Dito ko na po tinapos ang book 1, sana po ay nagustuhan ninyo itong story na ‘to. Sobrang laki ng pasasalamat ko po sa inyo, dahil kayo po ang dahilan kung bakit ko po naipagpatuloy ang pagsusulat nito. Nung una ay wala akong pakialam kung walang magbasa nito, basta lang mai-publish ko ang sinulat ko. Sa pamamagitan po kasi ng pagsusulat ay naalis nito ang mga stress ko. Dito ko ibinuhos ang lahat ng mga damdaming hindi ko ma-kwento sa iba. Mababaw po kasi akong tao, madaling mapatawa, mabilis malungkot, mabilis mainis, mabilis magalit, mabilis akong mahulog, pero matagal akong makalimot. Sa makatuwid, isa po akong “Tsundere!” *Fuwahahaha! xD
Labis po ang kasiyahan nadama ko ng matapos ko ang book-1 ng school of myths, kasi po natupad na itong pangako ko sa sarili ko na magsusulat ako at tatapusin ko kahit hanggang book-1 lang. Sa “Fallen wing – ang makasalanang sandata” ay medyo nabigo po ako, kasi malaking bagay din po ang mga feedbacks na narerecieved ko para ganahan akong magsulat, kaya po medyo tinamad ako sa pagsusulat sa first story na nasulat ko. Sa ngayon po ay pinipilit kong tapusin kahit hanggang book-1 ang fallen wing, pero mas inuna ko munang ituon ang pagsusulat dito sa “School of Myths”. Baka po mag-break muna ako sa pagsusulat para sa book-2, pero wag po kayong malungkot, dahil agad din po akong magsusulat sa oras po na matapos ko na ang bagong short story na isusulat ko, ang “Magkatabing kwarto”. Katulad po ng “Paglalakbay para sa ikatlong bagay”, ang gagawin kong genre nitong bagong short story na ito. So asahan nyo pong mapapaisip kayo sa oras na basahin nyo po ito.
*Umm.. Inuulit ko nga po palang sabihin sa inyo na “LALAKI” po ako! Kahit payat ay purong lalaki ako! Hindi ko alam kung bakit ako napagkakamalang babae ng iba. Bakit nga ba!? xD
Sa mga magtatanong kung ilang taon na po ako, 23 years old na po ako sa april 4. Kung mapapansin nyo po ay saktong 44 chapters ang book-1, sinadya ko po itong gawin kasi nga po paborito kong number ang 44! xD
Nasa inyo po kung gusto nyong mapaaga ang pagsusulat ko para sa book-2 at sa pagpublish ko nito. Patuloy nyo lang po akong kulitin at hingkayatin, tyak sa mga oras na yon ay gaganahan na akong magsulat.. ayun! Maraming maraming maraming maraming salamat po talaga sa pagbabasa sa story na ito! Cheers! –chufalse! xD
BINABASA MO ANG
School of Myths
FantasyGenre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Si Rain, isang 15 years old boy na high school student, kasama ang kaniyang ate na si Rachelle ang napunta sa lugar kung saan kinatatakutan ng lahat ng tao. Ang "Th...