Chapter 27

876 36 3
                                    

Chapter Twenty- Seven
Childhood

Hanggang ngayon ay wala pa ring reply si Luther sa ni-send kong message sa kanya kahapon. Hindi naman ako umaasa pero naisip ko kasi na baka re-replyan niya naman ako kasi ayos na kami kahit papaano dahil una pa lang naman, siya na ang nakipaghiwalay.

Kinuha ko ang cellphone ko saka umupo sa may kama at sumandal sa headboard nito. I scrolled through facebook and frowned, wala na akong ibang magawa!

I tried texting Jessica pero sigurado akong pagod iyon dahil sa dami na naman ng activities na inasikaso niya sa school kahapon, sila Yuan naman at ang iba ko pang mga kaibigan ay may pinuntahan lahat ngayong Linggo.

For this time, hihiligin ko na sana pati Sunday ay may pasok tural sinagad na naman nila hanggang Sabado, bakit kaya hindi pa dinamay ang linggo? Ugh, bored na bored talaga ako.

I sighed and massaged my temples, "Ang boring..." paulit-ulit na bulong ko but I realized na kapag mas lalo kong ginawa iyon ay mas lalo akong mabo-bored kaya naman tumayo na lamang ako at saglit na nag-stretching.

"Be productive, Celine!" sigaw ko saka ginawa ang limang jumping jacks. Kailangan ko ito para kahit papaano naman ay magising ang diwa ko.

Tumalon-talon pa ako ng ilang beses bago tinapik- tapik ang pisngi ko. Magising na naman sana ang diwa ko nito, bored na bored talaga ako. Gusto ko maging productive!

Patakbo akong bumaba sa hagdanan saka hinanap si Yumi. Yung bagong puppy namin, bigay siya ng tatay ni Jessica. Nanganak daw kasi ang nanay nito at walo ang anak kaya naman nagbigay ito ng isa sa amin. Kami na din naman ang sinabihang mag-pangalan kaya naman, Yumi na lamang ang pinili namin.

Simple man pero maganda.

Hinanap ko si daddy sa living room pero wala siya doon. Si mommy naman kasi ay umalis para samahang mag-grocery yung ilang mga katulong namin.

Napakunot ang noo ko, wala naman si daddy dito sa living room. Daddy took a leave from work dahil mas madalas na siyang mapagod ngayon and the doctor told him na mas makakabuti kung dadamihan niya ang kanyang pahinga.

Lumabas ako para hanapin si daddy sa may garden at tama nga ako. Naandoon siya. I smiled and immediately went to him.

"Hi daddy..." bati ko saka yinakap siya sa kanyang balikat at mabilis siyang hinalikan sa kanyang kaliwang pisngi.

"Oh, hi darling..." bati nito. Ibinaba niya ang dyaryo na kanyang binabasa bago hinawakan ang aking kamay. "Punta ka dito," ani daddy saka naman ako pumunta sa kanyang harapan para sundin ang kanyang sinabi.

Hinila ko yung upuan bago umupo doon at ngumiti kay daddy, "Bakit po?" takang tanong ko rito.

He smiled at me and took his cellphone out from his pocket. Saglit kaming natahimik na dalawa dahil mukhang busy si daddy at may hinahanap na kung ano sa kanyang cellphone.

Ilang saglit pa lang ay ipinakita niya na sa akin ang kanyang cellphone na may nakalagay na larawan. I creased my forehead, "Ano pong meron diyan, daddy?"

He grinned at me and spoke, "It's your picture with Akihiro. Bata pa kayo niyan and it's summer kaya naman two months tayong naandoon. Naging sobrang close kayong dalawa..." he chuckled.

Namilog ang aking mga mata saka kinuha ang cellphone mula sa mga kamay ni daddy at mabilis itong tinignan ng malapitan. Akihiro ang pangalan ng lalakeng ito?

I twitched my lips, "How come we became close? I don't know how to speak Japanese language." tanong ko kay daddy.

He shook his head and placed a hand under his chin, "He's half- pinoy at nang maging magkaibigan kayo ay hasa na siya sa tagalog. His parents taught him so well..."

The Equation of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon