Chapter 18

964 44 5
                                    




Chapter Eighteen
I'm Here


Exhausted.

Butil buti ng pawis ang nasa aking noo. Sunud- sunod na malalim na hininga ang pinakawalan ko, both of my hands landed on my knees saka mas bumilis ang paghinga ko. Hingal na hingal na kasi ako mula sa pagtakbo. I wiped my sweat and heaved a heavy sigh, I'm really tired. Siguro, ay pwede na akong umuwi. Kinapa- kapa ko ang bulsa ko pero wala naman pala doon ang cellphone ko.

Shit, naiwan ko pala sa bahay.

I shook my head and twitched my lips, bakit ba sa lahat ng puwede kong kalimutan ay iyon pang cellphone ko? Papaano pala kung nag-text na si Luther doon? He didn't next me today, yesterday nor the other day. Gabi gabi at araw araw akong naghihintay para sa kanya na i- contact ako pero wala talaga.

I will always make the first move na hindi naman ako sanay because with our relationship, siya lagi ang sumusuyo sa akin o ang laging gumagawa ng first move kaya mahirap talaga para sa akin na suyuin siya at i-flood siya ng messages because hindi ganoon ang gawain ko pero maybe for him... for him, I can do it. Gusto ko lang naman masalba ang aming relasyon.

I leaned on the bench and looked up, ang ganda ng langit. Kung tititigan mo ng matagal ay parang pininturahan lamang ito at parang basta basta na lamang ipinatong ang isang puting pintura sa asul pero maganda ang kinalabasan.

Unique and soothing. Maganda sa mata, hindi nakakasawang tignan ito.

I smiled and remembered the day Luther confessed his feelings to me. It was actually a long time ago, matagal na pero tandang- tanda ko pa rin sa isipan ko. Sa tinagal na ng relasyon namin ni Luther, ayoko namang basta- bastang matapos iyon. Gusto ko, gusto ko ngayon na nagkakalabuan na naman kami - ako naman ang kumilos. Ako naman, ako naman yung magpapakita ng pagmamahal sa kanya.

I was busy with school back then, kahit siya din naman ay busy at napakadaming ginagawa sa eskwelahan but he always made time for me, he made me feel that he's really in love with me and like I'm the only girl in the world, in his world. I fell for him because of that pero hindi ko rin naman kaagad sinabi.

It would be very awkward kung ako ang unang aamin, para sa akin. Ilang araw kong pinagisipan iyon, kung aamin na ba ako o hindi. Takot kasi ako na baka kapag umamin ako, maging kami ay doon naman siya magsawa.

Ayoko naman ng ganon.

So the day came na pinagisipan ko na talaga, na final na yung desisyon ko na aamin ako sa kanya no matter what the result is. Kahit na takot ako sa mangyayari sa future kapag umamin ako ay sinabi ko na sa sarili ko na itutuloy ko talaga.

Now or never yung pakiramdam ko noon, matindi pa kaysa sa isang basketball game. Ibang-iba yung kaba at excitement na naramdaman ko noon, 'di ako mapakali at kahit wala pa man siya ay kumakabog na ang dibdib ko sa kakaisip.

Pagkauwing pagkauwi ko noon ay nagbihis kaagad ako, nag-ayos muli ng sarili saka hinintay si Luther na dumating sa aming bahay at sunudin ako. Katulad nga ng napagusapan namin, susunduin niya ako at magde-date kaming dalawa. He'll take me on a date.

He'll take me on a date!

I almost squealed when I read the text pero dahil katabi ko sila mommy at daddy noon ay hindi ko nagawa, I was so excited back then. Kaya naman noong dumating siya at tumayo ng tuwid sa may pintuan ay napatulala ako, he was wearing his blue long sleeve polo na nakatupi hanggang sa kanyang siko, ang buhok niya ay ayos na ayos pati na ang relo na nakakadagdag gwapo sa kanya noong gabi na 'yon.

It was like I saw butterflies, it was like everything shined around him. Ang lakas, ang lakas ng dating niya sa akin. Sobrang lakas na kahit magtama pa lamang ang mga mata namin ay parang kinikiliti na ang puso ko.

The Equation of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon