Chapter 18: Shaman fight - dalawa laban sa isa! Rain versus Ryan at Sese.

27.8K 604 52
                                    

Labis na nagulat sina Sese at Ryan matapos malamang wala na ang kanilang kaibigan. Sa ngayon ay nababalot na ng galit ang kanilang kalooban.

"Sese, makinig ka! Sabay na na'ting tatapusin itong basura na 'to!" Sambit ni Ryan.

"Okaaaaaay!" Tugon ni Sese.

Matapos tumugon ay mabilis na tumakbo at kalaunan ay tumalon ng ubod ng taas itong si Sese patungo sa kinaroroonan ni Rain. At gamit ang kaniyang malaking palakol ay malakas niya itong ipinang-atake kay Rain nang makababa na ito.

"** CIRCLE BREAK! **" Sigaw ni Sese.

*** SFX: BOOOOOOOOOOOOOOGOOOOOOOOOOOOOOOOOOOM! ***

Nagawang iwasan ni Rain ang malakas na pag-atake ni Sese sa pamamagitan ng pagtalon sa kaniyang kanang. Ngunit kung tinamaan siya nito ay natitiyak niyang katapusan na niya, dahil na rin sa malaking hukay na nagawa ng pag-atake ni Sese na tumama sa lupa.

"Muntik na ako doon!" Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.

Ngunit ilang sandali pa ay laking gulat ni Rain matapos makita na nasa harapan na niya si Ryan at nakahanda pa para sa gagawin nitong pag-atake.

"Wala ka nang takas pa!" Sambit ni Ryan.

Halos kasabay ng pagsasalita ni Ryan ay nai-lapat na niya ang kaniyang dalawang palad sa dibdib at tyan ni Rain.

"** LIGHTNING FURY! **" Sambit muli ni Ryan.

*** SFX: Pssssssstt.. BOOOOOOOOOOOOOOOM ***

Agad tumalsik si Rain papalayo at kalaunan ay nagpagulong-gulong, matapos tamaan ng ginawang pag-atake ni Ryan sa kaniya. Samantala, mabilis na tumakbo si Sese patungo kay Rain upang sundan ang ginawang pag-atake ni Ryan dito.

Sa patuloy na paggulong ni Rain ay naghintay siya ng pagkakataon para makabangon. At nang makakuha ng tyempo ay mabilis niyang inilapat ang kaniyang kanang palad sa lupa at kalaunan ay itinulak ang sarili gamit ito. Sa kaniyang pagtayo ay agad siyang napahawak sa kaniyang dibdib, dahil malubhang pinsala ang kaniyang tinamo dito.

Sa pagkakataong ito ay nakita na rin niya ang mabilis na pagtakbo ni Sese patungo sa kaniya. Napatukod na lang siya gamit ang katana habang pinapanood ang unti-unting paglapit ni Sese sa kaniya. Hanggang sa ilang sandali pa ay halos ilang mga hakbang na lang ang layo nito sa kaniya. At sa mga sandaling ito ay malakas na itong tumalon, kasabay ng pagbwelo nito sa kaniyang malaking palakol.

"** MAGNUM BREAK! **" Sigaw ni Sese.

Habang nasa ere pa si Sese ay mabilis na tumalon si Rain pasulong, upang makaiwas sa gagawin pag-atake sa kaniya.

***SFX: BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOM! ***

Matagumpay niyang naiwasan ang pag-atake ni Sese at sa kaniyang pagbangon ay muli siyang tumalon papalayo, upang makaiwas sa posibilidad na tamaan ng mga tatalsik na bato. Subalit habang nasa ere ay laking gulat niya matapos makita si Ryan sa kaniyang harapan.

"Saan ka pupunta? *Smirk!" Sambit ni Ryan.

Sa pagkakataong ito ay batid na ni Rain na uulitin lang ni Ryan ang ginawa nitong pag-atake sa kaniya kaninan. At batid din niyang sa oras na tamaan muli nito ay wala ng katiyakan kung makakaya pa niyang lumaban.

Sa ngayon ay imposible na ang makaiwas pa, dala na rin ng momentum sa ginawa niyang pagtalon. Subalit gamit ang kaniyang sandata ay mabilis niya itong itinukod sa lupa at dahil dito ay napigil ang momentum ng kaniyang pagsugod. Hindi ito inaasahan ni Ryan na kasalukuyan ng naka-bwelo na para umatake.

School of MythsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon