July 18, CS240. Araw ng hwebes at kasalukuyang tanghali nang mga oras na ito, kaya kumakain ngayon sa cafeteria ang magkakaibigan.
"Ano na ang plano mo ngayon Rain? Bukas na sasalakay ang mga tao sa'tin." Sambit ni Mark.
"Hindi ko pa alam, pero ang plano ko ay salubungin agad sila bago pa man sila makalapit ng tuluyan sa Odin City." Tugon ni Rain.
"Pero sobrang mapanganib yon, Rain! Papaano kung paulanan ka nila ng mga bala at ng mga bazooka or mga air attacks?" Sambit ni Annie.
"Don't worry, Annie! Bago pa ako bumalik dito sa travincial ay nagsanay muna ako. Hindi pangkaraniwang nilalang ang nagligtas sa'kin, pati na rin ang mga kasamahan niya. At masasabi kong ang bawat isa sa kanila ay kasing lakas ni master Drake." Sambit muli ni Rain.
Biglang natigil sa pagkain ang magkakaibigan at napatingin ang mga ito kay Rain, lalong-lalo na si Aron.
"Nagsanay ka, Rain?" Tanong ni Lina.
"*Uhm!" Tugon ni Rain.
"Sandali? Kasing lakas ni lolo Drake ang mga nilalang na nagligtas sayo? *Hahaha! Medyo may pagka-comedian ka din pala no, Rain?! *Ha..haha!" Sambit ni Aron.
"Tama ka Aron! Hindi nga kasing lakas ni master Drake ang naglitas sa'kin, dahil mas malakas pa siya!" Sambit muli ni Rain.
Muli ay natahimik at napatulala ang magkakaibigan kay Rain. Napatayo naman si Aron, dahil hindi ito makapaniwala sa kaniyang mga narinig.
"Malakas pa kay lolo Drake?! Hindi na ata magandang joke yun, Rain!" Sambit ni Aron.
"Teka, mas malakas pa kay Drake Draken ang nagligtas kay Rain? Imposible! Wag mong sabihing si Hades ang nagligtas sa kaniya?" Sambit ni Selina dereketa sa kaniyang isipan.
"Hindi ako nagbibiro, Aron. Kung nakita mo lang kung gaano kalakas ang kapangyarihan niya, natitiyak kong magugulat ka rin. Tulad mo ay hindi rin ako makapaniwala, dahil si master Drake na ang itinuturing kong pinakamalakas na nilalang na kilala ko. Pero kahit siguro si master Drake ay alam na mas malakas ang nilalang na yon kumpara sa kaniya." Sambit muli ni Rain.
"Ano?! *Grrrrr! Kung ganon, sino ba itong nilalang na nagligtas sayo?!" Sambit muli ni Aron.
"Oo nga Rain. Sino nga ba?!" Tanong ni Mark.
"*Uhm! *Uhm! Gusto ko ding malaman." Walang emosyong pagkakasambit ni Alex.
"Nako! Naka carried away ako. *Tsk! *Ah! Si Ms. Eclaire na lang ang ipapakilala ko sa kanila." Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.
"*Ehem! *Ehem! Ang pangngalan ng nagligtas sa'kin ay Eclaire Castellar, isa siyang sorceress at tanging siya na lang ang nag-iisang sorceress na kayang kontrolin ang time and space." Sambit muli ni Rain.
"Eclaire Castellar?" Tanong ni Aron.
"Sorceress?!" Tanong ni Annie.
"Time and Space?!" Tanong ni Mark.
"Saan mo naman napulot yang kasinungalingan na yan, Rain?!" Tanong ni Selina.
"*Uhm! *Uhm! Halatang puro kasinungalingan lang ang mga sinabi mo, Rain." Walang emosyong pagkakasambit ni Alex.
"Don't worry, Rain. Naniniwala ako sayo." Sambit ni Lina.
"Maraming salamat, Lina." Sambit muli ni Rain.
Bakas ang pagkadismaya sa mukha ni Rain matapos niyang magsalita.
"Hindi ba't hindi naman totoo ang mga sorceress?" Sambit ni Melisa.
BINABASA MO ANG
School of Myths
FantasyGenre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Si Rain, isang 15 years old boy na high school student, kasama ang kaniyang ate na si Rachelle ang napunta sa lugar kung saan kinatatakutan ng lahat ng tao. Ang "Th...