Chapter 42

805 28 19
                                    

I'm so sorry for Boring Update

*******

Third Person's POV

Hindi maiwasan ni Shana na hindi magtaka, bakit kailangan pa nilang isarado ang pinto ng mansion para makapag-usap sila ng sila lang? Ganon na ba kaseryoso yung pag-uusapan nila? Di ba dapat kasama sya sa pag-uusap na iyon dahil sya ang mas may karapatan? Pero bakit--

"Shana.."

Nagulat si Shana na kanina pa nakatulala sa halamanan.. mabilis syang lumingon sa likod kung saan nanggaling yung pamilyar na boses.. "B-Baekhyun."-Napatayo nalang sya sa kinauupuan nya ng makitang nakatayo si Baekhyun hindi kalayuan mula sa kanya. "Anong ginagawa mo dito? Pano ka nakapasok?"

Ngumiti sa kanya si Baekhyun habang napapa-shrug. "Hindi naka-lock yung gate ninyo. Actually magkasama kami ni Tao na pumunta dito, nagpaiwan lang ako sa kotse."-Naglakad sya papunta kay Shana.

"Ganon ba, nasa loob silang lahat eh, tara?"-Wala nang pake si Shana sa pag-uusap nila Lay, basta hindi alam ni shana kung paano ia-approach si Baekhyun, at ang naiisip lang nyang paraan ay imbitahan sa loob ng mansion ang binata.

Parang bigla nalang kasing nailang si Shana kay Baekhyun sa hindi malamang dahilan.. may bagay sa dibdib nya na parang ikinahihiya nya, pero hindi maisip ng utak nya kung ano yon.

"Wait."-Bago pa tumalikod si Shana, hinigit na ni Baekhyun ang braso nya. Nabigla si Shana. "I didn't came here for them, I came here for you.."

Napakurap si Shana habang nakatitig sa mga mata ng binata. "W-Why? May kailangan ka ba sakin?"

Binigyan sya ni Baekhyun ng napakatamis na ngiti, iniiwasan ni Shana na mamula dahil nakakalaglag panty yung ngiti ni Baekhyun. Nagtaas ng kilay si Shana, pinipilit na magmukhang mataray. Pero hindi sumagot ang binata, nakatitig lang ito sa kanya. "Baek.."

"Ah.. I'm sorry.."-Umiwas ng tingin si Baek habang nakangiti pero binalik din agad ang mata sa dalaga. "Sorry I can't help myself but to stare at you.."-Shana blushed instantly. "I didn't really imagine that you can be this beautiful Shana.."

"Baek.. okay ka lang?"-Hindi sanay si Shana sa ganitong papuri ng binata, kaya sa halip na kiligin sya ay nagtaka pa sya. Pero syempre kinilig pa rin sya, palihim nga lang.

"No I'm not okay. This is my first time having this kind of feeling for someone Shana at hindi ko pa alam kung anong dapat kong gawin."-Baekhyun

"Anong gusto mong iparating Baek?"- Painusenteng tanong ni Shana, hindi naman sya ganon ka-slow para hindi maintindihan ang sinabi ng binata. May idea na sya pero gusto nyang klaruhin.

"I shouldn't be staying silent like this."-His eyes speak so much emotion She can't understand. Shana's heart beats like crazy and she don't know why. "I really hated you at first but.. you know.. I like you."

Her heart nearly stopped. "Y-You.. you what?"-Tanong nya habang nakatulala kay Baekhyun. She felt her body tense waiting for his answer. "Bawiin mo yan, hindi magandang biro yan."

"Patawad, pero hindi na napipigilan ang puso, kapag-nahulog na."Puno ng kalungkutan ang mga mata ni Baekhyun, alam nyang mali ito. Mali ang nararamdaman nya, mali ang pag-amin nya. Ang puso ni Shana ay nakalaan na para sa iba, sa taong nalimot ng kanyang isip ngunit hindi nalilimot ng kanyang puso. Pero masisisi mo ba si Baekhyun? May puso't damdamin din sya. "Shana.. Mahal kita.."

The Six Guardians (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon