Chapter 34

887 28 46
                                    

Shana's POV

"Ayoko na! Hindi ko talaga ma-gets yung formula nakakaiyak! Asar!"-Inis kong tinulak palayo yung test paper sa harap ko. Parang binabarena ang utak to dahil sa pesteng Calculus na to. Gusto ko ng mamatay! Almost 2 thousand years na akong nabubuhay dito sa mundo pero hindi pa rin talaga pumapasok yung mga numero sa utak ko! I hate numbers with freaking weird letters! Seriously!

Naramdaman ko na may mga matang nakamasid sakin, kaya agad akong lumingon sa gilid ko. "Oh ano? Anong tinitingin tingin mo dyan?"-bulalas ko kay baekhyun, nakita ko naman kung pano sya nag-pigil ng tawa habang nakatitig pa rin sakin.

Anong problema ng isang to? Pinagtatawanan ba nya ko kasi wala akong maisagot dito? Aba! Wala namang kaso sakin kung bumagsak ako. Trip ko lang talagang pumasok sa school kasama ang mga Guardians ko. Sila Jongin lang naman talaga ang gustong makatapos ng College. Pero ako? Pumapasok lang ako para makihalubilo sa mga tao. Dahil mag-aral man ako o hindi mabubuhay pa rin ako.

"Akin na yan."-nagulat ako ng biglang pag-palitin ni baekhyun yung test papers namin.

"Baekhyun anong kalokohan yan?!"-pasigaw kong bulong sa kanya. mahirap na baka mahuli kami ni prof. Nasa unahan pa naman kami.

"Tumahimik ka nalang dyan at wag mo kong tignan. Baka mahalata pa tayo dito."-Naka ngisi nyang sabi habang tuloy tuloy na sinasagutan yung blank test paper ko. Namangha naman ako sa bilis nyang magsagot, parang hindi na nya kailangan pang pag-isipan ang bawat sagot na inilalagay nya dahil sigurado na syang tama ang mga sinasagot nya.

Kumunot naman ang noo ko sa pag-tataka dahil sa ikinilos nya. "Alam kong Top 1 ka sa klase natin baek at close na tayo. Pero hindi mo naman kailangang gawin yan. Hayaan mo nalang yan ng walang sagot--."-sinubukan kong agawin yung paper pero inilayo nya ito.

"Hindi ako papayag na hindi tayo magiging mag-kaklase next semester shana, kaya kailangan mong pumasa."-Baekhyun said seriously.

Napalunok ako ng hard sa mga narinig ko. Naramdaman ko din ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko kaya napakagat labi nalang ako. Totoo ba to? Sinasabi ba talaga sakin to ni baekhyun? Hindi naman ba ako nananaginip? Bakit ang sweet nya?

"Wag ka nang mahiya, ako na bahala sayo."

Napahawak ako sa dibdib ko.. dama ko ang bawat pagpintig ng puso ko, mabilis ngunit lalong bumilis ng masaksihan ko kung paano gumuhit sa mapupula nyang labi ang isang totoo at matamis na ngiti na bihira lang makikita sa mga lalaki..

"B-Baekhyun.."-I mumbled his name..

Tumitig lang ako sa maamo nyang mukha.. Hindi ko alam pero sa tuwing nag-tatama ang mga mata namin.. nakakaramdam ako ng mga kuryenteng dumadaloy sa katawan ko. Gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko magawa. Parang minamagnet ako ni baekhyun, ang hirap nyang iwasan..

Kakaiba sya..

Siguro kung hindi sya isang tao.. at kung isa sana syang nilalang na kagaya ko.. hindi ko siguro pipigilan ang sarili ko na tuluyang mahulog sa kanya..

Suddenly, while thinking about my unexplainable feelings towards Baekhyun, an image of Chanyeol popped up into my mind..

Nailang ako kay baekhyun kaya tuluyan na akong umiwas ng tingin. "S-Sige, Bahala ka na nga!."-sagot ko nalang. Nakita ko namang pinag-patuloy ni baekhyun ang pag-sagot sa test paper ko.

I took a deep breathe and sighed heavily.. heto nanaman at pumasok sa isip ko si Chanyeol.. hindi mabura bura sa isipan ko ang mga salitang binitawan nya ng gabing iyon..

He just confessed his feelings towards me.. May pag-tingin sya sa akin.. hindi man malinaw ang mga sinabi nya ng gabing iyon.. alam ko namang ito din ang gusto nyang iparating..

The Six Guardians (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon