Chapter 33

987 28 48
                                    

Long Chapter. Lot of explanation. Please don't skip any paragraph. The explanation is important for the story.

*******


Third Person's POV

(8:30pm)

"Tao isuot mo yang seatbelt mo."-Paalala ni Chen habang nakaupo sa front seat. Mabilis na sinuot ni Tao ang seatbelt habang nagmamaneho. Pauwi na sila at ang gamit nilang sasakyan ay ang kotse ni Beakhyun.

Hindi dinala si Chanyeol ang kanilang kotse dahil nag umpisa ang Foundation Day ng 12pm. Kaya't kaninang tanghali ay sabay sabay silang pumasok ng school gamit ang teleportation powers ni Jongin.. Pero hindi nila kasama ngayon si Chanyeol at si Jongin sa pag-uwi, nakisakay nalang sila kina Baekhyun.

"Ano ba talagang nangyare sa kanya kanina Baekhyun? Nagulat nalang kami ni Chen ng makita namin kayo ni Shana na magkayakap sa ground floor. Nang lapitan namin kayo, wala ng malay si shana."-Puno ng pag-aalala na tanong ni Lay habang nakasandal sa kanya si shana.

Lumingon si Baekhyun kay Shana habang natutulog sa gitna nila ni Lay. Pinagmasdan nya ang namumugto at malungkot nitong mga mata. Biglang kumunot ang noo ni Baekhyun, parang sasabog ang dibdib nya habang nakatitig sa dalaga..

"Buti na nga lang hindi kayo napansin ng mga studyante kanina. Marami pa namang tao.."-Sabi pa ni Chen.

"Hindi ko alam. Nakita lang namin sya ni Jongin na tumatakbo papunta sa amin ng luhaan.. Paulit ulit lang nyang sinasabi ang pangalan ni Chanyeol.. tinanong ko kung anong nangyayare pero hindi nya ko sinagot.."-Sagot ni Baekhyun, seryoso sya ngunit makikita din ang concern sa tono ng kanyang boses. Nagsasabi sya ng totoo, wala talaga syang idea sa naganap..

"Guys, okay lang ba talagang iniwan natin si Chanyeol at si Jongin? Baka naman may nangyayare na talaga at kailangan nila tayo.."-Mabilis na tanong ni Tao habang nagmamaneho.

"Kung kakailanganin man talaga nila tayo, makakagawa naman agad ng mabilis na paraan si Kai para makahingi ng tulong.. alam kong alam mo yan Tao.."-Makahulugan na sagot ni Lay habang seryosong nakikipag-titigan kay Tao sa rearview mirror. Sa isip isip ni Lay ay hindi maaaring mahalata ni Baekhyun ang pakahulugan nya kaya't mabilis syang umiwas ng tingin.

Bumaling ang ulo si Baekhyun sa bintana at lihim na ngumisi sabay bulong ng "Tch.. I saw you."

Bahagyang lumapit si Chen kay Tao, saka bumulong sa tenga nito. "Tao, Ang importante ay si Shana. If she's safe, we're safe. If she's in danger, so are we. You don't need to worry about the two idiots, they are immortals and powerful. They can handle themselves."-Lumingon muna si Chen sa direksyon ni Baekhyun bago bumalik sa pwesto nya, sinisigurado nyang hindi napansin ni Baek yung ginawa nyang pagbulong kay Tao. Mabuti nalang nga at nakaharap sa binta itong si Baekhyun.

Maya maya pa, nang humarap si Baekhyun ay nagtama ang mata nila ni Tao sa rearview mirror. Bahagyang napapailing si Baekhyun habang lihim na napapangisi. "Funny."-He mumbled.

Sinusubukan nilang itago kay Baekhyun ang totoong pagkatao nila dahil buong akala nila ay simpleng tao lang si Baekhyun na may pagkasuplado. Pero hindi. Hindi sya normal na tao dahil isa syang nilalang na katulad ni Shana.. But unlike Shana, Baekhyun isn't immortal, he's just a mortal god.

Shana is the last Princess of god and goddess who had the life of immortality. She is the goddess of Life.

Alam ni baekhyun ang buong pagkatao ni Shana. Pero ng araw na magpakita sa kanya ang isang lalaking kamukhang kamukha ni Shana ay hindi sya makapaniwalang may isang bagay pa pala syang hindi nalalaman sa dalaga, at ito ay ang kahuli-hulihang lihim ng dalaga. Walang iba kundi ang isa pang tao na naninirahan sa loob ng katawan ni Shana.. si Luhan..

The Six Guardians (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon