July 18, CS240. Araw ng hwebes at kasalukuyang pa ring kumakain sa ngayon ang magkakaibigan sa cafeteria.
"Kung totoo nga ang mga nakwento ni Rain, posible kayang may malaking ginawa ang mga sorcerer at sorceress na hindi nagustuhan ng mga mythical shamans?" Sambit ni Mark.
"Hindi ko rin alam, hindi kasi sinabi sa'kin ni miss Eclaire ang tungkol sa bagay na yon. Tsaka ayoko na siyang tanungin pa, kasi malulungkot lang muli siya." Sambit ni Rain.
"Rain, hayaan mo akong sumama sayo sa gagawin mo bukas." Sambit ni Lina.
"Pasensya na, pero hindi pwede Lina." Tugon ni Rain.
"Pero.." Sambit muli ni Lina.
"Posible kasing atakihin agad tayo ng mga tao sa oras na makita nila tayo, kaya mas mabuting mag-isa na lang ako haharap sa kanila." Sambit muli ni Rain.
"So, ano ang pino-point mo?" Sambit ni Selina.
"Katulad ng sinabi ko kanina, hindi ako basta tatablan ng mga pag-atakeng gagawin sa'kin ng mga yon sa oras na naka Phoenix storm mode ako." Tugon muli ni Rain.
"Sandali lang, kanina pa ako napapaisip sa kung ano yung sinasabi mo Rain. Anong phoenix storm mode?" Tanong ni David.
"Oo nga.. Kanina pa din ako napapaisip dun eh.." Sambit ni Melisa.
Sa mga sandaling ito ay sandaling natahimik ang magkakaibigan at kalaunan ay nagkatinginan sila. Samantala, labis namang nagtataka sina David at Melisa, dahil wala silang ideya sa kung ano ang nangyayari. Sa mga oras na ito ay naalala nilang hindi pa nila nasasabi kina David at Melisa ang tungkol sa pagiging isang mythical shaman ng phoenix ni Rain, kaya walang ideya ang dalawa sa kaniya sinasabi.
"Ano.. David at Melisa. Ang totoo nyan, hindi talaga ako isang mythical shaman ng elemental fire dragon." Sambit ni Rain.
"*Eh? Kung ganon, anong klaseng mythical shaman ka?" Tanong ni David.
"*Areh?! Kung hindi ka isang elemental fire dragon, anong klaseng mythical shaman ka?" Tanong ni Melisa.
Halos sabay natanong ang dalawa, matapos nilang marinig si Rain.
"Isa siyang Phoenix. Mythical shaman ng Phoenix, ang ika-apat na reincarnation ni Zenon Reign Icarus." Walang emosyong pagkakasambit ni Alex.
Gulat na napatingin sina David at Melisa kay Alex.
"Paki ulit nga ang mga sinabi mo, Alex." Sambit muli ni David.
"Isang Phoenix si Rain. Mythical shaman ng Phoenix, ang ika-apat na reincarnation ni Zenon Reign Icarus." Walang emosyong pagkakasambit muli ni Alex.
"*Heeh? Totoo ba ang mga narinig ko? Si Rain ang ika-apat na reincarnation ni Zenon Reign Icarus, ang isa sa apat na mythical shaman ng phoenix?" Sambit muli ni David.
"Ano.. Pasensya na David kung ngayon lang na'min ito nasabi sayo. Sa totoo lang ay ngayon lang na'min ito naalala eh. Hindi ba? *He..hehe.." Sambit muli ni Rain.
"O..o..oo.. Tama si Rain, David. Actually ngayon ko lang din ito naalala. *Hehehe.. Pasensya na.. At isa pa nga pala, ako nga pala ang decendant ng Armored gold fenrir." Sambit ni Mark.
Lalong nanlaki ang mga mata ni David matapos marinig ang mga sinabi ni Mark sa kaniya.
"Si Rain ay ang ika-apat na Zenon, tapos ikaw naman ang decendant ng Armored gold fenrir? Kailan pa 'to?! Bakit nyo inilihim sa'kin ang mga ito? *Tsk! Akala ko pa naman mga kaibigan ko kayo!" Sambit ni David.
BINABASA MO ANG
School of Myths
FantasyGenre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Si Rain, isang 15 years old boy na high school student, kasama ang kaniyang ate na si Rachelle ang napunta sa lugar kung saan kinatatakutan ng lahat ng tao. Ang "Th...