Chapter Eleven
Ang Simula"... Amen."
Huling sambit namin matapos mag-sign of the cross. Tahimik akong lumabas ng simbahan kasama si Luther. Wala ni isa ang nagsasalita sa aming dalawa, sabay kaming maglakad at magkatabi.
Nakatingin lang ako sa malayo, bumaba ang tingin sa aking sapatos at mag-aangat na naman muli ng tingin. Ewan ko ba, I find it hard to speak right now lalo na't na-disappoint ako kay Luther nang sabihin niyang he wanted to spend his time with me pero hindi naman siya nakapunta.
Naramdaman ko ang kamay ni Luther na hinawakan ang aking kamay, dahan- dahan naman akong napatingin sa kanya at nagtaka.
He smiled, "Are you still mad?" tanong nito sa akin.
Tumungo ako at umiling, "Uh, just disappointed." mahinang bulong ko.
He stopped walking at hinawakan ang parehas kong kamay. He lifted my chin up and sadly smiled at me, "I'm sorry, Jancel. Something really came up at work, sorry for disappointing you so many times." wika nito saka hinalikan ang aking noo.
Ngumiti ako, "It's alright." pero sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi pa din maalis ang sobrang pagka-inis ko dahil sa ilang ulit na niyang ginawa ang bagay na iyon sa akin. The dinner date, kung saan naghanda akong mabuti pero hindi niya ako sinipot because something came up at his work. Lagi namang ganoon, baka masanay na lamang ako.
"Hey..." pag-tawag ni Luther sa aking pansin. Napatingin naman ako sa kanya ng walang ekspresyon sa aking mukha, nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Luther. "I'm sorry, sorry talaga, baby." hinila ako nito para sa isang yakap.
Napangiti ako at napahinga ng malalim, I tapped his back and spoke, "Okay lang. Okay na, hindi na ako galit."
Humiwalay siya sa yakap saka tinapik at ginulo ng bahagya ang aking ulo, "Are you sure? Babawi talaga ako sa'yo today, baby. Hindi na ako papayag na maagaw pa ng trabaho oras ko sa'yo ngayon."
Tumango ako, "Sige."
Kinuha ni Luther ang kamay ko bago ako hinila papunta sa kanyang sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto, ngumiti na lamang ako bilang pasasalamat. Pumunta na siya sa driver's seat at pinaandar ang makina.
"Where do you want to go?" tanong nito pero nakatuon ang atensyon sa kalsada. Napagisip- isip ako kung saan ko nga ba gustong magpunta.
"Kahit saan, maybe sa park na lang? May panlatag ka ba diyaan?" tanong ko saka kinuha ang phone ko mula sa bag dahil naka- receive ako ng text message.
"Hmm, you want to go to the park? Ah yeah, meron sa likod. Pwede na sa ating dalawa iyon eh, I also have foods." ngumiti ito sa akin saka mabilisang pinisil ang aking kaliwang pisngi. Nanliit naman ang mata ko sa kanya saka ngumuso.
"Such a cutie," napahagikgik ako bago umiling.
Nang makarating kami sa park ni Luther ay agad naming inilatag ang tela sa damuhan, kinuha niya yung mga iilang pagkain mula sa loob ng kanyang kotse. Okay na naman sa amin ang kaunti dahil dalawa lang naman kami, kung sana ay kasama namin ang aming mga kaibigan dito - doon talaga ay marami dapat ang pagkaing nakahanda.
"Hey, come here." paga-aya sa akin ni Luther. Agad ko namang pinagpag ang aking puwetan saka ako tumabi sa kanya.
He wrapped his arms around my shoulders, I nuzzled my neck. Maya- maya pa ay sinimulan niya nang laruin ang aking buhok at haplusin ang aking braso, "I missed you, baby. Kung alam mo lang kung gaano ako kainis sa sarili ko every time that I had to cancel my dates and bonding times with you. I'm so sorry for doing those things, kailangan lang talaga." malungkot ang mga mata niyang wika habang nakatingin sa akin.
I looked at him and slightly smiled, "Ano ka ba Luther, it's okay. Now that you're here with me, nawala na yung disappointment ko. At least tinupad mo yung salita mong babawi ka sa akin and ngayon 'yon. Stop worrying about it, we still have a lot of chances to spend our times together."
Hinalikan ko ang kanyang pisngi bago isinandal muli ang ulo ko sa kanyang balikat.
"I love you..." ani Luther saka hinalikan ang aking noo.
Napangiti ako sa aking narinig pero hindi ko alam kung bakit parang may nag-iba sa aking pakiramdam sa tuwing naririnig ko iyon na sasabihin niya, hindi ko alam kung sa akin ang nag-iba o sa pakiramdam niya sa tuwing sinasabi niya na mahal niya ako.
Hinawakan ko ang kanyang kamay, "I love you too."
At wala na kaming ibang ginawa ni Luther maliban sa paggamit ng oras namin na magkasama at nagkwentuhan tungkol sa mga nangyari sa mga nakaraang araw.
---
"Jess!" sigaw ko sabay takbo papalapit sa kanya. Hinila ko yung luggage ko sabay hinto habang hinahabol ang aking hininga.
"Hurry up, Jancel!" singhal ni Jessica sa akin sabay kaway ng kanyang kamay.
"Eto na nga, sandali lang!" mas binilisan ko ang paglalakad at hinawakan ng maayos ang bag na nakasabit sa aking balikat.
"Dalian mo pa!" sigaw muli ni Jessica. Napairap na lamang ako nang tuluyan na akong makaapak sa bus, dali- dali akong tinulungan ni Kuya na mag-guide sa amin maliban doon sa driver, inilagay niya yung luggage ko sa tamang lalagyan ng luggage at mga bag sa bus. Tumabi na kaagad ako kay Jess at hinabol ang aking hininga.
"Bakit ka ba nandito? Puro Math ICAL lang ito, hindi science. Bakit ka nandito?" mahinang tanong ko sa kanya nang ma- realize kong puro mathematics ICAL competitors mula sa iba't- ibang universities ang nasa loob ng magandang bus.
Umirap siya at pinagkrus ang dalawang braso sa ibabaw ng kanyang dibdib, "Duh, I know. Pinilit ko lang talaga, ayokong makatabi si Calum sa upuan. Dito na lang ako." saad niya.
Binatukan ko siya, "Loka ka, Jessica! Iba ang route namin, bumalik ka na nga sa bus mo."
"Ayoko!"
"Isa, Jess!" wika ko at umirap na naman siyang muli. She grunted and stood up, hindi naman pala dala ang bags niya at yung maleta niya. Nako naman, Jess. Ang tigas talaga ng ulo mo kahit kailan!
Lumabas na siya ng bus at nagpaalam sakin. Lumipat ako ng upuan, doon na ako sa tabi ng bintana. I closed my eyes and heaved a heavy sigh, buti na lamang at nakinig na sa akin agad si Jessica. Ipipikit ko na lang sana ang aking mga mata ng biglang maramdaman ko na may tumabi sa akin.
Pagdilat ko ng aking mga mata ay nakita ko ang isang halimaw na ayoko naman talagang makita kaso naalala ko na siya nga pala ang kapartner ko. Umiwas ako ng tingin ng maramdaman ko na naman yung kakaibang pakiramdam na yon, katulad na lamang nung nakita ko siya sa gymnasium matapos nilang maglaro ng basketball.
"Hey," bati niya at tamad na tamad na kumaway ng kamay. Tinitigan ko lamang siya saglit at nag-iwas na ulit ng tingin, ayoko siya tignan.
Umupo na siya sa tabi ko at marahas na nagbuga ng hininga, mukhang pagod si Charles. Pinasak ko na lang ang earphones sa aking tainga para maiwasan ang makipagusap sa kanya, hindi rin kasi ako mapakali kapag wala akong taong nadadaldal o nakakausap eh.
Wala ni isa ang nagsalita sa amin and I was glad. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko sa oras na mapatitig na ako sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
The Equation of Us (COMPLETED)
Roman pour Adolescents[Written in Filipino] Elementary, high school, and until college - Jan Celine Magnetico and Charles Ivan Montero never parted ways. Jan Celine, considered as the beauty and the brains of the engineering department is also the candidate for being a c...