Chapter 6

1.7K 77 23
                                    

Third Person's POV

Pagkaapak ni Luhan sa veranda ay natigilan ang apat sa pag uusap usap nila.

"Oh nandito na sya."-Sabi ni Chen saka tumigil sa paglalaro sa cellphone nya.

"Prince Luhan, where have you been? Bakit hindi ka namin ma-contact?"-Pambungad na tanong ni Lay na ngayon ay nakaupo sa gitna nila Chen at Kai.

"Sa school, nag-enroll ako."-Sagot ng prinsipe saka umupo sa isang upuan na tatlong hakbang ang layo mula sa apat na guardian.

"Nag.. Nag enroll ba kamo?"- Paglilinaw ni Chanyeol. Nakatayo sya sa harap ni Luhan habang nakasandal sa gilid ng mesa.

"Narinig mo naman di ba?"-Sagot ni Luhan.

Parang binubuhusan ng malamig na tubig Chanyeol habang pinagmamasdan ang malamig at walang emosyon na mga mata ni Luhan na seryosong nakatitig sa kanya.

Chanyeol Chen and Lay gulp hard, si Kai naman ay nagtaas lang ng isang kilay. "Cold as usual.."-Bulong nya habang busy-ing busy sa pagkaen ng cookies na binili sa kanya ni Chanyeol. Bati na daw kasi sila, kagabi lang.

"Say what?"-Luhan

Muntik ng mabilaukan si Kai ng lingunin sya ni Luhan. Narinig pala nya. Shit.

"I mean, what class are you going to take? Night class or Day class?"-Matalinong tanong ni Kai. Hindi naman kasi magandang pakinggan kung deretsyahan nyang itatanong kung sino sa kanila ng prinsesa ang in-enroll nya. Malalaman nila kung sino sakanila ang mag aaral depende sa klase na papasukan nya. Kung Day Class meaning ang prinsipe ang papasok, kung Night Class naman ay ang prinsesa.

"Both"-Matipid na sagot ni Luhan habang sinusuklay ang buhok nya.

Lahat sila ay nagulat at hindi makapaniwala sa sinabi ni Luhan.

"P-Pero paano? Kailangan mo rin magpahinga. Ang prinsesa ang mahihirapan kung dalawang klase ang kukuhanin mo."-Nag aalalang paliwanag ni Lay.

Kai sighed and look away..

"Tama, naiintindihan namin kung gusto mo rin pumasok sa school. Pero hindi kakayanin ng prinsesa kung dalawang klase ang papasukan nyo. Lalo pa't sya ang papasok sa Night class."-Seryosong pag sasangayon ni Kai ng hindi "Mawawalan kayo nang tulog."-Dagdag nya atsaka palang sya lumingon sa prinsipe.

Luhan shrugged his shoulders and smiled at them, natigilan ang apat dahil sa gwapong ngiti ng prinsipe na ngayon lang ulit nila nakita.

"Actually, mas mahaba pa nga ang tulog namin ng prinsesa kaysa sa inyo.."-Luhan leaned back to his seat "12hours"-and he added.

Napa "Wow" si Kai, Chen at Lay ng ma-gets nila kung ano ang ibigsabihin ni Luhan. Pero maliban sa isang higante na kunot noong nakatingin sa kanila.

"Ha? Pano mangyayari yon? Di ba kada 12hours nagpapalitan kayo ng katauhan ng prinsesa? 12am ka lilitaw at 12pm naman ang prinsesa. So paano kayo makakatulog ng 12hrs?"-Seryosong tanong ni Chanyeol.

"Slow talaga neto."-Pasimpleng bulong ni Chen saka tiningala si Chanyeol na nakatayo at nakatalikod sakanya.. "Di mo ba na-gets yoda?"-May halong pangaasar na tanong ni Chen.

Naiinis na lumingon si Chanyeol sa likod nya at biglang kumulo sa init ang kanina'y malamig na juice na hawak ni Chen.

"Oh Shit!"-Binitawan ni Chen ang baso at sinamaan ng tingin si Chanyeol pero pinakyuhan sya ni Chanyeol kaya napanganga sya.

"Kung sinabi ng prinsipe na 12hours ang tulog nila.. ibigsabihin sa twelve hours na hindi mo nakikita ang isa sa kanila.. sila ay natutulog.."-Pagpapaliwanag ni Lay.. "In other words sa mga oras na ito na hindi natin nakikita ang prinsesa.. sya ay natutulog sa loob ng katawan ng prinsipe."-dagdag pa nya habang nakatitig kay Luhan na ngayon naman ay nakatingin sa malayo, pinagmamasdan ang magandang tanawin ng kalikasan.

The Six Guardians (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon