I don't feel my update. Guys I need you.
*******
Third Person's POV
At the back of Shana's mansion, in the middle of mini forest, Tao and Baekhyun was hiding..
"She's bitten, kumilos na si Kris kailangan na natin itong iparating kay Master."-Seryosong sambit ni Tao, fist clenching in anger habang pinapanuod si Kris na lumilipad ng mabilis palayo sa mansion.
Nagyuyukom ang kamao ni Baekhyun ng tumango ito sa kanya. Nang gigigil si baek. Gusto nyang sumugod kanina pa para pigilan si Kris pero hindi nya magawa. Dahil pagdating kay Kris, Kailangan pa nila ng permiso mula sa kanilang Master bago sila gumawa ng hakbang. Aalis na sana ang dalawa nang may biglang nagsalita galing sa taas..
"No need for that, alam na Nya."-Boses ng isang babae. Kunot noong tumingala si Tao at si Baekhyun sa itaas ng puno kung saan nanggaling ang maangas na boses. "Alam na nya at wala syang plano na gumawa ng aksyon."
Nanlaki ang mga mata nila, pero mas nagulat sila na makita ang babaeng ito.
"What do you mean? Hinayaan nya lang na mangyari to?"-Hindi makapaniwalang tanong ni Tao. "Pero bakit?"
"Myeonie anong ginagawa mo dito?"-Sambit ni baekhyun. Nakaupo si Myeonie sa isang mataas na sanga ng puno at nakangiti sa kanila.
"Ano bang pake mo?"-Mataray na sagot ni Myeonie at inirapan sila.
"Hindi ka dapat nakikialam dito Myeonie."-Tao.
Tinanggal ni Myeonie yung lollipop na kinakain nya at tinignan sila ng masama. "Wag makialam? Ang lakas naman ng loob nyong sabihin sakin yan, kung yung Master nyo nga hindi ako pinapakialaman, kayo pa?"-Umiwas sya ng tingin at ngumisi. "Ni wala nga syang nasabe sa ginawa ko dyan sa babaeng pinoprotektahan nyo."
Nagpantig ang tenga ni Baekhyun sa narinig. Habang nagkunot naman lalo ang noo ni Tao. "Yung nangyare kay Shana kahapon, May kinalaman ka don Myeonie?"-Tanong ni Tao at bigla naman nagsalita si Baekhyun. "Wala syang ginawa laban sayo dahil ayaw nyang saktan ka. Pinilit nyang palampasin nalang yung ginawa mo Myeonie. Alam mo kung pano sya magalit. Tiyak na hindi mo gugustuhin na makita yon."-Malumanay man pero seryoso si Baekhyun sa sinabi nya.
Tinitigan sya ni Myeonie at pinagmasdan ang pasa sa gilid ng noo nya at sugat sa gilid ng labi nya. Baekhyun witnessed how her beautiful eyes glow red..
"Ah Oo, parang nakakatakot nga."-mapang insultong tumawa si Myeonie habang napapaiwas naman ng tingin si Baekhyun. "Umalis ka na Myeonie. Huwag kang gumawa ng bagay na pagsisisihan mo."-maririnig ang pagbabanta sa boses nya. Pero hindi nagpadaig ang dalaga.
"Malaki ang nagawang kasalanan sakin ng babaeng yan."-Titingala sana si Baekhyun at si Tao sa itaas para lingunin ulit si Myeonie pero nanlaki ang mata ng dalawang lalaking ito at mabilis na yumuko ng makita nilang tumayo si Myeonie sa sanga ng puno. Nakapalda ito ng maiksi. "Hinding hindi ko sya mapapatawad dahil sinira nya ang buhay ko. Sya ang dahilan kung bakit namatay ang aking Ina. Hindi ako matatahimik hangga't di ako nakakaganti para sa kanya, kahit makalaban ko pa ang walang kwenta nyong Master hindi nyo ko mapipigilan!"
Natahimik nalang si Baekhyun at Tao dahil kahit anong gawin nila ay hindi nila magagawang paliwanagan ng maayos ang saradong pag-iisip ni Myeonie. Pinalaki ito na may pagkamuhi at galit sa puso, nangungulila sa pag-mamahal ng kanyang ina..
Nagbabago ang anyo ni Myeonie, nagkaroon sya ng itim na pakpak hanggang sya ay naging malaking uwak na may matulis na tuka at pulang pula na mga mata.. Mabilis syang lumipad palayo at doon lang nakahinga ng maluwag si Tao.
BINABASA MO ANG
The Six Guardians (Completed)
FanficLu Shana is the last goddess. Anim na tao ang gumawa ng kontrata kay Shana. She can give Powers and Immortality to humans. Ngunit, ang buhay na Imortal ay mayroong kapalit.. Once they wish for Immortality.. Shana's life will be their lives.. Ang buh...