Chapter Four
PartyMakapal. Napakakapal. Yun ang mukha ni Charles.
Napakakapal lang talaga ng pagmumukha niya para sunduin ako pero kasama pala ang girlfriend niya.
"Ano, tatayo ka na lang ba diyan?" lumingon ito sa'kin habang nakatago ang kanyang kamay sa dalawang bulsa ng kanyang pantalon. Lalo akong napasimangot at umirap na lamang kaysa sa sumagot sa kanyang sinabi.
I waved goodbye to mom and dad nang makita nila akong palabas ng bahay. Dad even told Charles to take care of me dahil alam niyang gagabihin ako o baka madaling araw ng makauwi dahil nga sa gaganaping party para sa mga fourth year students. If you only knew, daddy. Baka si Charles pa ang magpahamak sa'kin throughout the night.
Tumigil kami sa harapan ng kotse ni Charles. He stared at me and furrowed his bro, "I don't expect you to open doors for me, Charles." umirap ako at bubuksan na sana ang pintuan ng may passenger seat ng pinigilan niya ako.
He smirked, "I would open doors for you, Celine pero hindi diyaan. Sa backseat 'ka."
Nabigla ako sa kanyang sinabi. Bahagya akong napanganga at nanatiling nakakunot ang aking noo habang matiim na nakatitig sa kanya, ano daw? Sa backseat niya ako ilalagay?
"Why would you let me sit in the backseat? Ang akala 'ko ay ayaw mo ng nagmumukha kang driver, Charles. What is this? Really," naiinis na bulong 'ko sa kanya habang pinanlalakihan siya ng mata. Nakatingin kasi sa amin sila mom at dad mula sa may bintana.
He chuckled, "Hindi mo ba naalala? I told you earlier, kasama 'ko ang girlfriend 'ko."
My eyes widened. He was serious about that? Napaatras ako ng bigla siyang lumapit sa akin, only to open the door of the backseat. Ang sama talaga ng ugali ng lalakeng 'to pagdating sa'kin. Iritang irita na ako.
"You were really serious about that, Montero?" halatang halata na ang inis sa aking tono habang nagtatanong sa kanya.
He cocked his head to the side bago mabilisang pinitik ang aking noo, "Sasabihin 'ko ba kung hindi? I'm just a jerk, Celine. Hindi naman ako panget para magimbento na may girlfriend ko. Dami kayang nagkakandarapa sa akin."
Napairap na naman akong muli, "Kailan ba nagsimula 'yang kayabangan mo, Montero? It irritates the hell out of me." wika 'ko saka sinipa ang gulong ng kanyang kotse.
Tuluyan na niyang binuksan ang pinto bago ngumisi, "Then, I love irritating you and Magnetico? Ang pagiging mayabang 'ko ay inborn na, you just have to deal with it." ani Charles.
I should have stabbed you many times before, Montero para hindi mo na nagugulo ang buhay 'ko ngayon. Sobrang laki ng pagkainis 'ko sayo. I mentally told myself, napailing na lamang ako dahil kung anu- ano na ang naiisip 'ko, thinking of how I should have stabbed him many times before using a very sharp knife. That would be creepy and I would be a freaking criminal if I do that.
I shook my head in annoyance and took my phone out, I'm just gonna text Luther or some of the girls. Kaysa naman makihalubilo ako kay Charles at sa girlfriend niyang mukhang kabayong pinaghalong higad naman.
I scrolled up and search through my contacts before texting Jessica's, mamaya na lang si Luther. Alam 'kong busy pa siya dahil kakauwi rin lang naman niya galing America. Maybe, mali ako sa sinabi 'ko kanina at sa pagpilit 'ko sa kanyang pumunta sa bahay. He's tired, I have to understand.
Ako:
Jess.Ilang minuto pa ay nag-reply na rin kaagad siya.
Jessica:
Hey Jancel. Where are you? Yung ibang members ng student council ay naandito na, kayo na lag ata ni Charles ang hinihintay ng principal and the head teachers.
BINABASA MO ANG
The Equation of Us (COMPLETED)
Teen Fiction[Written in Filipino] Elementary, high school, and until college - Jan Celine Magnetico and Charles Ivan Montero never parted ways. Jan Celine, considered as the beauty and the brains of the engineering department is also the candidate for being a c...