Palubog na ang araw ng magising si Rain at sa pagdilat ng kaniyang mga mata ay pamilyar na tanawinang agad niyang nakita.
"Teka, kwarto ko to ah? Paano naman ako nakauwi dito? Nananaginip lang ba ako?" Sambit ni Rain.
"Hindi ka nananaginip at totoo ang mga nangyari kanina." Sambit ng isang babae.
Nagulat si Rain matapos may marinig na isang boses na hindi kalayuan sa kaniyang tabi at sa paglingon niya sa kaniyang kanan ay nakita niya ang magandang babae na nagbabasa ng isang magazine.
"Te..te..teka! Pa..pa..paano mo nalaman ang bahay na'min? At ano ang nangyari kanina dun sa mga lalaking humabol sayo? At a...a...a...a... *Hmppp!" Gulat na pagkakasambit ni Rain.
Hindi na natapos ni Rain ang kaniyang huli sasabihin, dahil tinakpan na ng magandang babae ang bibig niya.
"Ang dami mong tanong! Pero bago ko ipaliwanag sayo ang nangyari kanina ay magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Selina Oceanus at isa akong mythical shaman ng Siren. Actually parang tao din ako, ngunit ang dugong dumadaloy sa aking ugat ay dugo ng isang siren at taglay ko din ang mga kapangyarihan nito." Sambit ni Selina.
*** Selina Oceanus. 15 years old at tulad ng kaniyang sinabi ay isa siyang mythical shaman ng Siren. Moody, Mabait, Matalino, ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay lagi mo siyang maaasahan.
Slim ang pangangatawan ni Selina, nasa 5'4" ang kaniyang taas, medyo may pagka-orange na parang red ang kulay ng kaniyang mahabang buhok, maputi at makinis ang kaniyang balat at higit sa lahat, maganda ang kaniyang pyutsur. (if you know what I mean :3) ***
*** Note: Ang mga Siren ay isang class-B na mythological creature, ang anyo nito ay kalahating tao at kalahating isda. Malakas ang mga siren kapag sila ay nasa tubig, dahil may kakayahan silang manipulahin ito. Mahiwaga din ang kanilang tinig at ang sinumang makarinig ng kanilang inaawit ay mapapasailalim na sa kanilang kapangyarihan. ***
Hindi pa rin maunawaan ni Rain ang mga sinasabi ni Selina at iniisip na lang na baka pinagkakatuwaan lang siya nito.
"Tama na nga yang mga kalokohang pinagsasabi mo at sabihin mo na ang tunay na nangyari." Sambit muli ni Rain.
"Haaaay naku, nagsasabi ako ng totoo. Isa nga akong mythical shaman ng siren at ang mga lalaking humabol sa akin ay mga mythical shaman ng satyr na isa ding mythological creature. Makinig ka! Ang lugar na ito ay iba sa lugar na pinanggalingan nyo. I know na alam din ng ate mo ang mga nilalang na nabubuhay dito. Siguro narinig mo na rin sa balita ang lugar na ito. Ang lugar na hindi mapasok ng gobyerno nyo, dahil nga sa mga nilalang na nabubuhay dito. Dahil ang lugar na ito ay ang "The Den of Evil"." Sambit muli ni Selina.
"Ang Den of Evil? Te..te..te..teka! Dito yung sinasabing may mga nilalang na kumuha ng mga tao sa kalapit nitong bayan para kainin at pinaniniwalaang pugad ng mga dimonyo?! Ang De..de..de..de..den of Evil! Pe..pe..pero, bakit mo binabasa yang mga p*rn magazine ko!!" Gulat na pagkakasambit ni Rain.
Matapos magsalita ni Rain ay agad itong bumangon at mabilis na inagaw ang magazine na binabasa ni Selina.
"*Hahaha! Mga lalaki nga naman!" Sambit ni Selina.
"Teka, wala akong pakiaalam kung nasa "Den of evil" man ako o wala, dahil wala akong kinatatakutan. Tsaka parang hindi naman ito ang Den of evil, dahil may mga tao dito, pamayanan, paaralan. Yung nga lang, kakaibang mga halaman at hayop dito. At hindi pa rin ako naniniwala dyan sa mga satyr, satyr na yan at siren." Sambit muli ni Rain.
"*Hmm.. Tama ka nga, may mga tao din dito pero konti lang. Siguro mga 30% lang ang mga taong nakatira dito at ang natitirang 70% naman ay mga mythical shaman at yon ang tawag sa mga tulad na'min." Sambit muli ni Selina.
BINABASA MO ANG
School of Myths
FantasyGenre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Si Rain, isang 15 years old boy na high school student, kasama ang kaniyang ate na si Rachelle ang napunta sa lugar kung saan kinatatakutan ng lahat ng tao. Ang "Th...