Chapter Three
Sabay Lalabas"I don't even understand what he said," wika 'ko sabay higop sa inumin na in-order 'ko. Luther shrugged his shoulders and stared at me.
"Ilang taon na ba kayong magkaklase ni Charles?" napairap ako at bumuntong hininga bago sumagot.
"Simula pa elementary."
Simula elementary ay classmate 'ko na si Charles. Grade one? Yes, grade one pa lamang talaga kami ay naging kaklase 'ko na iyan. Noong una ay hindi 'ko alam kung bakit siya napunta sa section A samantalang napakakulit at napakapasaway niyang si Charles.
When grade three came, lalong tumigas ang ulo niyan and still section a pa din siya. I wonder why, kaso tumigil ako noong nalaman 'kong kasingyaman niya pala ang pamilya 'ko. Yun pala ay lumabas na din ang tunay na kulay ni Charles, sobrang talino niya pala. Natatapatan niya ako at yun ang nakakainis. When grade five came, naalala 'ko pa ang sinabi sa akin ni Sir. Rob na nakahanap na daw ako ng katapat at ng makakatalo sa'kin sa lahat ng subjects at doon ako pinakanainis.
Grade six, naging seryoso na ang lahat para sa akin. Aral dito, aral doon, basa diyaan, basa doon. Wala akong ibang pinagtuunan ng pansin dahil mas importante sa akin ang makapagtapos at makagraduate ng grade six ng maraming awards, gustong-gusto 'ko na maging proud sa akin yung mga magulang 'ko.
Naging kaklase 'ko si Charles, lahat naman ng naging grade at section 'ko ay naandoon din siya. Hindi 'ko alam kung bakit hindi man lang kami pinaghiwalay, kahit isang beses lang para sa isang buong taon naman ay naging tahimik sana ang buhay estudyante 'ko noon.
Lahat ng events, lahat ng kaganapan sa buhay 'ko ay naandoon si Charles. I remembered my seventh birthday, syempre kapag seventh birthday ay dapat special hindi ba? Yun ang sinasabi ng lahat. Syempre, sa seventh birthday 'ko ay inimbita ng parents 'ko ang buong klase 'ko pati na ang iba sa mga teachers 'ko noon.
Nagpunta silang lahat sa bahay, witnessing how I turned seven. Si Jessica, si Charles, si Amanda, at si Tyzer. Sila- sila yung pinakamatatalik na kaibigan 'ko noon sa klase kasama na si Yuan na kapitbahay at kababata 'ko rin.
Binigyan ako ni Charles ng regalo non eh, sinadya niya talaga ako sa kwarto 'ko non para lang ibigay yung maganda daw niyang regalo para sa akin. Tuwang- tuwa ako noon dahil personal niyang ibinigay sa'kin yun, set aside na muna yung inis 'ko dahil natatalo niya ako sa academics paminsan.
Matutuwa na sana talaga ako, nang sinabi niyang open it ay ginawa 'ko naman. My eyes widened that time, gumapang agad sa kamay 'ko ang isang mabalahibo at ang isang malaking gagamba. Agad na nagtubig ang aking mga mata bago ibinato sa kanya ang box at pilit na tinatanggal ang tarantula sa katawan 'ko, narinig 'ko pa ang sobrang lakas na paghalakhak niya dahil na nga rin sa itsura 'ko.
Success. 'Yon siguro ang nasa isip niya.
Pinagalitan siya nila mommy noon, pati na nila tita. Nakatayo ako sa kanyang harapan habang pinapakinggan ang sinasabi nila tita na sobrang tigas na daw ng kanyang ulo, which is sobrang totoo naman. He was just glaring at me, blaming me kung bakit siya napagalitan. I hated Charles, I hated him so much.
No, scratch that. I hate him until now.
Hindi 'ko alam kung bakit kailangan 'ko pang makilala ang isang Charles Ivan Montero, kung pwede namang ibang tao na lang. Yung hindi ako bubwisitin, yung hindi sasagabal sa lahat ng bagay na dapat 'kong gawin. Yung hindi ako matatalo.
"Wow, haba na din pala ng pinagsamahan niyo ni Charles. That's great." nakangiting sambit ni Luther sa akin habang hinahalo ang in-order niyang coffee.
BINABASA MO ANG
The Equation of Us (COMPLETED)
Tienerfictie[Written in Filipino] Elementary, high school, and until college - Jan Celine Magnetico and Charles Ivan Montero never parted ways. Jan Celine, considered as the beauty and the brains of the engineering department is also the candidate for being a c...