Chapter Sixteen
Slowly"You sure enjoyed that trip alot." masuyong bulong ni Luther saka dahan-dahang ipinatong ang kanyang kanang braso sa aking balikat. I smiled sweetly and slowly nodded, talaga namang na-enjoy ko kahit may mga kaunting gulo. Ayos naman, masaya naman. Still, a one of a kind experience with all of them.
Plus, I gained a lot of friends. Kylie, Karsten and Miguel.
"Kamusta naman yung weekends mo?" tanong ko saka pinaglaruan yung mga daliri niya. I noticed na mas lalong gumaspang ang kanyang kamay, probably really tired from his work at sa tinutulungan niya pa ang daddy niya.
He sighed, "It's okay. May mga naging minor problems lang pero naresolba naman agad. And with dad, he's quite happy with the result of the votes para sa upcoming project. Mukhang gustung gusto niya magproceed." tuluy- tuloy na pagsasalita nito.
I nodded, "Sana maging successful. Good luck, 'kay?" tinaas ko ang magkahawak naming kamay saka matamis na ngumiti.
Lumamlam ang mga mata ni Luther saka mas hinigpitan ang pagkakahawak sa aking kamay, he softly smiled then brushed his lips to mine. Saglit akong napapikit at nang maghiwalay ang aming mga labi ay sadyang napangiti na lamang ako, napaka- sweet ni Luther for a boyfriend.
"I love you..." bulong nito sa akin saka hinalikan ang aking tainga. Napatungo na lamang ako at malungkot na napangiti, "I love you too." bulong ko bilang balik na sagot sa sinabi niya sa akin.
Tumayo siya at pinagpag ang kanyang puwetan bago inihaba ang braso niya at iniabot ang kanyang kamay sa akin, I looked up at him and creased my forehead. Ginalaw niya ang kamay niya na para bang inaaya ako kung saan at inuutusan akong tumayo. My mouth formed a small 'O' shaped pero isinarado ko na agad iyon.
Tumayo na ako at pumunta sa kanyang likuran saka tinignan kung ano ang tinitignan niya sa malayo mula sa kanyang pwesto. Tumingkayad na ako't lahat pero wala naman akong makitang kakaiba maliban sa puno sa bakuran namin at sa mga bahay ng kapitbahay namin, pati na yung mga aso nilang nakakawala paminsan- minsan, katulad na lamang ngayon na kawala yung aso ng isang kapitbahay namin. Ang ingay.
Tahol ng tahol.
"What are you thinking?" tanong ko sa kanya habang ang mga kamay ko ay nasa likuran ko. Tumabi na ako sa kanya at ang katahimikan na lamang ang namamagitan sa aming dalawa. Tanging hangin at hininga lamang naming dalawa ang naririnig nang oras na 'yon.
"Luther, may problema ka ba?" concern na tanong ko habang pinakakatitigan siya mula sa kanyang gilid. He just grinned and shook his head bago tumungo at natawa saglit. I creased my forehead, something's wrong with him.
Something's really wrong with Luther right now.
Hinawakan ko ang kanyang balikat, "Hey, are you okay?" Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya.
He slowly moved and put his hands inside his pockets, huminga pa ito ng malalim bago ako hinarap at ginulo ng bahagya ang buhok ko.
"Luther, ano bang ginagawa mo?" tanong ko saka hinawakan ang kamay niya para pigilan ito sa paggulo ng maayos kong buhok. He chuckled and chuckled, hindi niya sinagot ang tanong ko kanina. Lahat naman ng sabihin ko ay tinatawanan lamang niya.
May mali talaga sa kanya at gusto kong malaman kung ano yon, nag-aalala ako kay Luther ngayon.
"I'm just ruffling your hair, na- miss kasi talaga kita. Hindi talaga ako sanay ng hindi ka nakikita eh." He shrugged and pouted.
Napasimangot naman ako, "Ano pa? Bukod sa na-miss mo ako, ano pang bumabagabag diyan sa'yo, Luther?" seryoso kong tanong sa kanya at dinuro ang parte ng dibdib niya kung nasaan ang kanyang puso.
BINABASA MO ANG
The Equation of Us (COMPLETED)
Teen Fiction[Written in Filipino] Elementary, high school, and until college - Jan Celine Magnetico and Charles Ivan Montero never parted ways. Jan Celine, considered as the beauty and the brains of the engineering department is also the candidate for being a c...