Chapter Twenty- Eight
Four"Maraming salamat, Akihiro..." sabi ko saka tumayo at inusog muli ang upuan papalapit sa lamesa.
Tumango si Akihiro, "No problem, Jancel. Uhm, uuwi na ba kayo?" tanong nito habang hinahanap ata ang mga magulang ko sa paligid.
"Siguro. Wala namang sinasabi si daddy and hindi ko siya mahanap dito eh. Probably busy with talking ro other businessmen, kasama niya na rin siguro si mommy." saad ko saka malumanay na ngumti sa kanya.
Tumango tango ito, "Hanapin natin? I'll go with you para naman kahit papaano ay malibang ka." alok niya at nakangiting tumingin sa akin.
Ngumiti rin ako pabalik, "Sur-"
"No. Ako ang sasama sa kanya." nabato ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ni Charles mula sa aking likuran.
Bumaba ang tingin ni Akihiro at tumigil ito sa aking beywang kung saan mabilis na ipinulupot ni Charles ang kanyang braso at hinapit ako papalapit sa kanya.
Matagal iyong tinitigan ni Akihiro bago huminga ng malalim at tinuon ang pansin kay Charles, "And who are you?" tanong nito, masungit ang tono ng boses na lumabas sa lalamunan niya.
Pakiramdam ko ay may bagyong mabubuo dahil sa masamang tinginan nilang dalawa, hindi ko alam kung bakit parang inis sila sa isa't-isa.
"I'm Charles Ivan Montero. Her suitor and soon to be boyfriend and if God allows, I'm gonna be her last and her future husband." matigas na wika ni Charles.
Mabilis akong napalingon sa kanya at napaawang ang bibig ko, ang dami naman nitong sinabi. Tinanong lang naman ni Aki kung sino siya. And what the hell, future husband?
Mas lalong hinigpitan ni Charles ang pagkakahawak sa aking beywang at mas lalo akong pinalapit sa kanya.
"You're Akihiro, right?" tanong nito kay Aki.
Ngumisi si Akihiro at tumango bago inilahad ang kamay kay Charles, "Yes. Jancel's childhood friend..." pakilala nito sa pormal na paraan.
Nakita ko ring ngumisi si Charles bago nagsalita, "And that's all you'll ever be." madiing wika nito.
Napakunot ang noo ko dahil sa inasta ni Charles. He's being rude. This is too much, mali naman atang binigyan ko siya ng karapatan para magselos.
Napatawa si Akihiro at tumango, "Yes. Because Jancel and I are better off as friends..." he left his sentence hanging bago ibinaba ang kamay na hindi naman inabot ni Charles kanina, "So, I'll leave the two of you here. Sana mahanap mo aga sila tito dito, Jancel. Bye." kumaway ito sa'kin at bahagyang tinapok ang aking ulunan.
Tumango ako, "Thank you, Akihiro. I'll see you again."
Bago ito tuluyang tumalikod ay pinasadahan niya muna ng tingin si Charles saka ngumisi at umalis na.
Katahimikan ang namagitan sa aming dalawa ni Charles matapos kaming iwan ni Akihiro doon.
"Hapong hilaw..." bulong ni Charles na siya namang narinig ko.
Kumunot ang noo ko, "Anong sabi mo?"
Sumimangot din ito at mas lalong kumunot ang kanyang noo, "Sabi ko ang panget nung childhood friend mo." may diin pa ito sa salitang 'childhood friend'
Nagtaas ako ng kilay, "At ikaw, guwapo ka ba para magsalita ka ng ganyan?"
Nawala ang kunot ng noo ito at ngumiti ng malapad sa akin, "Oo naman! Mamahalin mo ang gwapong ito!" malakas ang loob na sabi niya.
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang tawa ko at ipagpatuloy ang pagsusungit sa kanya, "Sino naman ang may sabi na mamahalin kita?" masungit kong tanong sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Equation of Us (COMPLETED)
Teen Fiction[Written in Filipino] Elementary, high school, and until college - Jan Celine Magnetico and Charles Ivan Montero never parted ways. Jan Celine, considered as the beauty and the brains of the engineering department is also the candidate for being a c...