Chapter 4: Unang araw sa paaralan - Pagpapakilala.

65.8K 1.1K 205
                                    

Hunyo 17, CS240. Araw ng lunes. Maagang gumising si Rain sa araw na ito, dahil ito ang unang araw niya sa bagong paaralan na kaniyang papasukan. Sa ngayon ay masaya siyang kumakain ng almusal kasama ang kaniyang ate, si Rachelle.

"Okay! Excited na akong pumasok! Ngayon lang ako nasabik ng ganito para lang pumasok sa school! *Hahaha!" Masayang pagkakasambit ni Rain.

"Hoy! Hoy! Hoy! Iwasan mong makipag-away ah! Ayokong sa unang araw mo ay mapatawag agad ako don! Pagod na akong humanap ng trabaho at matitirahan na'tin! Kaya wag na wag ka nang makikipag-away kahit sila pa ang nauna! Maliwanag ba!?" Sambit ni Rachelle.

"Okay ate, naiintindihan ko! Hindi na ako makikipag-ayaw! Pangako ko yan!" Sambit muli ni Rain.

Napatitig na lang si Rachelle sa kaniyang kapatid at hindi na nakapagsalita matapos makita ang seryosong ekspresyon sa mukha nito.

"Kung normal pa sanang tao ang mga makakaaway ko doon, baka hindi ako mangako." Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.

Matapos makakain ay mabilis ng nag-ayos ng kaniyang sarili si Rain at matapos noon ay umalis na ito upang magtungo sa paaralan. Halos ilang minuto rin siyang naghintay at dahil walang makitang maaring masakyan patungo sa paaralan ay minabuti na lang nitong maglakad. Gagamitin kasi ng kaniyang ate ang kanilang sasakyan papasok sa trabaho nito.

(Note: Wala talagang na mamasadang sasakyan sa Travincial, dahil halos lahat ng naninirahan dito ay Mythical Shaman. Meron namang mga sasakyan ngunit ito ay mga pribado at hindi gamit pang pasada. xD)

Halos kinse minuto ang nilakad ni Rain upang makarating sa paaralan. Maaga pa naman at hindi siya mahuhuli sa kaniyang klase ngunit ang problema ay hindi niya alam kung saang silid siya papasok. Dahil na rin sa lawak ng campus at bago lang siya dito ay nahirapan talaga siyang alamin at hanapin ang kaniyang silid aralan.

Habang naglalakad sa loob ng campus ay lingon siya nang lingon, kaya hindi niya namalayang may tao na pala sa kaniyang harapan.

*** SFX: Blagg! ***

hanggang sa mabangga na nga niya ito.

"Ay, sorry. Bago lang kasi ako dito, kaya hindi ko alam kung saan yung classroom ko." Sambit ni Rain.

Matapos niyang magsalita ay nagpatuloy lang sa paglalakad ang lalaki at tila hindi na siya pinansin pa nito. Ngunit ilang sandali pa ay bigla na lang itong nagsalita habang patuloy sa kaniyang paglalakad.

"Sa susunod mag-ingat ka, tao. Hindi ito ang mundo mo." Sambit ng lalaki.

Nagulat si Rain sa kaniyang narinig at naalala nito ang sinabi sa kaniya ni Selina na ang lugar na ito ay hindi para sa mga tao, kundi lugar para sa mga tinatawag na Mythical Shaman. Sandaling napahinto si Rain at napatitig na lang sa likod ng lalaking nabangga niya hanggang sa..

***SFX: Tsssssssss Blaaaaag ***

Isang grupo ng mga kalalakihan at isa sa mga ito ang tumulak sa kaniya, dahilan upang mapaupo siya sa lapag.

"*Hahaha! Isang tao?! At ano na naman ang ginagawa ng isang tao dito? Pero okay 'to at may bago na naman akong alipin! *Fuwahahaha!" Sambit ng lalaking tumulak kay Rain.

Nang gigil si Rain sa lalaking tumulak sa kaniya at ilang sandali pa ay dahan-dahan na siyang tumayo habang nakadakot ang kaniyang mga kamao.

"Pasensya ka na ate, hindi ko pala kayang tuparin ang binitiwan kong pangako. Kahit alam kong hindi mga tao ang mga makakaaway ko." Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.

School of MythsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon