Very Long Chaper
*******
Third Person's POV
3:00pm pumunta si Baekhyun at Tao sa mansion ni Shana, walang ibang tao dito maliban kay Chanyeol at Chen, si Lay ay naiwan sa school.
Pagkabukas ng gate, halos manlumo si Chanyeol ng makita ang duguang katawan ni Shana na buhat ni Tao. Agad na tinawagan ni Chen si Lay para makauwi ito agad.
Sinabi ni Baekhyun na inatake ni D.O si Shana, ngunit hindi nya sinabing dumating si Jongin at niligtas si D.O. Hindi rin nya sinabing binulag nya si Shana. Pagsinuri na ni Lay ang katawan ni Shana, malalaman din nilang bulag ito, at malang ay iisipin nilang si D.O ang may kagagawan nito. Pero pinapanalangin pa rin ni Baekhyun na sana hindi maalala ni Shana ang dahilan ng pagkabulag nya, dahil kung hindi, walang magagawa si baekhyun kundi ang umamin.
Siguro sa ngayon.. hindi muna sya magpapakita kay Shana ng ilang araw..
Wala pang 15 minutes, nakauwi na agad ng bahay si Lay..
Lay healed Shana's deep wounds but they cannot found any solution to heal her eyes.
Nang dumating ang 12am nagliwanag ang buong katawan ni Shana, lahat sila'y nagulat nang makitang may dalawang katawan na nakahiga sa kama. Kusang humiwalay ang katawan ni Shana kay Luhan, nagkaroon ng sariling katawan si Luhan. The two person in one body was separated into two body, The Guardians do not know how to react to this unbelievable thing.
Luhan without any emotion, woke up and got up naked. Kumuha sya ng damit at nagbihis sya sa harap ng mga Guardians.
"How did you come out from her? Paano ka nagkaroon ng sarili mong katawan?!"-Gulat na may pagkamangha ang tanong ni Chanyeol.
Hindi sumagot si Luhan, abala ito sa pagbibihis, kaya napatungan pa ng isang tanong ang tanong ni Chanyeol.
"Luhan you are the Crystal Guard, right?"-Kunot noong sambit ni Lay habang nakatingin sa kulay pulang nagliliwanag sa bandang dibdib ni Luhan. Nagliliwanag ito mula sa loob ng katawan ni Luhan. "The thing in your body, in your heart, is that the Crystal Guard?"- Natigilan si Luhan, tumitig sya ng deretsyo kay Lay. Habang si Chen at Chanyeol, hindi nila maintindihan yung sinabi nya dahil hindi nila nakikita yung nakikita ni Lay sa katawan ni Luhan. Pero nagkunot din ang mga noo nila ng makita nila na kulay green na pala ang mata ni Lay, ibigsabihin nito ay ginagamit nya ang powers nya, pag kulay green ang mata ni Lay ay para itong X-Ray na nakikita ang loob ng katawan ng isang tao. "Kung nasa katawan mo na ang Crystal Guard, paano na si Shana? Wala na sa kanya ang CG?"
"This body is for temporary. I used 80% of my power to make my own flesh and blood."-Simpleng sagot ni Luhan saka sya umupo sa gilid ng kama kung saan namamahinga si Shana. For the first time nakita ng mga Guardians na gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ni Luhan, nakatitig sya kay Shana.
"You used 80%?! Shit! Nung binigyan mo kami ng kapangyarihan, 10% lang ng kapangyarihan mo ang nagagamit mo. Pero ngayon para magkaroon ng katawan ng tao gumamit ka ng 80%? That's crazy! Why did you do that? Malaking kawalan ang 80%. Malamang ay nanghihina ka na ngayon."-Chen exclaimed in front of them, well dala lang iyan ng pag-aalala kaya hindi sya sinungitan ni Luhan, bagkus tinignan lang sya nito at tumango.
"I had to do this, if not then parehas kaming mabubulag ni Shana dahil nasa iisang katawan lang kami. Hindi kayang malunasan ng kapangyarihan ni Lay at kapangyarihan ko ang pagkabulag ni Shana. Hindi ako maaaring mabulag kagaya ni Shana dahil hindi ko sya mapoprotektahan sa ganoong sitwasyon kaya naman humiwalay ako sa kanya."-Paliwanag ni Luhan.
BINABASA MO ANG
The Six Guardians (Completed)
FanfictionLu Shana is the last goddess. Anim na tao ang gumawa ng kontrata kay Shana. She can give Powers and Immortality to humans. Ngunit, ang buhay na Imortal ay mayroong kapalit.. Once they wish for Immortality.. Shana's life will be their lives.. Ang buh...