Published: November 29, 2018*******
Kim Myeonie's Chapter
continuation . . ."I won't be killed by you. Bastard."
Napapalibutan sya ng napakalakas na hangin na umiikot sa paligid nya, inangilan nya ni Kris habang ang kanyang mga mata ay pulang pula at nanlilisik. Nung makita nyang tinawanan lang sya ni Kris, nandilim ang paningin nya at mabilis syang tumakbo para sugurin si Kris.
Nangmakalapit sya ay binato nya ang kanyang kamao sa mukha ni Kris, pero nagulat sya ng sanggahin ito ni Kris gamit ang isang kamay ng walang kahirap hirap.
Hinawakan ni Kris ng mahigpit ang kamao ni Sehun sa palad nya. "Wala ka pa rin laban sakin. Sehun."-Sabi ni Kris at pinalipit nya ang kamay ni Sehun hanggang sa nabali ito. Hindi na nya binigyan ng pagkakataon si Sehun na sumigaw sa sakit, sinipa nya ito sa tiyan nya, at dahil sa taglay na lakas ng mga bampira, parang papel lang na tumilampon si Sehun sa pader pagkatapos ay bumagsak sa sahig.
"Yan lang ba yung kaya mo? Akala ko ba papatayin mo ko? Ni hindi manlang ako nagasgasan sa atake mo."-Mayabang na sambit ni Kris habang naglalakad palapit kay Sehun. Pero natigilan sya ng biglang may humawak sa kamay nya.
"D-Dad. P-Please don't hurt my brother--"-Nanginig si Myeonie ng panlisikan sya ng mata ni Kris.
"Myeonie don't touch him! Get out of this place!"-Sigaw ni Sehun habang tinutukod yung siko nya para tumayo.
"K-Kuya.."-Myeonie looked at him. But as soon as she turn her eyes to her father, she just realized that she's not able to move anymore. Kris punch her in the stomach, hard enough to make her bleed and lost her consciousness.
Tinulak ni Kris ang walang malay na katawan ni Myeonie palayo sa kanya at bumagsak ito sa sahig.
"Napaka sama mo. NAPAKA SAMA MO! WALA KANG KWENTANG AMA!!"-Galit na galit na sigaw ni Sehun. Pinilit nyang tumayo para muling umatake, pero bigla syang natigilan at nanlaki ang kanyang mata ng may makita sya sa pintuan.
"Sehun!!"-Sigaw ni Shana habang tumatakbo palapit sa kanya.
Gumuhit ang malademonyong ngiti sa mga labi ni Kris. Nag panic si Sehun.
"Shana anong ginagawa mo dito?! Di ba sinabi ko sayo na wag kang lalabas sa kwarto?! Mapanganib dito!"-Galit na sigaw ni Sehun na puno ng pag-aalala. Pero nagbago ang expression ng mukha nya at napalitan ito ng awa ng makita nyang umiiyak si Shana ng makarating ito sa kanya. Parang nadudurog ang puso nya..
"S-Sehun.. my Guardians.. C-Chanyeol and the rest.."-Nanlaki ang mata ni Sehun dahil mabilis nya itong naunawaan. "T-They are.. They are dea--"-Shana was cut off when Sehun pulled her into a tight hug.
"We will avenge them. I promise."-Matalim na tinitigan ni Sehun si Kris habang yakap nya ng mahigpit si Shana. Punong puno ng galit ang puso ni Sehun. Hindi nya mailarawan sa salita ang poot na nararamdaman nya, hindi nya magawang magluksa dahil ang laman ng isip nya ay kung paano mapapatay ang taong ito na nasa harapan nya.
Nakatayo lang si Kris. Hinihintay na matapos ang drama nila.
"First you need to hide somewhere safe."-Sabi ni Sehun kay Shana. Bumitaw si Shana sa yakap.
"I'm sorry for giving you so much trouble. But Sehun you need to come with me. I have to tell you something."-Pinunasan ni Shana ang kanyang mga luha at tumingin ng deretsyo sa mga mata ni Sehun.
BINABASA MO ANG
The Six Guardians (Completed)
FanficLu Shana is the last goddess. Anim na tao ang gumawa ng kontrata kay Shana. She can give Powers and Immortality to humans. Ngunit, ang buhay na Imortal ay mayroong kapalit.. Once they wish for Immortality.. Shana's life will be their lives.. Ang buh...