Kim Jongin (Part 2)

715 28 4
                                    

Don't forget to Vote. ⬇

*******


Side Story Continuation

Third Person's POV

Pagkamulat ng mga mata ni Jongin ay natagpuan nya ang sarili sa isang nakapalawak na silid, napupuno ng mamahalin at magagarang kagamitan. Namangha si Jongin sa laki at lambot ng kama na kinahihigaan nya, doble pa ito sa kama nya noon sa dating bahay.

Malamang bahay ito ng babaeng tinulungan nya kanina.

Sinubukang umupo ni Jongin sa gilid ng kama, may bigla syang napansin, nagkunot ang noo nya. Bakit wala syang nararamdamang sakit sa katawan? Di ba't kagagaling lang nya sa away kanina? Nanlaki ang mga mata ni Jongin ng makita nyang walang kagalos galos ang katawan nya, wala syang pasa o ano mang bakas na nakipag-away sya.


Tumayo sya at humarap sa isang salamin. Nangilabot si Jongin ng makitang nawala ang sugat sa sumabog nyang labi, yung nagdudugong kilay at noo nya kanina'y wala nang sugat o kahit peklat.

Pumikit ng mariin si Jongin at sinampal ng paulit ulit ang mukha. "Tanga na Jongin nananaginip ka lang! Gumising ka!"

Nagtaasan ang balahibo ni Jongin sa paghampas ng malamig na hangin sa katawan nya. Lumingon sya sa gilid nya, at may nakita syang lalaking blonde ang buhok na nakasandal sa door frame na nakatayo pitong hakbang mula sa kanya.

"You can't wake up, this is not a dream."-Ito yung lalaking huling nakita ni Jongin bago sya nawalan ng malay.


Sehun.. Sehun ang narinig nyang tawag sa kanya ng babae.

"Omaygad! Gising ka na--"-Biglang may sumulpot na babae sa likod ni Sehun, tatakbo sana si Shana para salubungin ng yakap si Jongin pero natigilan sya ng bakmain ni Sehun ang ibabaw ng ulo nya na parang bola, sumimangot sya. "Bakit ba sehun?!"-Pasinghal na tinanggal ni Shana yung kamay ni Sehun sa ibabaw ng ulo nya. Hindi sumagot si Sehun at tinitigan lang sya.

"Salamat sa tulong mo sa babaeng 'to, ngayon makakaalis ka na."- Isang lalaki na may malalim na boses ang nagsalita mula sa labas. Kasabay nito ang mabibigat na yapak ng paa na lumalapit sa pinto ng kwarto.

Naguguluhan si Jongin sa mga nangyayare pero nagpantig ang tenga nya sa tono ng boses ng isa pang lalaki na dumating.

"Chanyeol, Kung hindi dahil sa kanya baka nakuha na ako ng mga lalaking yon. Dapat ka magpasalamat ka pa sa kanya."-Nag cross arms si Shana. Inirapan sya ni Chanyeol.

Badtrip ngayon si Chanyeol dahil nasasaktan nanaman ang pride nya, sya ang lead guardian, pero ibang tao ang gumawa ng tungkulin na dapat sya ang gumawa. Isa pa palang kinaiinis ni Chanyeol, kung sya siguro yung nabugbog kanina, sya sana yung binantayan ni Shana matulog sa loob ng 4 na oras. "Tss."

"Nakita nyo naman siguro kung ano yung sinapit ng lalaking 'to mailigtas lang si Shana, hindi ba?"- Pumasok sa loob ng kwarto si Lay at inakbayan nya si Jongin. Pero napahiya sya ng tanggalin ni Jongin yung kamay nya.

"Hindi ko naman planong manatili dito. Magkano ba nagastos nyo sakin? Ilang araw ba ako nanatili sa hospital? Babayaran ko nalang yung mga nagastos nyo.."-Tanong ni Jongin napakagat labi sya, as if naman kasing may pera sya?

The Six Guardians (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon