Chapter 20

878 38 3
                                    

Chapter Twenty
Distance

I never wanted our relationship to be like this, ito na siguro ang isang bagay na hindi ko hihilingin kahit kailan.

Tahimik na lamang akong kumakain habang si Luther ay tapos na. He just leaned on his chair and gave all of his attention to his phone.

Ako naman ay pabigat ng pabigat ang pakiramdam ko. Palungkot ako ng palungkot dahil sa mga nangyayari sa'min these past few days.

"Are you done? Para maihatid na kita sa inyo." wika ni Luther habang diretsyong nakatingin sa akin.

Inusod ko ang plato pagkatapos kong ilapag ang mga kubyertos na ginamit ko. My lips formed a thin line before answering.

"Tapos na..." mahinang wika ko saka kinuha ang bag ko.

"Oh, then let's go."

Tatayo na sana si Luther pero muli ko siyang tinawag kaya naman wala na siyang nagawa kung hindi ang tumigil at tumingin sa akin.

"Uhm..." wika ko saka kinuha yung jar sa bag ko. Inilagay ko iyon sa ibabaw ng lamesa kung saan malapit sa kanyang kamay. "For you." ani ko.

Tumitig lamang si Luther doon bago ibinalik ang tingin sa akin. Tinignan niya ulit ang jar na surpresa ko sa kanya bago ito kinuha at matipid na ngumiti. "Thanks," yun lamang ang tanging sinabi niya.

Wala ng 'I love you' o kung ano pa man. Pakiramdam ko ay kulang na kulang talaga. Ayoko namang pilitin si Luther dahil baka mas lalong lumala ang nangyayari sa aming dalawa ngayon.

Tumayo na lang rin ako bago sumunod sa kanya papunta sa parking lot. He didn't talk to me, he didn't open the door for me either na siyang dati lagi niyang ginagawa.

He's getting colder.

Sumakay na ako sa passenger seat, walang reklamo at walang sinasabi. I leaned on the chair and sighed, gustung gusto kong malaman kung ano ba talaga ang gustong iparating ni Luther sa akin kanina.

I asked him if he wanted to break up with me pero hindi naman niya iyon direktang sinagot. Tahimik lang rin siya, hindi ako kinakausap pero habang umaandar ang kotse ay mahigpit ang pagkakahawak niya sa steering wheel.

Kitang kita ko.

Ilang beses akong sumulyap sa kanya pero hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Gustung- gusto ko magsalita pero pakiramdam ko ay hindi ko kayang gibain yung pader na itinayo niya na sa gitna naming dalawa.

I closed my eyes and sighed, kaya ko naman diba? Pwede ko naman siyang kausapin diba?

I am his girlfriend, after all.

"Luther..." ani ko saka dahan- dahang lumingon sa kanya. Mga mata kong nagtutubig pero pilit kong pinipigilan.

Hindi niya ako nilingon pero tinaas niya ang isa niyang kilay. Nang tumigil ay doon ko lang napansin na stuck na pala kami sa traffic.

"Can we please fix this? Kung ano man yung nangyayari sa'ting dalawa ngayon... can we?" nabasag ang boses ko nang tanungin ko iyon sa kanya.

Huminga siya ng malalim bago lumingon sa akin, "We're perfectly fine."

Napakunot ang noo ko, "What are you saying that we're perfectly fine Luther kung alam mo namang hindi talaga?" sigaw ko sa kanya at doon na tuluyang tumulo ang mga luha ko.

His mouthed open but then it closed again, para bang may gustong sabihin na hindi niya matuluy- tuloy.

"Ano, Luther? Sagutin mo ko! We are not fine!" sigaw kong muli, basag ang boses at nanginginig ang mga balikat.

The Equation of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon