Epilogue

1.4K 37 4
                                    

Thank you for supporting!

Say goodbye to Charles and Celine and I hope you enjoyed reading this story as much as I've enjoyed writing them c:

***

Epilogue
The Answer

"Bro, ano ready ka na ba?" tanong sa akin ni Tryzer bago ako tinapik sa aking balikat. Napatingin naman ako sa kanya at tipid na ngumiti bago tumango.

"Alam niyo, bukas na 'yon at bilib ako sa aking sarili dahil nakatulong ako!" natatawang sabi ni Yuan na siya namang ikinairap ng aming mga mata. Bahagyang natawa na lamang ako habang nakasandal sa railing.

"Mahal na mahal mo talaga si Celine, no?" tanong sa akin ni Prince na siya namang nakasandal rin sa railing habang hawak hawak ang isang baso ng wine. Paunti- unti siyang sumimsim dito saka sinundan ang aking tingin.

Cotton candy skies.

Napakaganda ng kulay ng langit, napakaganda pero alam kong wala ng mas hihigit pa sa kagandahang taglay ng babaeng mahal ko. Ang isang Jan Celine Magnetico.

Tumango ako, "Mahal na mahal. Hindi ko alam kung gaano pero alam kong lagpas pa ang nararamdaman ko sa mga salitang sinasabi ko..." sagot ko saka ngumiti bago tumingin kay Prince.

Napangisi naman siya at napailing, "Yung akin kasi hindi naging maganda yung katapusan. Ewan ko lang kung ngayon ay pu- pwede na..." mahinang bulong nito pero sapat na upang marinig naming lahat.

"Si Reinah, hindi ba?" biglaang tanong ni Kumie saka inilipat yung pahina ng magazine na kanyang binabasa. Hindi rin maalis ang ngiti sa mga labi niya, mukhang may magandang nangyari sa kanya. Si Tryzer din kasi ay napakasaya ngayong araw, ano bang nangyari?

Biglaang natahimik si Prince saka pumasok sa loob at umupo sa isang malaking bean bag, "H'wag nga kayong maingay..." sabi nito saka tumikhim nang biglaang lumabas si Reinah mula sa banyo.

Umiling kami, "Reinah, upo ka dito." sabi ni Amanda saka inilapit pa sa kanya ang isang bakanteng upuan para doon makaupo si Reinah.

"H'wag nating kalimutan na kahit graduation na natin bukas, special na araw man 'to sa ating lahat..."

"Mas special pa rin bukas para kay Charles!" sabay- sabay nilang sigaw saka itinaas ang kani- kanilang baso na may lamang mga wine. "Cheers!"

Pumasok na lamang rin ako sa loob at nakisama sa kanilang kasiyahan tutal graduation na namin bukas at nagsinungaling pa talaga ako kay Celine para lang makapaghanda bukas.

"Charles, we have to talk." Napatingin ako kay dad na parang natataranta at hingal na hingal na nakatayo sa aking harapan.

Napakunot ang aking noo, "Nag- uusap na po tayo dad..." sinubukan ko pang magbiro para lang malaman kung matatawa ba si daddy sa sinabi ko o hindi pero mukhang bad mood nga siya dahil inihagis niya yung briefcase niya sa sofa and dad never do that unless kung galit siya.

Tumikhim ako saka tumayo para mapantayan ko siya, "Tungkol saan po ba, dad?" tanong ko sa kanya.

"Tungkol ito sa kompanya..." Lalong lumalim ang gatla sa aking noo.

"Ano po ang tungkol sa kompanya?" Seryoso kong tanong saka humalukipkip at nagtaas ng kilay.

Dad turned his back on me and spoke, "Come to my office. Bilisan mo." saad nito saka umakyat papunta roon. Nagkibit balikat na lamang ako sa sinabi ni daddy dahil baka ang pag- uusapan naman namin ay katulad din noon, ang tungkol sa pagiging successor ko sa kompanya.

Bumuntong hininga na lamang ako saka pailing- iling ang ulo na sumunod paakyat kay dad. Nang makarating ako sa harapan ng pintuan ng kanyang office ay agad ko na itong binuksan dahil naka- awang na din naman ito.

The Equation of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon