Extra Chapter: Behind the scene story.

25.7K 438 67
                                    

Ang mga sumusunod na mababasa nyo po ay ang mga “naglaban sa utak ko” kung isasama ko ba sila sa main chapter o hindi. At ang iba naman ay sadyang “nakalimutan” kong ilagay. So, na isip ko ang extra chapter na ito para takpan ang mga pagkukulang ko at para na din maliwanagan kayo kung mayroon man kayong hindi na unawaan o nakalimutan na mahalagang bagay na hindi nyo na napansin.. XD

 

Chapter 20:  Gorgon – Lina Gordania.

Habang naglalakad papunta ang magkakaibigan sa bahay nila Rain. Magkatabi at sabay na naglalakad sa hulihan ng mga oras na ito sila June at Rain.

“Rain, maraming salamat.” Mahinang pagkakasambit ni June kay Rain.

*Huh!? Bakit ka nagpapasalamat sa’kin? Hindi ba’t normal lang na magtulungan ang magkakaibigan?” Nakangiting pagtugon ni Rain kay June.

Napangiti na lang si June matapos marinig ang mga sinabi ni Rain sa kaniya.

 

“Oo nga pala, ano nga pala ang naging reaksyon mo ng magkita muli kayo ni Mark dito sa loob ng travincial? Tapos naging magkaklase pa pala kayo. Diba hindi na kayo nagkita matapos nung nangyaring insedente dun sa mundo ng mga tao kung saan dati kayong nag-aaral.” Tanong ni Rain kay June.

*Ahh! Oo nga pala. Syempre nagulat ako, matapos kong makita si Mark at Ryan sa classroom. Nagulat din si Mark ng makita ako, pero hindi katulad mo, nung unang beses na nakatungtong ako dito ay wala talaga akong kaalam-alam sa mga mythical shaman at hindi ko din alam na ito na pala ang “Den of evil”.” Tugon ni June kay Rain.

*Ahh.. Ano pa ang mga nangyari?” Sambit muli ni Rain kay June.

“Ang totoo, hindi ko alam kung papaano ko haharapin si Mark, dahil natatakot pa rin ako sa kaniya. Hanggang sa unti-unti ko ng malaman na ang Travincial pala ay ang Den of Evil. Pero nakakapagtaka na hindi ako natakot, dahil na rin siguro na mali ang iniisip ng mga tao sa lugar na ito at sa mga nilalang na nakatira dito. Siguro may ilang araw lang ay nagkausap na kami ni Mark at muli ay naging magkaibigan na kami.” Tugon muli ni June kay Rain.

“Mabuti at naging magkaibigan muli kayo. At salamat din at naging mga kaibigan ko kayo. Ang totoo nyan, dito ko lang naramdaman ang pakiramdam ng magkaroon ng tunay na mga kaibigan. Lagi kasi ako napapaaway sa dati kong naging paaralan, dahil sa pagtatanggol sa mga binu-bully doon. Pero imbes na pasalamat ako ng mga tinulungan ko ay natakot silang lahat sa’kin, dahil lahat ng nakaaway ko diretso sa ospital eh. *Hahahaha! Masayang pagkakasambit ni Rain kay June.

Napangiti na lang muli si June matapos magsalita ni Rain. Samantala, napansin naman ng iba na nagkakasiyahan sila June at Rain, kaya agad ng nagtanong si Mark sa kung ano ba ang pinag-uusapan ng dalawa.

“Oy! Ano ba ang pinag-uusapan nyo? Parang masaya yan ah!” Sambit ni Mark sa dalawa.

*Ahh! Wala, may na ikwento lang sa’kin itong si June na nakakatawa! Hindi ba June?” Sambit ni Rain kay Mark, pero kalaunan ay tinanong si June.

School of MythsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon