Chapter 18

1.1K 70 76
                                    

Third Person's POV

Dahil may dalawang oras pa ang night class bago mag umpisa ang klase. Napag isip isip muna ni Kai na mag punta sa lugar na walang tao para makapag relax. Naglalakad lang sya sa loob ng university hanggang sa mapadpad sya sa garden sa likod ng building.

Napanganga pa si kai nang makita nya ang kabuoan ng garden na ito. Napaka ganda at napaka kulay sa loob nito. Sariwa at mabango ang simoy nang hangin para bang isang hardin sa palasyo ang pagkakaayos sa malawak na hardin na ito.

Kusang nabuo ang matamis na ngiti sa labi ni Kai habang sinusuklay ang buhok nya gamit ang isa nyang kamay. "Siguradong magugustuhan ni Shana ang lugar na to."-Bulong nya sa sarili bago napag disisyunan na dalhin dito si Shana.

Nang makatalikod na si Kai para umalis ay bigla nalang syang natigilan sa kanyang kinatatayuan.

"kamusta ka na.. Kim Jongin.."

Para bang humito ang mundo ni Kai nang makita nya ang isang nilalang na naka tayo ngayon sa harap nya.

" D.O "

Mabilis nakahakbang si Kai paatras nang sa isang iglap lang ay nakarating si D.O sa harap nya nang hindi ito nag lalakad.

"It's been a long time huh.."-Ngumiti ito sakanya. Ngiti ng isang nakapangingilabot na demonyo. Ang mga mata niyo ay bilog, itim at walang buhay. Habang ang paligid ng katawan nito ay napapalibutan ng itim na usok, na ngayon ay humahaplos na sa mukha ni Kai.

"Bakit bumalik ka pa"-Na babahalang tanong ni Kai habang kunot noong nakatitig sa malaki at dilat na dilat na mata ni D.O

"Bumalik ako dahil kay Kyungsoo.. naaawa na ako sakanya.. gusto ka na daw nyang makita.."-Nakangising saad ni
D.O

Sarcastic little laugh escape Jongin's lips.. "Don't make me laugh Demon."-Umiling iling sya. "Kelan ka pa natutong maawa?"

"Ngayon lang? Hahaha!"-tumawa si D.O na parang baliw, bago muling ibalik ang nakakalokong tingin kay jongin.. "Pero.. bumalik rin ako para sayo.."

Napalunok si Kai ng makita nyang mabilis nagbago ang expression ng mukha ni D.O..
At ito ang expression ng mukha ni D.O na kinatitisuran ni Kai..

"Alam ko namang gustong gusto mo na rin syang makita.. hindi ba? Nasasabik ka na rin na makasama sya.. si kyungsoo.." Nang hahawakan ni D.O ang kamay ni Kai, ay agad lumayo sakanya si Kai..

Hindi alam ni Kai ang gagawin. Nakikita nanaman nya ang mapanlinlang na mukha ni D.O. alam na alam talaga ng isang demonyo ang mga bagay na gusto mo. At tutuksuhin ka nilang gawin ang bagay na hindi mo dapat gawin. At ilalapit ka nila sa isang bagay na gusto mo pero ikapapahamak mo.. Gaya lang ng dati.. Ang nakaraan ni Jongin..

"Don't be scared Kai.. I'm not gonna hurt you."

Yumukom ang mga kamay ni Kai nang makaramdam sya ng pagkahilo at kawalan ng lakas.

"We can be together again.."

Kai refused to look at him. Napahawak sya sa dibdib nya ng maramdaman nya ang pag sikip nito..

"Trust in me Kai.. I'll keep you safe.."

Ang malambing na boses ni D.O ay lalong nagpalamig ng katawan ni Kai.

"Let go of your fears.. and look at me.."-Tuluyan na ngang nadurog ang puso ni Kai ng hawakan ni D.O ang kanyang pisngi at marahan nya itong haplusin.. sumisikip ang dibdib ni Kai dahil matagal ng panahon na hiniling nyang mahawakan muli si kyungsoo.. kahit na kamay ng demonyo ang humahawak sakanya ngayon ay di parin nya mapigilang isipin na kamay ni kyungsoo ang humahawak sakanya..

The Six Guardians (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon