Chapter 12: Cerberus - Sai Kerberos

44.7K 848 254
                                    

Kanina habang kausap ni Rain ang kaniyang mga kaklase ay napansin niya si Aris at labis siyang nagtaka sa kalagayan nito. Bakas kasi sa mukha nito ang mga sugat at kapansin-pansin din ang mga benda nito sa braso.

"Kung ganon ay malakas pala itong si Sai? Pero anong klaseng mythical shaman ba si Aris?" Sambit ni Rain.

"Si Aris ay isang werewolf, samantalang si Sai naman ay isang mythical shaman ng Cerberus." Tugon ni Mark.

*** Notes: Ang Werewolf ay isang class-S na mythological creature, isang normal na tao lang ang anyo nito ngunit sa oras na masilayan nila ang liwanag ng bilog na buwan ay nagpapalit ang kanilang mga anyo. Isang malaking lobo na nakakatayo sa pamamagitan lang ng dalawang mga paa nila ang tunay na anyo ng isang werewolf. Mabibilis at malalakas ang mga ito, malakas din ang kanilang pandama, pang-amoy at matalas din ang kanilang paningin. Kumpara sa mga Lycans ay higit na mas malakas ang mga werewolf, dahil na rin sa taglay nilang mga lakas at kapanyarihan.

Ang Cerberus ay isang class-A na mythological creature, isa itong malaking aso na may tatlong ulo. At ang bawat isa sa mga ulo nito ay may kapangyarihan ng: "Fire", "Lightning" at "Ice". Mabilis at malakas din ang mga cerberus, kaya mahirap silang kalabanin. ***

"Mag-ingat ka dyan! Pabago-bago kasi ang pagkatao nyan, dahil tatlo ang ulo ng Cerberus. Ang hirap kausap nyan! Minsan masaya, minsan galit, at kung minsan umiiyak na lang bigla." Sambit ni June.

"Pabago-bago ang pagkatao niya? Tatlo ang ulo? Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo." Sambit muli ni Rain.

"Makinig ka, Rain. Dahil tatlo ang ulo ng mythical creature na cerberus, ay may tatlong split-personality ang mythical shaman nito. At ito ay ang "Galit", "Masaya" at "Malungkot". At ang bawat personalidad na ito ay may kani-kaniyang taglay na kapangyarihan. "Galit" para sa kapangyarihan ng "Apoy", "Masaya" para sa kapangyarihan ng "Kidlat" at "Malungkot" para sa kapangyarihan ng "Yelo". Pero hindi lahat ng mythical shaman na may maraming ulo ay may split personality na!" Sambit ni Mark.

"Whoa! Medyo komplikado naman pala ang pagkatao niya, pero salamat at ipinaliwanag mo ito sa'kin." Sambit muli ni Rain.

Ilang sandali pa ay isa-isa ng nag-alisan ang mga kaklase ni Rain, dahil oras na din para kumain ng tanghalian. Sa mga oras na ito ay nagroon si Rain ng panandaliaan katahimikan, ngunit may masamang aura siya nararamdaman at kanina pa ito nakatingin sa kaniya. Batid naman niya kung kanino ito nagmumula (kay Selina), kaya minabuti na lang niyang wag na lang itong pansinin pa, dahil baka lalo lang itong magduda sa kaniyang mga kwinento.

Habang tumatagal ay mas lalong lumalakas ang aura na nararamdaman niya, kaya naman napamukmok na lang siya sa kaniyang lamesa. Sandali siyang nagmasid-masid sa paligid at dito ay bigla siyang nabuhayan matapos mahagip ng kaniyang paningin si Krystine, habang masayang nakikipagkwentuhan sa kaniyang mga kaibigan.

Masayang pinagmamasdan ni Rain si Krystine, ngunit ilang sandali pa ay bigla na lang siya nagulat dahil biglang nagpakita si Selina sa lugar kung saan siya nakatingin.

"*Huwaah?! Ano ka ba naman Selina?! Wag mo naman akong ginugulat ng ganiyan! Aatakihin ako nyan sa puso eh." Sambit ni Rain.

"Mga lalaki nga naman. Itigil mo na nga yang pagpapantasya mo. Nakakahiya ka!" Dismayadong pagkakasambit ni Selina.

Matapos magsalita ni Selina ay medyo galit na tumayo si Rain. Kasunod nito ay naglakad na siya papalabas ng kanilang classroom.

"Oi Rain! Saan ka pupunta?" Sigaw ni Selina.

School of MythsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon