Published: December 11, 2017
*******
Third Person's POV
"You can't kill him."-Passing by her, Sehun whispered. But just before he left, Myeonie answered, "Don't underestimate me. You do not know me when I'm hungry."
The corner of his lips turn up when he continue to walk away until he left them alone.
Higit kanino man, si Sehun lamang ang tunay na nakakakilala kay Myeonie. Matibay ang paniniwala ni Sehun na si Lay lamang ang makakapag pabago ng isip ng kapatid nya. Kampante syang iwanan si Lay dahil alam nyang hindi magagawang paslangin ni Myeonie si Lay. Hindi lang dahil sa imortal si Lay, kundi dahil alam nyang hindi magagawang paslangin ni Myeonie ang taong magliligas sa kanya mula sa kadiliman, at magpapaintindi sa kanya na ang landas na tinatahak nya ay mali. Pero kung mabigo man si Lay na kumbinsihin ang kapatid nya, sigurado namang magiging isang tinik sa lalamunan ang mga salitang binitawan ni Lay sa kanya. Si Lay ang mas may karanasan sa pagkapoot, at hinanakit, kaya naniniwala syang mapapalambot nya ang puso ng kapatid nya dahil sa pagkakapareho nila ng karanasan.
Kumatok si Sehun sa pinto ng kwarto ni Kris, at kusa itong nabuksan para sa kanya. Pag-apak nya sa loob ay isang malademonyong ngiti ang sumalubong sa kanya..
"Oh look who's here.. My son with a look of unforgiving face of a man whose woman has been taken from him."-Kris
"Where's Shana?"-Straight to the point na sabi ni Sehun habang seryosong nakatingin sa ama nya. "I need her blood to heal my wounds."
Tumaas ang kilay ni Kris habang nakangiti. "You've done well holding back yourself all this time. My son. Iyon lang ba talaga ang sinadya mo dito?"- But the smile on his face immediately disappeared and was replaced with a frown. "Mapagkakatiwalaan ba kita?"
"Anak mo pa rin ako. Nasa kamay ko na ang Crystal Guard na hinahangad mo.. Ano pa bang gusto mo?"-Seryoso syang nakatingin sa mga mata ni Kris, ngunit mapapansin ang lungkot sa tono ng kanyang pananalita..
Biglang sumeryoso si Kris. Tinitigan nya ang kanyang anak mata sa mata, at biglang bumaba ang tingin nya sa mga bendang nakabalot sa halos kalahati ng kawan nito. Naningkit ang kanyang mga mata na parang may kung anong pumapasok sa kanyang pag-iisip.. Nagyukom ang mga kamay ni Sehun dahil hindi nya mabasa kung ano ang iniisip ng kanyang ama..
"Indeed. Then go do whatever you want from her. I don't care."- Walang emosyon na sagot ni Kris.
Walang pagdadalawang isip na tumalikod si Sehun para lumabas ng silid, pero bago pa sya tuluyang makalakad palayo ay muling nagbitaw ng seryosong salita ang kanyang ama.
"Just don't do anything stupid, Sehun."
Tumigil sya sa paglalakad pero hindi sya muharap sa kanyang ama..
"I'm afraid of you more than anyone else in this world. You know that. Father."-Sehun said and he continue to walk out of the room..
Nang makalabas si Sehun, tinagal nya ang mga bendang nakabalot sa katawan nya at hinagis nya ang mga iyon sa sahig. Nagsinungaling sya, ang totoo ay gumaling na ang nasunog nyang katawan. Nung napasakamay nya ang Crystal Guard, kasabay ng pag-balik ng alaala ni Shana ang pag-galing ng kanyang mga sugat, pero minabuti nyang itago muna ito sa lahat..
Hindi tanga si Sehun para hindi pag-hinalaan ang kanyang ama. Alam nya na may binabalak itong hindi maganda. Alam nyang may idea na si Kris sa plano nyang itakas si Shana. Ang nakakapag taka lang ay bakit napaka daling pumayag ni Kris na makipag kita sya kay Shana?
BINABASA MO ANG
The Six Guardians (Completed)
FanfictionLu Shana is the last goddess. Anim na tao ang gumawa ng kontrata kay Shana. She can give Powers and Immortality to humans. Ngunit, ang buhay na Imortal ay mayroong kapalit.. Once they wish for Immortality.. Shana's life will be their lives.. Ang buh...