Chapter 20: Gorgon - Lina Gordania.

34.6K 703 65
                                    

Gabi na ng magising si Rain sa loob ng clinic ng kanilang paaralan. Sa pagkakataong ito ay agad niyang nakita ang kaniyang mga kaibigan.

"Rain?! Oy mga kasama, gising na si Rain!" Sambit ni June.

Mabilis na naglapitan ang mga kaibigan ni Rain at kasalukuyan ding nandito si Alex. Samantala, dahan-dahan namang bumangon si Rain.

"Teka! *Hue?! Bakit parang hindi na masakit ang katawan ko?" Sambit ni Rain.

"Wag ka ng magtaka, dahil isa kang Pii.. *Hmmp!" Sambit ni June.

Hindi na nagawa pang matapos ni June ang kaniyang sasabihin, matapos maalala na isang sikreto ang tunay na pagkatao ni Rain. Sa ngayon ay napatingin na lang siya sa kaniyang mga kaibigan, suot ang gulat na ekspresyon.

"Dahil isang ano? Anong, ano si Rain?" Tanong ni Annie.

"*Ahh.. ano.. ang ibig sabihin ni June ay isang Pi... ayun! Si Rain ay isang Pi.." Sambit ni Mark.

Hindi na nagawang tapusin ni Mark ang sana ay sasabihin niya, dahil biglang nagsalita si Alex at dinugtungan nito ang kaniyang sasabihin.

"Phoenix?" Walang emosyong pagkakasambit ni Alex.

"Yun! Tama! Isang phoenix si Rain! *Pause! *Huwhaat?!" Sambit muli ni Mark.

Dala ng labis na taranta ay napa sang-ayon si Mark sa sinabi ni Alex, subalit agad siyang nagulat matapos magpatanto na mali ang kaniyang ginawa.

"Ikaw?! Bakit mo sinabi?!" Galit na pagkakasambit ni June.

"Anong ako?! Ikaw na nga itong muntik ng madulas eh! *Grrr.." Tugon ni Mark.

"Haaaay!" Dismayadong pagkakasambit ni Rain.

Napakamot na lang ng ulo itong si Rain at napa-iling matapos mabulgar ang kaniyang sekreto.

"Tama nga ang kaninang hinala ko." Sambit ni Selina.

"Papaano mo naman nalaman, Selina? At pati na rin ikaw Alex?" Tanong ni Rain.

"Nang mabanggit mong nalunok mo ang mga luha mo." Walang emoyosong pagkakasambit ni Alex.

"*Huh?! Ano naman ang kinalaman non?" Tanong muli ni Rain.

"Bugok ka talaga Rain! Hindi mo man lang ba alam ang mga ability mo? Nakakapagpagaling ang mga luha ng phoenix!" Sambit ni Mark.

"*Ahh! Kaya pala biglang nawala ang mga sakit na nararamdaman ko kanina. Yun pala ang dahilan. *Hahaha!" Sambit muli ni Rain.

"Wala ka nga talagang alam!" Sambit muli ni Mark.

"Natitiyak kong hindi lang kami ni Selina ang nakapansin sa mga sinabi mo, kaya posibleng alam na din ng iba na isa kang phoenix." Walang emosyong pagkakasambit muli ni Alex.

"Tama si Alex, pero ipaliwanag mo muna sa'min kung bakit kinailangan mo itong ilihim." Sambit muli ni Selina.

"Patay ako nito sa ate ko!" Sambit muli ni Rain.

"Pero teka lang Selina! Kaya mo ba hinalikan kanina si Rain, dahil alam mong isa siyang phoenix?!" Sambit ni Annie.

Sandaling natahimik ang lahat at sa mga sandaling ito ay naalala ni Rain na hinalikan siya ni Selina, kaya bigla na lang siyang nakaramdam ng labis na pagkahiya at hindi na niya magawa pang magsalita. Ngunit ilang sandali pa ay binasag na ni Selina ang katahimikan at kalaunan ay tinugon nito si Annie.

School of MythsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon