Chanyeol's POV
Pagkasakay ko ng kotse ay mariin kong pinikit ang inaantok kong mga mata habang sumasandal sa driver's seat.
"Bakit ba kasi hindi pwedeng ako nalang ang sumama kay Shana sa Night Class?!"-Bulong ko bago ako dumilat. Nakatulala lang ako sa bintana habang naghihintay. Parang ayokong mag drive ngayon, tinatamad ako.
Gusto ko sanang umidlip pero biglang nag ring yung phone ko. Napalunok ako ng mabasa ko yung pangalan ni Luhan sa screen ng phone ko at nanlaki yung mata ko nung nakita ko yung oras sa taas ng screen. Shit! 5:40am na pala! 6:00am ang pasok ng Day Class.
Sinagot ko agad yung tawag at iritadong boses ni Luhan agad ang bumungad sakin.
"Ang tagal mo. Kukunin mo lang yung kotse sa garahe inabot ka na ng isang oras."-Malamig na sabi ni Luhan. Ewan ko pero nanginginig ako sa tuwing maririnig ko syang nagsasalita. Ganon kasi sya kasuplado.
I started the engine and drove, huminto ako sa tapat ng malaking pinto ng mansion and as soon as I got there, Luhan with his poker face and Chen with his dumb grin came out of the house.
Oh.. really.. what a nice morning..
"Tara sakay na! First day natin sa school tapos late tayo! Hahah ang saya."-Sarcastic na sigaw ni Chen habang tumatakbo papunta dito sa kotse.
Napailing nalang ako dahil para syang tanga. Nakita ko naman si Luhan na umirap kay Chen bago sumunod papunta dito sa kotse.
Sumakay si Luhan sa likod ng kotse, naka cross-leg sya habang nakasandal sa upuan. Napapangiwi ako habang tinitignan sya sa gilid ng salamin. Kahit saang anggulo mo talaga tignan ang cold pa rin talaga nya. Tsk!
"Ano, tapos ka nang manghusga?"-Luhan said without looking at me.
Nagtayuan yung mga buhok ko sa batok ng marinig ko yung sarkastiko pero kalmadong tanong ni Luhan sakin. Shit! Ang lakas nya makaramdam! fck!
"Ah.. hehe h-hindi.."-Ang awkward.. "A-Ano kase--"-Naputol ako sa sasabihin ko ng biglang umiksena si Chen. Sumakay sya at naupo sa tabi ko. Oh Chen! Hulog ka ng langit!
"Tara na bilis! 15mins nalang oh! Male-late na talaga tayo jusko!"-Sabi ni Chen habang nag si-seatbelt.
Hindi na ako nagsalita. Nagmaneho nalang ako ng tahimik. Buti nalang walang traffic dahil sobrang aga pa. Kaya naman saktong 15mins nakarating na agad kami sa school.
"Woah! Phantomhive University. This is my dream university."-Amaze na amaze na sabi ni Chen habang nakadungaw sa bintana at pinagmamasdan ang kabuuan ng school.
Napakalawak ng Phantomhive University. Matataas ang mga building, malinis at napaka lawak ng ground floor. Isa ito sa pinaka kilala at sikat na university sa bansa at tanging ang mayayaman lang ang nakakapasok dito. Oh well, wala naman akong pakialam kung anong university yung papasukan ko, basta may classroom may teacher at may student okay na sakin yon. <( ̄~ ̄)>
"Bilisan mo."-Malumanay na sambit ng mahal naming prinsipe. Lol
Nang mai-park ko na yung kotse ay saktong tumunog naman yung bell..
Holy shit.
Kailangan na namin pumasok sa classroom namin pero natigilan ako ng may bigla akong naalala.. Hindi ko nga pala alam yung classroom na papasukan namin..
Fck!
Lumingon ako kay Chen para magtanong pero nakita kong kinakabahan din sya!
Bumaba na si Luhan sa kotse at parang nagmamadali na nga sya habang kami naman ni Chen ay saglit munang nagkatinginan..
BINABASA MO ANG
The Six Guardians (Completed)
FanfictionLu Shana is the last goddess. Anim na tao ang gumawa ng kontrata kay Shana. She can give Powers and Immortality to humans. Ngunit, ang buhay na Imortal ay mayroong kapalit.. Once they wish for Immortality.. Shana's life will be their lives.. Ang buh...