Chapter 38

881 33 41
                                    

I really need your feedback on this Chapter
Please don't be silent kahit ngayon lang

*******

(Shana's Dream)
(Shana's Lost Memory)

"Sabi ko na nga ba't dito lang kita matatagpuan."-Nakangiting sabi ni Shana. Umupo sya sa ilalim ng puno sa tabi ni Sehun.

"Oh, di ba nanunuod kayo ng movie sa loob? Bakit nandito ka?"-Tanong ni Sehun.

Napanguso naman si Shana.. "Ayoko ng pinapanuod nila, boring! Saka sila lang naman may gustong manuod eh."

Natawa naman si Sehun. "Lagi mo silang iniiwan tapos pupuntahan mo ko, kaya sila nag-tatampo sayo eh, may favoritism ka daw kase."-Sabi nya habang tinitignan si Shana na parang nang-aasar..

Napairap naman si Shana.. "Tss.. si Chanyeol lang naman yung laging nagtatampo eh, di hamak na mas pogi naman daw sya kesa sayo pero bakit daw mas gusto kitang kasama.. hahah!"

"Eh bakit nga ba?"-makahulugan na tanong ni Sehun habang nakangiti ng maliit..

Natigilan si Shana, yung tawa nya ay unti unting napapalitan ng malungkot na ngiti.. "A-Ayoko kasing nawawala ka sa paningin ko sehun.. natatakot ako na b-baka bigla ka nanamang umalis sa tabi ko.."-She looked down as she wrapped her arms around her knees.. "I can't lose you.. Sehun.."

Kumunot ang noo ni Sehun at sumeryoso ang mukha nito.. "Napag-usapan na natin 'to Luhan. Alam mo na ang magiging bunga ng pagpipilit mo na manatili ako sa tabi mo.."-Tumitig sya sa mga mata ni Shana habang ang dalaga ay umiiwas ng tingin sa kanya na parang ayaw pakinggan ang salitang sinasabi nya. "We're enemies. I'm destined to kill you Luhan--"

"You're destined to kill me, but why do I feel like you can't do what you supposed to do?"-Biglang lumingon si Shana sa kanya pero si Sehun naman ngayon ang umiwas ng tingin.. "Kung papatayin mo rin pala ako.. bakit hindi mo pa ginawa nung una palang? Bakit pinatagal mo pa ng apat na taon Sehun? Bakit hinayaan mo pang mapalapit ang loob ko sayo?"-Naguguluhan na tanong ni Shana. Tumingin sya ng maiigi sa mga mata ng binata, pinipilit hanapin ang kasagutan sa mga mata nito..

Sehun didn't speak for a moment , and suddenly chuckes escape his lips.. "Alam mo bang napaka sama mo Luhan? Do you have any idea how miserable I've been for years?"

Shana shook her head in confusion.. "A-Ano?"-Kunot noong tanong nya.. Napapaisip si Shana kung paano nasabi ni Sehun na naging miserable ang buhay nya sa loob ng 4 na taon. Dahil wala naman syang nakikitang kakaiba kay Sehun sa mga panahong iyon, maliban nalang kung ang tinutukoy ni Sehun ay ang pagiging bampira nya. Hindi kaya nagtiis si Sehun ng 4 apat na taon na hindi umiinom ng dugo dahil naging Guardian sya ni Shana? Napailing si Shana dahil kung sakali man, ang layo naman ng dahilan na iyon para sa tanong na binigay nya.

"Kung iniisip mong naging miserable ang buhay ko dahil hindi ako nakakainom ng dugo sa loob ng 4 na taon, nagkakamali ka."-Natigilan si Shana, tumitig sya sa maamong mukha ni Sehun. "Hindi ako ordinaryong bampira Luhan. Kakaiba ako sa kanila, hindi ako lumaki na umiinom ng dugo. Lumaki ako na parang normal na tao. But with a single drop of your blood on my cheek, nagising ang natutulog kong katauhan."-Naalala ni Shana yung scene kung saan muntik na syang masagasaan, niligtas sya ni Sehun at nagkasugat sya sa pisngi, nagdugo ito at pumatak sa gilid ng labi ni Sehun ang dugo nya. Nakita nya na dinilaan ito ni Sehun. At dito na nag-simulang iwas iwasan sya ni Sehun. "Dugo mo ang gumising sa aking pagiging bampira Luhan. Dugo mo lang ang nagtagumpay na akitin ako. But.. I resisted the urge to suck your blood kahit na uhaw na uhaw na ako sa dugo mo."

The Six Guardians (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon