Chapter 34

728 30 1
                                    

Chapter Thirty- Four

Date

Nang makapasok ako sa loob ng girl's cr ay humarap ako sa salamin at huminga ng malalim saka iniling ang aking ulo. That message is just a prank, baka nagkamali lang ng number hindi ba? Baka lang. Baka pinagti- tripan lang ako. 

Pero gagawin kong tanga ang sarili ko kung magpapaniwala ako sa mga iniisip kong posibilidad.

Binuksan ko yung faucet bago ko isinahod ang kamay ko sa tubig at binasa ang aking mukha. Wala naman akong masyadong make- up sa mukha kaya ayos lang. Paulit- ulit akong naghilamos saka huminga pa ulit ng isang beses, calm yourself Jancel. Walang masamang mangyayari. Wala. 

I tapped my cheeks a few times before putting on some powder at naglagay ng lipstick. I forced myself to smile at my reflection, sana naman ay hindi nila mapansin na may mali. Pagkalabas ko ng comfort room ay bumalik na ako sa table namin kung saan naandoon silang lahat at busy na naguusap- usap.

Umupo ako doon sa upuan na katabi ni Charles at mabilis siyang humarap sa akin, "Bakit parang ang tagal mo naman sa loob? May nangyari ba?" mahina niyang tanong habang pinipisil ang kaliwang kamay ko. 

I faked a smile, "Wala naman. Naghilamos lang ako, ang init eh." pagdadahilan ko na lamang. Kilala ko kasi itong si Charles, hindi nagpapatalo pagdating sa mga diskusyon at kapag hindi ko siya nabigyan ng magandang rason ay paniguradong pipilitin niya akong magsabi ng totoo. 

He narrowed his eyes and spoke, "Sigurado ka bang ayos ka lang, Celine? We could go home if you want to. Parang wala kang gana at hindi ka masaya dito..." hinaplos ni Charles ang pisngi ko, he even checked kung may lagnat ba ako o wala dahil halatang  halata daw na wala akong gana.

I chuckled and assured him, "Okay lang ako, Charles. Let's enjoy this night, nanalo tayo. And may gana ako, medyo nabusog lang ako kaya tumahimik ako." umaasa akong naging maganda yung tunog nung rason ko sa tainga niya, para kasing hindi ako yung klase ng tao na magsasabi ng mga rason at bagay na ganoon. Yung tumatahimik kapag nabubusog? What the hell, anong klase 'yon?

He sighed and intertwined his fingers with mine, "Okay. Let's enjoy this." wika niya saka matamis na ngumiti at tuluyan na kaming nakipag-usap sa mga kaibigan namin. 

We were having a lot of fun, the boys were drinking at yung mga babaeng may ka-relasyon ay pinagbawalang uminom ng mga boyfriends nila at kasama na ako doon. Charles didn't allow me to drink wine at wala naman talaga akong balak. I drink wine pero hindi ngayong araw, wala ako sa mood para uminom at malasahan ang wine. 

I leaned on the chair and crossed my arms over my chest. I became so much happier when I admitted that I am in love with Charles and I thank Luther for actually letting me go kahit noon ay hindi ko alam ang rason kung bakit.

Luther let me go for me to have the happier relationship and for me to have the better things I truly deserve. Sa isang dako ng isip ko, paano naman si Luther? He told me that he's still in love with me. Was he happy when he finally let go of me? Was he happy when we had our closure with our relationship? Was he happy without me? Was he happy with me falling in love with somebody else?

Was he happy sacrificing our relationship for my sake? Napatungo ako habang nag-iisip, sa tingin ko ay hindi. Why do I keep asking myself questions kung sa bandang huli din naman ay alam ko na kaagad ang sagot? Why am I being like this all of a sudden? 

Alam kong hindi naging masaya si Luther sa pag-kawala sa relasyon naming dalawa para lang maging masaya ako sa huli. Alam kong hindi siya masaya dahil sinaktan niya ang sarili niya para lang sa ikabubuti ko pero alam ko namang magiging masaya rin siya, yung totoong masaya dahil mahahanap niya din naman yung babae na talagang para sa kanya.

The Equation of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon