Chapter 24

1K 50 77
                                    

#Please Read This Chapter Carefully.

Shana's POV

"She's mine."

"She's mine."

"Mine alone!"

Ibinaon ko ang mukha ko sa unan at nagwala sa kama ko, para na akong nasisiraan ng bait nang magpagulong gulong ako habang hinahagis yung mga unan sa kama ko. I blushed hard at the memory of what he said. Gosh. Nakikita nyo ba ang mukha ko ngayon? Mukha na akong kamatis na pinrito! Ang init ng mukha ko at ang pula pa!

Hindi mawala wala sa isip ko yung sinabi ni baekhyun.. lalo na yung mga ginawa nya matapos nya akong ilayo kay Kris.

Kakaiba, kakaiba na yung mga kinilos nya matapos yon..

nakapag report naman kami ng maayos sa klase, pero naging tahimik lang sya pagkatapos non. kakaiba ang presensya nya para sakin.

Hindi na nya ko iniirapan sa tuwing magsasalubong ang mga mata namin.

Hindi nya ako pinagtawanan kanina nung 5 lang ang score ko sa quiz out of 10. Sya kasi laging nakaka-perfect. Nasabi ko na bang matalino at talented si baekhyun ha? Kaya nga marami syang secret admirer sa school. Ma-appeal na matalino pa.

Kanina habang pinagmamasdan ko sya sa klase, parang hinihila ako ng presensya nya papunta sakanya. para bang napakahirap umiwas ng tingin sakanya. tulad nung unang beses ko syang nakita sa park, ang lambing pagmasdan ng mga mata nya, payapa at para syang nagliliwanag.

I don't know, I can't help myself but to stare at him. It's more like I was being captivated by his presence.

Muntik na nga akong mahuli ni baekhyun na naglalaway sakanya kanina eh. Pero buti nalang naagapan agad ni jongin at pinunasan yung laway ko. Sabay bulong ng "Hinay Hinay lang baka malusaw yan." Binatukan ko naman sya dahil don.

I hate Byun Baekhyun from the bottom of my heart! But why drooling over him now? Ugh! I really wanted to tear myself from doing that. Seriously.

Naalala ko pa yung huling sulyap sakin ni baekhyun nung dismissal na. nahuli ko syang lihim na ngumiti. Hindi ko alam na marunong palang ngumiti si baekhyun.. yung totoong ngiti ba? Yung hindi pang-asar at nakaka-insultong ngiti na lagi kong nakikita sakanya.

At si kris naman, hindi ko alam kung bakit nya nagawa sakin ang bagay na iyon. Pero kahit ganon, hindi ko parin nagawang magalit sa kanya. hindi ko alam kung anong sumapi sakin at hindi ko magawang magalit. Na parang okay lang sakin yung ginawa nya. Na parang sanay na ako sa ganon. Shocks! Ano bang nangyayari sakin? Bakit ganito?!

Pero bago iyon may napansin na akong kakaiba sakanya. Yung amoy ng damit nya. At yung bibig nya nung hinalikan nya ako. Parang may mali, may nalasahan akong kakaiba. Hindi ko lang maipaliwanag kung ano..

I don't know but something about him makes me curious. When I'm with him. It feels like matagal ko na syang nakakasama at parang kilalang kilala ko na sya kahit 2months palang kaming nagkakilala. Kaya nga mabilis kaming naging close sa isa't isa.

Whenever I look straight in his eyes, It feels like I've already seen those eyes somewhere before.. feels like I've known him from a long time ago..

He reminds me of someone..
but I---

"Waaah!!"-I screamed.
I was shocked when I heard loud bangs through the door.

"Shana buksan mo nga ito!"
Chanyeol's calling me. Boses nya yun eh. "Ang ingay mo!"

Then doon ko lang napagtanto na kanina pa pala ako tumitili dito sa kwarto ko dahil sa pagpapantasya ko kay Kris at Baekhyun.

Nako, nagising ko kaya sila? 11:45pm na kasi. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako humarap sa pinto para binuksan iyon.

The Six Guardians (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon