Chapter 26

994 40 1
                                        

Chapter Twenty- Six
Fear

Nakangiti ako habang pumipili ng damit na isusuot ko para sa school. Ngayon na daw maia-announce yung mananalo at umaasa talaga ako na isa kami doon. Sana lahat ng representative ng school namin for each course and subjects ay manalo, o kahit ilan lang sa amin.

Sa amin kasi umaasa yung school, ayaw naman namin silang ipahiya. Kaya sana, in God's will ay meron sa amin ang manalo.

Kinuha ko na lang yung isang halter blouse pati na yung beige colored cardigan ko. Kinuha ko na rin yung high waist pants ko pati na yung sneakers ko. I immediately grabbed my towel at dumeretsyo sa banyo.

Napangiti ako nang maalala ang nangyari. Hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Charles pati na ang mukha niya kahapon habang umaamin sa akin. Kumabog na naman agad ang dibdib ko nang maalala ko siya, iba na talaga yung pakiramdam ko.

Ano na ba to? Is this the four letter word already o talagang naguguluhan lang ako?

I shook my head and bit my lip, "What is happening to me?" Inilagay ko yung kamay ko sa parte ng dibdib ko kung nasaan yung puso ko, grabe kung may sakit ako sa puso ay aakalain kong aatakihin na ako sa ganitong lagay ko.

Pagkalabas ko sa kuwarto ay dumirestyo ako sa kama habang suut- suot ang aking bathrobe, umupo ako doon sa harapan ng salamin saka binuksan ang blower.

I watched my reflection in the mirror as I blow dried my hair, ganito na pala ang itsura ko. Napabuntong hininga ako, why do I feel incomplete all of a sudden?

Ngayon ko lang napansin na hindi ko na pala naiisip si Luther. Na hindi na pala siya gumugulo sa isip at puso ko, na para bang ang dali ko na lang ulit siyang nakalimutan. I sighed, kamusta na kaya siya?

I took my phone and stared at it, hindi ko alam kung ite-text ko ba siya o hindi. Nagda-dalawang isip ako pero gusto ko naman talagang malaman kung ano ang lagay niya ngayon.

I clicked his phone number and swallowed, parang unti-unti na namang nagkakaroon ng bara ang lalamunan ko.

I typed.

Ako:
Hi Luther, kamusta na?

Hindi ko na inisip kung buburahin ko pa ba iyon o dagdagan ko o dapat ay hindi ko na lang din ito i-text. Imbes ay ni-send ko na lamang ito kaagad, maghihintay ako sa reply.

Inilapag ko na ang phone ko at pinagpatuloy ang pagpapatuyo ng aking buhok. My phone beeped at akala ko ay si Luther iyon, pero hindi pala.

It was Charles.

Charles:
Hi, good morning. Alam kong tumawag na ako kanina sa'yo and I actually forgot to tell this to you, susunduin kita. I'll wait outside your house.

Napakunot ang noo ko.

Ako:
Bakit sa labas ka pa maghihintay? Kilala ka na naman nila mommy, kilala ka na nila bata pa lamang tayo.

Wala pang ilang minuto ay dumating na agad ang kanyang reply sa mensahe ko.

Charles:
You know we can't. Ayoko namang biglain sila, baka kasi magulat sila na kakahiwalay niyo lang ay may nanliligaw na ulit agad sa'yo and you even allowed it.

Ako:
That's okay. Wala namang namamagitan sa'ting dalawa eh. Nanliligaw ka lang naman.

Ngumuso ako nang lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin siya nagre-reply. Nang matapos akong mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba.

"Good morning, mom..." bati ko kay mommy saka ito hinalikan sa pisngi. Narinig ata ni daddy ang pagbati ko kaya naman inilapag niya sa lamesa ang dyaryo at tumitig sa akin. I came near him at hinalikan din siya sa pisngi.

The Equation of Us (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon