Chapter FourteenSomething's Weird
"Luther, I wasn't the one who texted you in the first place, okay? It was Charles. Pinakealaman niya ang cellphone ko." kamot- mata kong sabi habang kausap sa cellphone si Luther. I knew already that he was in a bad mood, halata na iyon sa malalim at napakaseryoso niyang boses.
"Your phone has a password, Celine. Paano niya mapapakealaman 'yan? Unless you trusted him and handed him your phone." matigas na salita nito.
Napakunot ang aking noo, "I'll explain it to you once bumalik kami. Hindi ko talaga alam kung paano niya nagawa ang pakealam ang phone ko, Luther. I swear, I'm sorry." sinserong pagkakasabi ko habang hinihilot ng isang kamay ko ang kaliwang sentido ko.
He sighed, "Fine. I'll patiently wait for your explanation." Narinig ko ang paglipat ng ilang pahina ng papel mula sa kabilang linya. I sniffed, may naamoy akong kung ano sa labas, parang nag-iihaw sila na hindi ko malaman.
"I love you, Luther." nakangiting bulong ko sa kanya. Ilang segundo ang lumipas pero hindi siya sumagot, magsasalita na sana ako at tatanungin pero naunahan niya ako, "Fine. I love you too, now go and proceed sa mga activities mo diyaan. Don't think of me, mamaya hindi ka pa makapagconcentrate. Love you too," mabilis na pagkakasabi nito.
"Bye..." wika ko, he didn't answer back, dahilan upang ibaba ko na lamang yung tawag.
I texted mom and dad first bago ako naligo at lumabas ng cabin. Nang tuluyang makalabas ay nakita ko yung mga tent na nasa labas at nakahanda, may mga nag-iihaw sa isang gilid at may mga taong mukhang bagong ligo.
Hindi na muna ako kumausap ng kung sino bagkus ay nagsimula akong maglakad at inikot ang aking tingin. Mga malalaking puno ang napakalibot sa pinaroroonan namin, yung mga cabin naman din ay magaganda. Maikukumpara mo na din ito sa isang private resort dahil parang nag-reserve na rin sila rito.
Buong akala ko ay sa may mga swimming pool kami dadalhin pero mali ako. Hindi naman sa nagrereklamo pero ayos na din naman ako dito, sariwa yung hangin at medyo malakas. Masarap sa balat at sa pakiramdam kahit na yung araw ay medyo tirik, nababawasan naman yung init na nararamdaman dahil sa hangin, lalo na kapag dumadampi ito sa balat. Masarap din sa tainga pakinggan yung mga ibon na parang nagsisiawitan ng sabay- sabay.
"Kuya Ramil, nasaan po ba tayo? Pundaquit po ba ito?" tanong ko nang makita ko yung isang pamilyar na mukha. Humarap siya sa akin at tama nga ako na ito yung ituturing naming tour guide for the whole five weeks.
Ngumiti ito bago tumango, "Pundaquit nga." Tumitig siya sa mga mata ko saka tumawa, "Buong akala niyo ba ay sa mamahalin at puno ng swimming pool na lugar namin kayo dadalhin? Nagkamali kayo, ano." natatawang wika nito.
Tumango naman ako, "Malapit naman tayo sa Anawangin Cove kung saan naanndoon yung mountain side at yung beach. Naghanap lamang ang school ninyo ng magandang lugar upang magreserve ng cabin at doon kayo mag-stay lahat." nagkibit balikat ito saka tumingin sa malayo. Sinundan ko ang kanyang tingin at doon ko nakita mula sa malayo ang tuktok ng isang bundok.
Sa kinatatayuan ko ay maliit lamang ito, malayo kasi ako sa lugar nito. Napangiti ako, "Ang ganda po ng napili ninyong lugar." tugon ko.
"Sang-ayon naman ako don." ani kuya Ramil.
Matapos ng pag-uusap naming iyon ay umalis na ako at nagobserba pa sa iba naming mga kasama. Lahat naman ng kasali sa ICAL Math ay mula sa mabibigat na eskuwelahan. Nagtataka lamang ako kung bakit ang ibang public colleges ay hindi nakakasama, samantalang minsan ay doon mas marami ang matatalino at mabisang ipambata sa mga labanan na katulad nito.
BINABASA MO ANG
The Equation of Us (COMPLETED)
Novela Juvenil[Written in Filipino] Elementary, high school, and until college - Jan Celine Magnetico and Charles Ivan Montero never parted ways. Jan Celine, considered as the beauty and the brains of the engineering department is also the candidate for being a c...