Chapter 46

670 25 27
                                    

Published: September 11, 2017

*******

Third Person's POV

Nung araw pagkatapos ng insidente ng pag-papakita ni Myeonie kay Shana, hindi pa rin makapaniwala ang mga Guardians lalo na si Lay na isang kalaban din pala itong si Myeonie.

Sinabi ni Shana na si Myeonie ay anak ng kanyang dating kaibigan na si Suhee, na isa ding goddess, pinaliwanag ni Shana na sinisisi sya ng babaeng ito sa pagkamatay ng kanyang ina.

Tahimik lang si Luhan habang nagpapaliwanag si Shana, may kung anong pumapasok sa isip nya na hindi nya maipaliwanag. Nagdududa sya sa pagkatao ni Myeonie, may hinalang nabubuo sa kanyang isipan ngunit hindi nya mapag tugna tugma ng maayos ang sagot na ito.

Ngayon ay lalong naaalerto si Shana at ang mga Guardians nya.. Isa isa nang lumilitaw ang mga kalaban nila..

Tatlo nalang ang Guardians na kasama ni Shana. Si Sehun, Tao at Jongin ay wala sa tabi nya. Nabulag si Shana at humiwalay sa kanya ang Crystal Guard dahil hindi maaaring mabulag din si Luhan kagaya nya. Ngunit ang kapalit sa paghihiwalay nila ng katawan ay kawalan ng proteksyon ni Shana sa kanyang Puso. Ang kanyang Puso ay ang pinagmumulan ng imortal na buhay nya at buhay ng mga Guardians nya. Maselan ang sitwasyon ngayon ni Shana kaya kapag malingat lang ng kaunti ang mga Guardians sa pagbabantay sa kanya ay maaari silang mamamatay sa kamay ng kalaban.

Kailangan nilang magdoble ingat. Kailangan na rin mabawi agad ni Luhan ang kanyang kapangyarihan, dahil ang lakas ng telekinesis ang magsisilbing panangga nila sa mga atake ng kalaban.

kinuwento din ni Shana sa mga Guardians kung paano sya inatake ni D.O.

Ngunit hindi sinabi ni Shana na si Baekhyun ang may kagagawan ng pagkabulag nya, kaya naman inisip ng mga Guardians na si D.O din ang may gawa nito sa kanya, pero maliban kay Luhan.

Baka pag-isipan nila ng hindi maganda si Baekhyun kaya naman sinekreto muna ni Shana ito sa kanyang sarili. Nasisiguro nyang may dahilan kung bakit ito nagawa ni Baekhyun sa kanya, dahil malinaw pa sa kanyang alaala yung pag-liligtas na ginawa ng binata at pag-aalala na pinakita nito sa kanya, at yung salitang paghingi nito ng tawad bago sya tuluyang mabulag..

And one more thing.. Hindi mawala wala sa isip ni Shana yung lalaking nakita nyang kasama ni Baekhyun nung araw na iyon..

Hindi tulad ng dati na lumalabo sa alaala ni Shana ang mukha ni Sehun, ngayon ay malinaw na sa kanyang isipan ang itsura at anyo nito.

Lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib sa tuwing naaalala nya ang mukha nito, ngunit nakakaramdam sya ng kirot sa kanyang dibdib pag naiisip ang makapal na mga bendang nakapalupot sa halos kalahating bahagi ng katawan at mukha ng lalaking ito. Hindi naman nya kilala ang binata, ngunit hindi nya maunawaan bakit sya nakakaramdam ng ganitong bagay..

Hindi na sinabi ni Shana ang tungkol kay Sehun dahil iniisip nya na kung hindi nya ito kilala, malamang ay hindi rin ito kilala ng kanyang mga Guardians.

"Si Tao at si Baekhyun ang naghatid sayo nung araw na iyon. Ang pinag-tataka ko lang, paano nalaman nila Baekhyun na dinala ka ni D.O sa gitna ng gubat?"-Nagtatakang sabi ni Chen, iniisip nilang si Tao at si Baekhyun ang magkasama ng araw na iyon dahil silang dalawa ang naghatid kay Shana sa mansion.

Napayuko si Lay dahil kahihiyan para sa kanya na hindi sya ang nakapagligtas kay Shana..

"H-Hindi ko rin alam kung paan--"-Nagkunot ang noo ni Shana ng may bigla syang naalala. Nung oras bago dumating si Baekhyun.. humihingi sya ng tulong.. may tinatawag syang pangalan.. ngunit hindi malinaw sa kanyang alaala kung sinong tao ang tinatawag nya ng mga oras na yon.. She's actually calling for Sehun. "..H-Hindi ko alam.."

The Six Guardians (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon