Chapter 22

945 48 9
                                    

Chapter Twenty- Two
Zero

Maaga akong nakauwi galing sa school. Sabay na rin kami ni Jess umwi. After our last class ended, umuwi na agad kami at hindi na nagliwaliw pa.

"Hi mommy..." bati ko saka umupo sa stool chair na katabi ng marble counter sa ginta ng kusina.

"Anak, kamusta ang school? You got home early, huh?" nakangiting wika nito saka ibinaba ang hawak na tray.

Napangiti ako at nagkibit balikat, "Wala naman po masyadong ginawa sa school today eh."

Napatigil si mommy sa ginagawa at saglit na tumingin sa akin. She pouted and shrugged her shoulders, "Hm, how about the competition? Kailan nga ulit yon?"

My eyes widened nang marinig ko ang sinabi ni mommy tungkol sa competition. Bukas na nga pala iyon!

"Bukas na po mommy." kalmado kong sagot pero ang totoo ay nag-aalala ako dahil kaunting oras na lamang ang mayroon ako para makapgreview. Kailangan kasi bukas ay maaga para sa assembly at mga announcements.

"Oh." Lumapit sa akin si mommy bago ako tinapik sa balikat, "You can do it, anak. Okay? H'wag kang kakabahan!"

Tumango ako, "Thank you, mommy. Manonood ba kayo?" tanong ko. Gusto ko naman kasi talaga na manood sila para lalo akong ganahan sa competition.

Mommy and daddy, sila kasi yung pinakainspirasyon ko sa lahat ng bagay na ginagawa ko. Sila yung pumangalawa sa Diyos.

Yun ang nagpapasaya sakin lalo na't ngayong wala na kami ni Luther, hiwalay na kami.

Ngayong naisip ko ang tungkol kay Luther ay pumasok sa isip ko na hindi ko pa pala nasasabi kaynila mommy at daddy na hiwalay na kami. Now I'm being eaten by my conscience, feeling ko ang laki ng itinago ko sa kanila.

"Ma..." tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin pagkatapos patayin ang faucet. Ngumiti siya.

"Yes, darling?" masuyong tanong ni mommy.

"Uhm... L-Luther broke up with me..." nag-aalangang pagtatapat ko kay mommy.

I just stared at her for a couple of seconds until it became minutes. Hindi nagbago ang ekspresyon ni mommy habang nakatitig din siya ng deretsyo sa mga mata ko.

She took a step closer to the marble kitchen counter and pulled the stool chair bago ipinatong ang siko niya sa ibabaw ng marble counter.

She sighed, "I know, anak. I know."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko kay mommy. "P-paano niyo po nalaman?"

She sadly smiled, "Bago pa siya nakipagbreak sa'yo noong isang araw ay sa amin niya ipinaalam na gagawin niya iyon. He told us he has a valid reason, he told us that what he did was for the best."

"Mommy..." nangangatog ang boses ko. Mas dumoble ang lungkot na naramdaman ko dahil sa nalaman ko kay mommy.

"Your daddy got mad. Gusto niyang pahirapan si Luther dahil sasaktan ka na nga lang daw ay magpapaalam pa. But Luther, he fought for his decisions at wala na din naman nagawa ang daddy mo. Maybe, he thought that if anything happens between you two at hindi pa kayo naghiwalay ay mas lalong malala ang mararamdaman ninyong sakit. Hindi lang ikaw, kung hindi siya."

Tumungo ako habang pinaglalaruan ang mga daliri ko. I bit my lower lip, bakit ba kasi biglaang nagkaganito?

"He wanted to save you from pain from hurting you right now." makahulugang wika ni mommy.

Hindi na lamang ako nagsalita. Malungkot akong ngumiti bago tumango at nagpaalam na aalis na ako at aakyat na upang mag-aral para sa gaganapin na competition bukas.

The Equation of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon