Chapter 35

760 29 37
                                    


Third Person's POV

Thursday Afternoon . .

"Bro, hindi ba yon si Shana ng Night Class? Yung prinsesa mo."-Bulong ng isang lalaking nakangisi na nag-ngangalang Doyoung isang Day Class student.

Lumingon naman ang dalawang kasama ni Doyoung, isa sa mga lalaking kasama nya ay tagahanga ni Shana.

Nasa ground floor sila ngayon, nakita nilang dumaan sa gilid nila si shana, naglalakad ito habang nakatingala sa langit na parang may tinitignan..

"Oo nga Hyungwon, ito na chance mo para lapitan sya. Hindi nya kasama sila Kai at yung ibang kaibigan nya."-Sabi din nitong si Taeil at siniko pa ang gwapo nyang kaibigan na kulang sa self-confidence.

"kase naman, palagi syang may kasamang lalake, pano kung isa sa mga kaibigan nya yung Boyfriend nya. Baka kasi si Baekhyun.."-Naka tungong sabi ni Hyungwon.

(A/N: Kung hindi mo kilala si Hyungwon, paki-balikan po yung nasa Multimedia. Para ma-imagine mo ng maayos yung mukha nya.)

Napailing naman si Taeil. "Wag kang umarte ng ganyan Hyungwon. Di bagay sayo! Kilala ka bilang playboy sa university na nagpapaiyak ng mga babae tapos ngayon sa isang babae lang babaluktot ka na?"-hindi makapaniwalang sabi nito.

"Hoy Ibahin mo si shana sa mga babae dyan! Hindi sya pakgirl!"-Pagtatanggol naman ni Hyungwon kay Shana.

"Kay shana ka lang yata nawalan ng self-confidence Hyungwon. Di ka naman ganyan pag may pinopormahan ka ah?"-Sulsol ni Doyoung kaya nakatanggap sya ng batok sa kaibigan.

"Bro ganon kasi talaga pag na inlove ang bad boy.. pag-nakahanap na ng tunay na pag-ibig ay hindi na alam kung ano ang gagawin.. kasi nga hindi sanay sa seryosong relasyon ang mga playboy ahahaha!!"-Sabat ni Taeil kaya nakatanggap naman sya ng siko sa tiyan dahilan para mabilaukan sya sa sariling laway kakatawa..

"Tigilan nyo na nga lang ako. Tara umalis na tayo. Sapat na nakita ko syang dumaan sa harap ko."-Sabi ni Hyungwon, lumakad na sya pero hindi naman sumunod yung dalawa..

"Hyungwon ito na chance mo! Wag ka ng ano! Pormahan mo na sya! Tignan mo nag-iisa lang sya oh."-Sabay turo nila kay Shana na hindi pa nakakalayo sa kanila.

Tumingin naman si Hyungwon sa dalaga pero agad din syang umiwas ng tingin.. "Eh baka nga kasi boyfriend na nya si Baekhyun! ayokong mapahiya kay Shana.. Mas okay na sigurong hanggang tingin nalang muna ako.. maghihintay nalang siguro ako.."

"Ang tanga mo talaga! Bakit tinanong mo na ba kung sila nga talaga? Ha? Porket ba lagi silang mag-kasabay kumain ng lunch sa cafeteria eh sila na agad? Eh nandon din naman sila Kai, Lay at Tao ah. Minsan nga nandon pa si Kris."-Sabi naman nitong si Doyoung.

"Oo nga pero lagi naman silang magkatapat pag nag-lulunch.. minsan nga magkatabi pa.."-Malungkot na sagot ni Hyungwon. "Tapos nung Foundation Day buong linggo nakabuntot si Baekhyun sa tabi ni Shana."

Napairap naman itong si Doyoung sa kaibigan, naiirita talaga sya dito. Hindi kasi sya sanay na nag-mumukhang torpe ang kaibigan nya. Mukha daw itong tanga.

"Oo nga eh parang gwardia sibil ang loko. Idagdag mo pa si Kris na bigla nalang sumusulpot at mangungulit kay Shana. Hahaha!"-Pang-aasar ni Taeil sa kaibigan, hanggang sa nakitawa na rin si Doyoung, dahilan para magselos si Hyungwon at mapikon.

Nasa Day Class ang tatlong ito, ngunit hindi pa sila umuuwi agad hanggat hindi pa nasisilayan ni Hyungwon si shana na around 2:00pm pumapasok sa school.

The Six Guardians (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon