Kasalukuyang nasa hindi magandang sitwasyon si Rain, dahil base sa kaniyang impormasyon sa mga bampira ay mabilis uubusin ang dugo mo nito sa oras mapili ka nito bilang kaniyang biktima. Sa ngayon ay hindi niya alam ang tinutukoy ni Alex, dahil wala siyang ideya tungkol dito.
"Uulitin ko! Papaano ka nakatakas sa kapangyarihan ko?!" Sambit muli ni Alex.
"So..so..sorry! Pero wala akong idea sa mga sinasabi mo!" Sambit muli ni Rain.
Hindi maalis ang tingin ni Alex kay Rain, samantalang mas lalo namang nakaramdaman ng takot si Rain, dahil hindi niya alam kung ano ang pwedeng gawin sa kaniya ni Alex.
"Ms. Nightmiere! Tama na yan, ako man ay walang alam kung papaano. Pero hindi mo naman siguro gustong ipaalam sa kanila kung ano ang sikreto sa naging paglalaban nyo." Sambit ni Driego.
ikinabigla ni Alex ang kaniyang mga narinig mula sa kanilang guro, kaya matapos noon ay tahimik na itong naglakad pabalik sa pwesto niya kanina bago pa man sila magsimulang maglaban ni Roby.
"Muntik na akong madulas doon, pero paano kaya siya nakatakas sa kapangyarihan ko?" Sambit ni Alex derekta sa kaniyang isipan.
"Ano ba problema niya?" Sambit ni Rain.
***SFX: Poooooooooinks! ***
Muli ay agad napahawak si Rain sa kaniyang ulo, dahil muli siyang kinutusan ni Annie dito.
"Araaaaaay!" Sigaw ni Rain.
"Wag na wag mong sisiraan si Alex sa harapan ko!!" Galit na pagkakasambit ni Annie.
Napa-iling na lang ang kaniyang mga kaibigan, dahil wala na silang magagawa pa upang pigilan si Annie.
"Okay, ang susunod ay sina Aicy Winters laban kay Rien Serpenta. Pumili na kayo ng sandata nyo."
Matapos marinig ay agad pumunta ang dalawa sa lugar kung nasaan ang mga sandata at kalaunan ay pumili ng kanilang gagamitin. Matapos noon ay pumunta na sila sa harapan kung saan gaganapin ang kanilang paglalaban.
"Whoa! Ball and chain ang napili ni Aicy!" Sambit ni June.
"Tingnan mo si Rein, punyal din ang pinili niya tulad ng pinili ni Alex." Sambit ni Mark.
"Okay, sa pagbilang ko nang tatlo ay simulan nyo na ang paglalaban. 1..2..3.. Fight!" Sambit ni Driego.
Hanggang sa ngayon ay masamang tinititigan ni Alex itong si Rain. Samantala, napapansin din ito ni Rain, kaya hindi maalis ang kaniyang kaba at takot sa mga posibleng gawin nito sa kaniya.
Mabalik tayo sa naga-ganap na paglalaban sa pagitan nina Aicy at Rein. Nang magsimula ang kanilang paglalaban ay bigla ng nawala si Rein. Naalerto naman si Aicy, hanggang sa matamaan na ito ng hindi matukoy na bagay sa kaniyang tagiliran.
Nagtagal pa ang kanilang paglalaban ngunit, paulit-ulit lang na natatamaan si Aicy nang hindi makitang pag-atake ni Rein. Sinubukan na rin ni Aicy na umatake sa mga lugar kung saan nanggaling ang mga pag-atake sa kaniya, ngunit lahat ng ginawa niyang pag-atake ay walang tinamaan.
Ilang sandali pa ay hindi na matagalan ni Aicy ang nakakainis na pag-atakeng tumatama sa kaniya, kaya naman..
"Nakakainis!" Sigaw ni Aicy.
Matapos niyang ay bigla na lang umulan ng nyebe.
"Snow?! Bakit umuulan ng snow?" Nagtatakang pagkakasambit ni Rain.
"Isa yan sa kapangyarihan ni Aicy! At pwede bang manood ka na lang at manahimik?" Medyo inis na pagkakasambit ni Selina.
"Bakit parang nagagalit ka?" Tanong muli ni Rain.
BINABASA MO ANG
School of Myths
FantasyGenre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Si Rain, isang 15 years old boy na high school student, kasama ang kaniyang ate na si Rachelle ang napunta sa lugar kung saan kinatatakutan ng lahat ng tao. Ang "Th...