Chapter 01

3K 101 52
                                    




Chapter One
Something Unforgettable


Math isn't my favorite subject pero masasabi 'ko naman pwede 'ko na siyang pagtyatyagaan. During grade one hanggang grade five ay nakakapasa ako at laging nakakakuha ng line of nine sa Mathematics na subject. Maybe ninety three or higher or saktong ninety. Ganoon lang lagi ang grades 'ko sa Math, doon lang umiikot. Walang labis, walang kulang. Natuwa na nga ako nung isang beses na nakakuha ako ng ninety six. That was third quarter, I think? The shortest quarter of the four.

Another subject is Science, I wasn't fond of it pero hanggang nakakaya 'ko naman ay pinag-aaralan 'ko talaga lalo na't sa anim na taon ka sa elementary ay hindi nag-iba ang teacher 'ko sa science. She's strict, loud, at napakasungit yun ang dahilan para tawagin namin siyang miss minchin. Wala kasi siyang alam gawin sa araw- araw kung hindi ang magsungit, hindi 'ko nga alam kung madaming problemang dinadala 'yun sa buhay o pinaglihi lamang siya sa sama ng loob.

Never pa akong bumagsak at never akong naging pangalawa. Sinasabi ng lahat na I was born to be the first, to always be the first at hindi lang sumunod sa kahit kanino. Parang ako daw lagi ang nangunguna at ako lang daw dapat ang manguna sa lahat. Nagkikibit balikat lamang ako sa mga sinasabi nila sa'kin, bata pa ako at ayokong mamroblema sa mga ganyang bagay. Competing and all of those stuff, gusto 'ko lang mag-aral.

I love studying kaya naman hindi ako pwede magyabang sa kahit kanino, may maipagmamalaki nga naman talaga ako pero mas pipiliin 'ko na lamang ang tumahimik kaysa masabihan ng mayabang at lumalaki ang ulo sa paglipas ng oras at panahon.

I grabbed my notebook bago ito inilagay sa loob ng bag. Barbie pa nga ang design at color violet na may halong pink. I hated pink and violet pero ito ang binili nila mommy at daddy sa'kin, ayokong magreklamo. Lahat ng binibigay sa akin nilang dalawa, gusto 'kong pahalagahan. Nagpapakahirap sila sa trabaho sa kompanya at sa pagpapalago nito kaya naman kahit ayoko sa kulay at sa barbie, gagamitin 'ko na lamang. Besides, lahat naman ata ng mga batang babae ay ganito ang gusto diba? Better use it, makikiuso na lang muna ako.

"Jancel!" narinig 'kong tawag ng isang boses. Sinara 'ko na ang zipper ng bag 'ko before finally turning around at doon 'ko nakita si Jessica na nakatayo mula sa malayo. Dala- dala ang kanyang itim na bagpack habang kumakaway- kaway pa sa akin.

I smiled at her, "Jess!" sigaw 'ko pabalik. My name is Jan Celine and she calls me Jancel bilang shortcut habang ang tawag 'ko naman sa kanya ay Jess. Mas madali naman iyon at mas maikling sabihin.

Kinuha 'ko ang aking bag bago tumakbo papalapit sa kanya, "Simula na ba yung program?" tanong 'ko rito.

Tinignan niya yung kanyang relos bago umiling at tumingin sa akin, "Hindi pa naman. May thirty minutes pa, punta muna tayo sa canteen?" Tumingin tingin ako sa paligid at doon nakita ang mga kapwa namin estudyante na masaya pang nagkukulitan at naguusap. Mukhang mamaya pa nga mags-start ang program.

"Sige, nagugutom na rin ako eh. Anong pagkain bibilhin mo?" tanong 'ko saka panandaliang hinaplos ang tiyan 'ko at mas lalong naramdaman ang pangingirot nito. Kanina 'ko pa pala nararamdaman ito pero ngayon 'ko lang pinagtuunan ng pansin, aral kasi ng aral eh. Minsan ay napapabayaan 'ko na din ang sarili 'ko kahit sa murang edad 'ko.

"Nasakit ang tiyan mo, ano? Sa ilang taon na magkasama tayo Jancel, kilalang kilala na kita. Bakit ba kasi hindi ka muna magbreak? Kahit ten minute break lang naman girl, sobra ka na sa aral eh." wika nito sabay ayos sa hawak niyang tatlong libro sa kanyang braso.

"Sorry, nakalimutan 'ko tsaka ngayon 'ko lang naramdaman ng husto." ani 'ko saka ngumuso at kinamot ang likod ng aking ulo. Hinawi 'ko ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa aking mukha bago inayos ang straps ng aking bag. "Huwag mo na akong pagalitan,"

The Equation of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon