eyes, mas lalong lumamlam ang mga mata niya ngayon and his face also softened. He licked his lips before finally speaking once again, "Mahal kita Celine, matagal na."
Inalis ko ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa kamay ko, ako ang unang bumitaw doon. I creased my forehead, "A-Ano bang pinagsasabi mo, Charles? You're joking again!" pinilit kong maging kaswal ang tono ko, pinilit ko itong lagyan ng inis pero sa tingin ko ay hindi naman ito gumana. Pakiramdam ko ay mas lalo lang nahalata ni Charles ang pagiging uneasy ko dahil sa sitwasyon naming dalawa ngayon.
Sino ba naman ang hindi magiging uneasy ngayon, hindi ba?
He creased his forehead at sinabunutan ang sariling buhok bago muling tumitig sa mga mata ko, "Just for once, Celine maniwala ka naman sa'kin. Just for once!" sigaw niya as he took a step closer to me. "I love you Celine, I love you so much. Please, maniwala ka naman sa'kin... hindi ako nagbibiro Celine. Totoo 'tong nararamdaman ko sa'yo!"
I faked a laugh and stepped back, paunti- unting lumalayo sa kanya hanggang tumigil ako sa distansya kung saan sapat na ang layo ko sa kanya. Hindi naman gaano kalayo at hindi rin naman ganon kalapit. Just enough for him not to notice my teary eyes.
"K-Kung hindi ka nagbibiro, Charles. K-Kailan pa?" hamon kong tanong sa kanya, seeing if he really has the answer.
He sadly smiled at me, "I fell in love with you the first time I saw you ten years ago. When we were in sixth grade, when we both saw ourselves ending up in the principal's office. I fell in love with you when I saw you again in our first year of high school, with your hair falling back on your shoulders and your smiles that could make any guy crazy, Celine. I already fell in love with you even before you met Luther and he became your boyfriend. Minahal kita noon Celine, kahit na nagalit ka sa akin dahil naagaw ko ang posisyon mo para sa valedictorian..."
![](https://img.wattpad.com/cover/83603824-288-k23751.jpg)
BINABASA MO ANG
The Equation of Us (COMPLETED)
Novela Juvenil[Written in Filipino] Elementary, high school, and until college - Jan Celine Magnetico and Charles Ivan Montero never parted ways. Jan Celine, considered as the beauty and the brains of the engineering department is also the candidate for being a c...